PDF Content:
PDF Source:
BASAHIN AT TALAKAYINOpisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan ISPESYAL NA ISYU 29 MARSO 2024 MAG-ARAL, MAGWASTO, MAG-OPENSIBA, KAMTIN ANG INISYATIBA! Pulang saludo sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Timog Katagalugan sa ika-55 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. Nagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan sa kanayunan at kalunsuran. Ipinagbubunyi nila ang maningning na kasaysayan ng kanilang Hukbo sa magiting na pagtatanggol sa kanilang interes laban sa mga uring nagsasamantala at nang-aapi sa kanila. Batid nila na kung wala ang BHB, wala ni anuman ang mamamayan. At dahil dito, kaagapay nila ang kanilang Hukbo sa hirap at sakripisyo, sa kabiguan at tagumpay at sa masalimuot na landas ng pagsulong ng rebolusyon tungo sa katuparan ng minimithing pambansang demokrasya at sosyalismo. Sa kritikal na yugtong ito ng buhay at kamatayang pakikibaka ng sambayanang Pilipino, nararapat na balik-aralan, buong pagmamalaki at kasiyahang ipagdiwang ang mga nakamit nating makasaysayang tagumpay sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Okasyon din ito upang ating alalahanin, kilalanin at bigyan ng pinakamataas na parangal at pagpupugay ang mga martir at bayani ng rebolusyong Pilipino mula pa sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo, Pulang mandirigma at komunista sa kanilang walang pag-iimbot na pag-aalay ng buong lakas, talino, galing at kaisa-isang buhay alang-alang sa dakilang mithiin ng kalayaan, demokrasya at sosyalismo. Sa araw na ito, pagpugayan at parangalan natin ang mga bayani at martir ng rebolusyon. Ibinibigay natin ang natatanging pagpupugay at parangal kay Josephine Mendoza o Ka Sandy, kagawad ng Komite Sentral, mahusay na pinuno at ikalawang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog Katagalugan na pumanaw dahil sa sakit. Nagpupugay at pinararangalan din ng Partido sina Paulo “Ka Komiteng Rehiyon ng Timog Katagalugan Partido Komunista ng Pilipinas Marso 29, 2024
2 KALATAS 29 MARSO 202429 Marso 2024 ISPESYAL NA ISYU Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo- Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan. Inaanyayahan ng pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan. Ito ay tumatanggap ng mga liham sa: Pilipino. Dahil sa wasto at absolutong pamumuno ng Partido, lumaki at lumakas ang hukbong bayan, mula sa maliit at mahina, sa gitna ng walang kasing lupit na pagsupil at pagkitil mula sa usbong ng kaaway. Pinatunayan ng kasaysayan at karanasan ng Partido at hukbong bayan na sa determinadong paglaban at pagsusulong ng armadong pakikibaka lamang lalakas ang mga pwersa ng rebolusyon. Sa loob ng 55 taon, matagumpay na binigo ng Partido at BHB ang malulupit na kampanya ng pagsupil at paglipol na inilunsad ng nagpalit-palitang mga papet na rehimen ng imperyalismong US—mula sa mga operasyong kitlin-sa-usbong hanggang sa mga Oplan kabilang ang Oplan Cadena de Amor (OCDA) na prototype ng Oplan Katatagan ng diktadurang US-Marcos Sr.; Oplan Mamamayan at Oplan Lambat Bitag I at II ng rehimeng US-Aquino I; Oplan Lambat Bitag III at Oplan Unlad-Bayan ng rehimeng US-Ramos; Oplan Makabayan at Oplan Balangai ng rehimeng US-Estrada; Oplan Bantay Laya I at II ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo; Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino