PRWC » Ika-85 kaarawan ni Ka Joma, ipinagdiwang


Author: admin
Categories: Ang Bayan, Articles
Description: Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan, mga alyado, at lokal at internasyunal na mga kaibigan ang ika-85 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Inilunsad nila ang iba’t ibang aktibidad para dakilain si Ka Joma at pahalagahan ang makabuluhan niyang mga ambag sa rebolusyong Pilipino. Sa Rizal, nagsagawa ng serye ng oplan-dikit at oplan-pinta sa […]
Modified Time: 2024-02-21T05:26:46+00:00
Published Time: 2024-02-21T03-11-26-00-00
Type: article
Images: 000000.png  000001.png

Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan, mga alyado, at lokal at internasyunal na mga kaibigan ang ika-85 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Inilunsad nila ang iba’t ibang aktibidad para dakilain si Ka Joma at pahalagahan ang makabuluhan niyang mga ambag sa rebolusyong Pilipino.

Sa Rizal, nagsagawa ng serye ng oplan-dikit at oplan-pinta sa ilang susing lugar sa prubinsya ang Kabataang Makabayan (KM)-Rizal noong Pebrero 11. Sa matataong lugar sa Barangay San Juan, Taytay, nagdikit ang mga kabataan ng “wheat paste art” na nagtatampok ng imahe ni Ka Joma. Ipininta din nila sa mga pader ang panawagan sa mga kabataang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at lumahok sa digmang bayan.

Sa Utrecht, the Netherlands, nagsagawa ng isang programang pangkultura ang mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Source: https://philippinerevolution.nu/2024/02/21/ika-85-kaarawan-ni-ka-joma-ipinagdiwang/