PRWC » 2 aktibistang pangkalikasan, ginawaran ng writ of amparo at habeas data


Author: admin
Categories: Ang Bayan, Articles
Description: Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang pangkalikasan na dinukot ng mga ahenteng militar, para sa writ of amparo at habeas data. Nakamit nila ito matapos ang tuluy-tuloy na paggigiit at pagsisiwalat sa brutalidad ng militar at NTF-Elcac mula nang sila’y dukutin noong Setyembre 2, 2023. Lihim na […]
Modified Time: 2024-02-21T05:01:05+00:00
Published Time: 2024-02-21T03-13-43-00-00
Type: article
Images: 000000.png  000001.png

Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang pangkalikasan na dinukot ng mga ahenteng militar, para sa writ of amparo at habeas data. Nakamit nila ito matapos ang tuluy-tuloy na paggigiit at pagsisiwalat sa brutalidad ng militar at NTF-Elcac mula nang sila’y dukutin noong Setyembre 2, 2023. Lihim na ikinulong ang dalawa sa loob ng dalawang linggo at ipinailalim sa tortyur at pagbabanta sa kanilang buhay.

Alinsunod sa kautusan, hindi maaaring lapitan ang dalawang aktibista at kanilang mga pamilya nang mas mababa sa isang kilometro ng mga ahenteng militar at tauhan ng NTF-Elcac. Maaari rin nilang kunin at ipabura ang mga personal na datos na hawak ng estado para pangalagaan ang kanilang seguridad at karapatan sa pribasiya.

Pansamantalang proteksyon ang ibinigay ng Korte Suprema, at nakasalang pa sa Court of Appeals ang petisyon para sa Permanent Protection Order at Production Order.

Source: https://philippinerevolution.nu/2024/02/21/2-aktibistang-pangkalikasan-ginawaran-ng-writ-of-amparo-at-habeas-data/