II at ang Oplan Kapayapaan at Joint Campaign Plan- Kapanatagan ng tiranikong rehimeng US-Duterte. Tiyak na maitatapon sa basurahan ng kasaysayan ang nagpapatuloy na JCP-Kapanatagan at panibagong deklarasyon ng rehimeng US-Marcos II na mawawakasan na nito ang BHB at PKP bago matapos ang 2024. Ngayon higit kailanman, nararapat na tugunin ng BHB ang naghuhumiyaw na taghoy ng sambayanang Pilipino, laluna ng inaapi’t pinagsasamantalang anakpawis na ilunsad ang opensiba at kamtin ang inisyatiba upang bigyang katarungan ang kanilang kaapihan at kamtin ang katubusan sa di-maagwantang kahirapan at kalupitan bunga ng walang kaparis na kronikong krisis naghaharing sistema at imperyalismo. Umabot na sa isang antas ng kahinugan ang mga panloob at panlabas na salik para higit na magpupunyagi ang sambayanang Pilipino at tanawin ang malaking igpaw-pasulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Ito ang dakilang misyon at ambag ng rebolusyong Pilipino sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo upang ibagsak at wakasan ang parasitiko’t nabubulok na imperyalismo at itatag ang sosyalismo, ang unang yugto sa makasaysayang epoka ng pagtatatag ng komunismo.dagundong.tk@gmail.com @southern_tagalog_ revolutionary_portal Isko” Cruz, Divine “Ka Zoey/Joy” Soreta, Joseph “Ka Ken” Delos Santos, Dayna Benna “Ka Karen” Glorioso Lagrama, Ricanio “Ka Jenny” Bulalacao at Emmanuel “Ka Angelo” Nazareno ng South- Quezon-Bondoc Peninsula; Arc John “Ka Hunter/ Ka Baron” Varon, Nancy “ Ka Mamay” Looy Yaw- an, Peter “Tagub/Roche” Rivera, Jethro Isaac “Ka Bundo/Pascual” Ferrer, Kure “Ka MC/NY” Lukmay, Abegail “Ka Laura/Esang” Bartolome at Jessie “Ka Aja” Almoguera ng Mindoro; Junalice “Ka Arya” Arante-Isita, Isagani “Ka Zuge/Ringgo” Isita, Baby Jane “Ka Binhi/Ani” Orbe, Maria Jetruth “Ka Seven/Orya” Jolongbayan, Alyssa “Ka Ilaya” Lemoncito, Precious Alyssa “Ka Komi” Anacta, Joy “Ka Kyrie” Mercado, Leonardo “Ka Mendel” Manahan, Bernardo “Ka Mamay” Bagaas at Erickson “Ka Ricky” Cueto gayundin ang mga sibilyang pinaslang sa Balayan, Batangas na sina Pretty Sheine Anacta at Rose Jane Agda. Kumuha tayo ng lakas, inspirasyon at talino sa kanilang dakilang buhay upang ubos-lakas na tupdin ang mga tungkuling nakaatang sa balikat ng mga naiwan, damputin ang kanilang sandatang naiwan at sumulong sa landas na dinilig ng kanilang dugo. Itaas natin ang rebolusyonaryong kapasyahan, kawalang takot sa kahirapan at sakripisyo, diwang di magagapi at tanawin ang maaliwalas ng hinaharap ng rebolusyong Piipino. Mula sa halos wala itinatag ng Partido ang BHB sa Ikalawang Distrito ng Tarlac noong Marso 29, 1969. Mula sa pinagsimulang animnapung (60) Pulang mandirigma na nasasandatahan ng siyam (9) na ripleng awtomatik at 26 na mahinang klaseng riple at mga pistola, nakamit ng BHB ang lakas na walang kaparis sa kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang @comkathryn.bsky.social tumblr.com/strevportal
