PRWC » 5-taong Rice Liberalization Law, ibasura!


Author: admin
Categories: Ang Bayan, Articles
Description: Nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka at kababaihan sa Mendiola sa Maynila noong Pebrero 14 para ipanawagan ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law (RLL), na naisabatas sa araw ding iyon noong 2018. Binatikos nila ang liberalisasyon ng pag-aangkat ng bigas na nagresulta sa pagtaas pang lalo sa presyo ng bigas, kabaligtaran sa pangako nitong ibababa […]
Modified Time: 2024-02-21T05:51:09+00:00
Published Time: 2024-02-21T03-08-25-00-00
Type: article
Images: 000000.jpg  000001.png

Nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka at kababaihan sa Mendiola sa Maynila noong Pebrero 14 para ipanawagan ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law (RLL), na naisabatas sa araw ding iyon noong 2018. Binatikos nila ang liberalisasyon ng pag-aangkat ng bigas na nagresulta sa pagtaas pang lalo sa presyo ng bigas, kabaligtaran sa pangako nitong ibababa ang presyo. Noong katapusan ng 2023, naitala ang pinakamataas na “rice inflation” sa tantos na 19.6%, pinakamabilis sa nakaraang 14 taon. Kumpara sa 2022, tumaas nang halos ₱10 ang bigas kada kilo noong nakaraang taon. Pagpasok ng 2024, tumaas pa nang ₱1-₱2 ang bigas kada kilo. Higit namang bumaba ang presyo ng bilihan ng palay sa bansa.

Source: https://philippinerevolution.nu/2024/02/21/5-taong-rice-liberalization-law-ibasura/