29 MARSO 20243 KALATAS I. MAHIGPIT NA PANGHAWAKAN ANG MGA GINTONG ARAL MULA SA MANINGNING NA REBOLUSYUNARYONG TRADISYON NG MAMAMAYAN NG REHIYON SA NAKARAANG 500 TAON Nagsasaniban ang teoryang Marxista- Leninista at praktika ng Pilipinas. Hindi lamang natin pinakikinabangan ang mga tagumpay na natamo sa ibang bayan para ipagtagumpay ang sarili nating rebolusyon, kundi inaasahan din nating idagdag ang sariling tagumpay sa tagumpay ng iba at ibigay ang ilang kapaki- pakinabang na ambag sa pagsusulong sa Marxismo-Leninismo at pandaigdigang rebolusyong proletaryo, para sa wakas ay lumaya ang sangkatauhan sa salot na imperyalismo at pumasok sa panahon ng komunismo. Sa kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino, naglulunsad tayo ng digmang bayan, ng isang digmang rebolusyonaryo, dahil ito ang tanging paraan para wakasan ang armadong pang-aapi sa mamamayan na ginagawa ng reaksyonaryong estadong instrumento ng uring malaking kumprador-panginoong maylupa2. Alinsunod sa diwang ito na itinuturo ng dakilang Tagapangulong Amado Guererro, kung ang pag-uusapan ay ang husay sa pag-aambag ng ganang kaya ng rehiyong Timog Katagalugan sa pagsusulong at pagtatagumpay ng digmang bayan sa Pilipinas, wala nang mas importante pa kaysa mga prinsipyo’t aral na natutuhan natin batay sa kundisyon sa rehiyon at sa sariling rebolusyonaryong karanasan. Pinakamataas ang pagpapahalaga natin sa mga prinsipyo’t aral na pinagbuwisan ng buhay at dugo ng mamamayan sa rehiyon. Ginagawa natin ito, hindi sa makitid na lokalistang pananaw kundi upang tuparin ang ating saligang tungkuling ilapat ang unibersal na katotohanan ng MLM at mga saligang prinsipyo ng PKP sa kongkretong praktika at sirkumstansya ng pagrerebolusyon sa rehiyong TK upang maiambag ang ganang atin sa pambansang pagpapalakas, pagsulong at tagumpay.Sa nakaraang pitong taon ng buhay at kamatayang pakikibaka, matagumpay nating binigo ang imperyalismong US at kanyang papet na estado na wakasan ang demokratikong rebolusyong bayan na isinusulong ng Partido, BHB at rebolusyonaryong mamamayan. Sa kabila ng mga seryosong pinsala at pag-atras sa ilang bahagi, matatag na nakatayo’t nakawagayway ang bandila ng rebolusyon sa bansa at sa rehiyong TK. Dapat ipagdiwang at ipagmalaki ang mahigpit na kapit ng Partido’t BHB sa baril na nakabatay sa mga layuning pampulitika ng isinusulong na DRB anuman ang kapalit na sakripisyo’t pagpapakasakit. Ito ay dahil tangan ng Partido’t BHB ang wastong saligang prinsipyong ang kapangyarihang pampulitika ay nagmumula sa dulo ng baril at kung walang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan. Napakalalim, napakatibay at di matitinag ang pundasyon ng rebolusyonaryong tradisyon ng sambayanang Pilipino at ng mamamayan sa TK. Ang kasalukuyang demokratikong rebolusyon ng bayan ay pagpapatuloy ng mahigit limang siglo ng magiting na paglaban ng sambayanan laban sa kolonyalismo at neokolonyalismo. Pinanday nito ang di magagaping diwa ng sambayanan sa mga armadong pag-aaklas laban sa sunod-sunod na dayuhang mananakop at sa mga kolaboreytor na lokal na naghaharing uri’t taksil na nakipagkutsabahan sa mga mananakop upang hatiin at pagharian ang sambayanang Pilipino. Makasaysayan ang igpaw at pagsulong ng bagong tipong DRB sa nakaraang 55 taon. Ito ay dahil sa matatag na pamumuno ng PKP at tanglaw ng unibersal na katotohanan ng MLM. Dapat nating walang pagod na pag- aralan ang baul ng kaalaman sa paglalapat ng MLM sa kongkretong praktika ng rebolusyong Kung ang pag-uusapan ay ang pagsusulong at pagtatagumpay ng sarili nating digmang bayan, wala nang mas importante pa kaysa mga prinsipyo’t aral na natutuhan natin batay sa mga kundisyon sa Pilipinas at sa sarili nating karanasang rebolusyonaryo. Kaugnay nito, pinakamataas ang pagpapahalaga natin sa mga prinsipyo’t aral na pinagbuwisan ng buhay ng sarili nating mamamayan1. 1 Amado Guererro, Partikular na Katangian ng Digmang Bayan 2 Ibid
4 KALATAS 29 MARSO 2024sambayanang Pilipino laban sa kolonyalismong Español na rumurok sa Rebolusyong 1896 ng Katipunan sa pamumuno ni Gat Andres Bonifacio. Maitatala ang Rebolusyong 1896 laban sa kolonyalismong Español bilang kauna- unahang pumutok na burgis-demokratikong rebolusyon sa Asya. Pinasimulan ito sing-aga ng 1521, ng matagumpay na paggapi nina Lapu- lapu sa pwersang mapanakop ng Espanya sa pamumuno ni Ferdinand Magellan. Sapul noon, hindi kailanman naputol ang epiko ng maningning na rebolusyonaryong armadong pakikibaka ng sambayanang Pilipino upang makamit ng bayan ang pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo. Ang rebolusyonaryong tradisyon ng mamamayan ng Timog Katagalugan ay pinanday sa apoy ng kulang 400 taong pakikibaka laban sa Kolonyalismong Español (1521- 1898). Ganoonman, dahil sa hiwa-hiwalay at ispontanyong mga pag-aaklas, paulit-ulit itong nabibigo at buong lupit na nasusupil ng kolonyalismong Español gamit ang taktikang manghati at maghari at ng krus at espada. Ang hiwa-hiwalay na paglabang ito ng ating mga ninuno sa iba’t ibang panig ng bansa ay nagsilbing panimulang paghahanda hanggang sa nahinog ang pambansang kamalayan na humantong sa pagputok ng Himagsikan ng 1896 na pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio at ng Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KATIPUNAN). Nagtagumpay ang armadong pakikibakang ito na tapusin ang mahigit 300 taong paghahari ng kolonyalismong Español at itatag ang bansang Pilipinas. Ganonman, dahil sa palasukong liderato ng mga ilustradong pinamunuan ni Emilio Aguinaldo na umagaw sa pamunuan ng rebolusyon, mabibigo itong labanan ang pananakop ng imperyalismong US at isuko ang naipagwagi ng Rebolusyong 1896 sa bagong mananakop. Sinaklot ng bagong imperyalistang kapangyarihan ang kalayaan ng sambayanang Pilipino at iginapos sa kolonyal at neokolonyal na paghahari nito na nagpapatuloy na ng 126 taon. Kabilang sa mahigit 300 pag-aalsa laban sa kolonyalismong Español ng mamamayan ang naitalang dalawang pag-aalsa ng mga Tsino noong 1603 at 1639-1640 na nakilalang Sangley Rebellion I at II na naganap sa Rizal, Laguna at Cavite, ang 1740 pag-aalsang magsasaka sa Cavite, Laguna Batangas at Bulacan, ang pag- aalsang pinamunuan ni Matienza sa Lian at Pilipino na ipinamana sa atin ng dakilang Jose Maria Sison-Amado Guererro, Tagapangulong Tagapagtatag ng PKP (MLM) at pinakadakilang lider at bayani ng rebolusyong Pilipino sa nakaraang siglo. Pinakanatatangi sa mga ito ang mga monumental na papel na kanyang isinulat tulad ng sumusunod: Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Iwasto ang mga Pagkakamali at Muling Buuin ang Partido, Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan, Mahigpit Nating mga Tungkulin, Walang Kalitatibong Pagbabago sa Lipunang Pilipino, Muling Pagtibayin ang Ating mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali, Manindigan sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo at MLM: Gabay ng Rebolusyong Pilipino. Matagumpay na nailapat sa mga papel na ito ang unibersal na katotohanan ng MLM sa kongkretong kalagayan at praktika ng rebolusyong Pilipino. Binigyan ng malinaw na gabay ng mga papel na ito ang kagyat at pangmatagalang direksyon at mga tungkulin ng rebolusyong Pilipino. Dahil sa mga ito, sumulong nang walang kaparis ang rebolusyong Pilipino at patuloy na iwinagayway ang sulo ng matagalang digmang bayan sa kritikal na panahong dumanas ng estratehikong pagkatalo ang sosyalistang kampo dahil sa modernong rebisyunistang pagtataksil at kapitalistang panunumbalik— una sa Unyong Sobyet, mula 1953 at, pangalawa, sa Tsina mula 1978. Malalim na nauunawaan ng mamamayan, laluna ng mga rebolusyonaryong Pilipino na anuman ang mga nakamit na makabuluhang tagumpay sa ekonomya, pulitika, kultura at lahatang panig na pag-unlad ng lipunang Pilipino, ito ay ipinundar ng armadong pakikibaka at rebolusyonaryong paglaban ng ating mga ninuno na pinuhunanan ng walang hanggang kabayanihan, pawis, buhay at dugo ng kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo. Malalim ding nauunawaan ng mamamayan na tuwing bibitawan nila ang armas o ni saglit na luwagan ang paghawak dito, nakakapaghari ang mga mapanakop na pwersang dayuhan at ang mga kasabwat nilang ganid na mga lokal na naghaharing uri na walang hanggan ang kalupitang supilin ang armadong paglaban at agawin o ipagkait ang anumang tagumpay na nakamit ng sambayanan. Nararapat nating ipagmalaki at hawakan ang mga aral sa di-matatawarang rekord ng mahigit 300 armadong pag-aalsa na inilunsad ng
29 MARSO 20245 KALATAS sa mga probinsya ng Laguna, Cavite, Batangas at Tayabas. Naging tanyag ang 13 martir na Katipunero na pinaslang sa Cabite na ngayon ay kinikilala bilang “Los Trece Martires de Cavite”. Katunayan, nagdeklara ang mga probinsya ng Cavite, Batangas at Laguna ng buo-buong pagsuporta sa rebolusyon. Ang Timog Katagalugan din ang base ni Gen. Emilio Aguinaldo na siyang namumuno noon sa paksyong Magdalo sa Katipunan. Sa sulsol ng mga ilustrado na kasapakat ni Aguinaldo itinulak ang pag-agaw sa pamunuan ng Katipunan na humantong sa pagpaslang sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio noong Mayo 10, 1897. Gayunpaman, bukod sa Kabite na bayang sinilangan ni Aguinaldo, ang ibang mga probinsya ng Timog Katagalugan ay patuloy na kumilala sa pamumuno ni Andres Bonifacio, at napilitan lamang silang pumailalim kay Aguinaldo nang maging malinaw na wala na nga si Bonifacio. Sa kabila ng pagsuko ni Aguinaldo sa mga Español at pagpapadestiyero sa Hongkong kapalit ng salapi, nagpatuloy ang mga armadong pagkilos ng mga Katipunero sa pamumuno ni Heneral Malvar. Si Heneral Malvar ang sumunod sa linya ng komand ni Aguinaldo, kaya siya ang kinilala bilang bagong pangulo at commander- in-chief ng Katipunan matapos sumuko si Aguinaldo. Ang digmang pinamunuan ni Malvar ay isang digmang gerilya na nagtataglay sa kalakhan ng katangian ng isang digmang bayan — ang pagkukubli at pagtangkilik ng masa, na ayon nga sa Amerikano ay tila kalaban nila ang buong masang Pilipino sa Batangas at Laguna. Pagdating ng Hunyo 1898, halos ang buong Luzon ay nasa kamay na ng mga Katipunero. Noong Agosto, pinalaya ng mga pwersa ni Heneral Malvar ang Tayabas (Quezon), habang ang mga pwersang Español ay sumuko sa mga pwersa ni Heneral Paciano Rizal sa Santa Cruz, Laguna. Tumampok din ang paglakas at pagtatagumpay ng rebolusyon sa isla ng Mindoro sa pamumuno nina Juan Naguit, Gasic, Koronel Alfonso Panopio na siyang nagwakas sa paghaharing Español sa Mindoro makalipas ang 328 taon. Matapos ang unang pagpaslang ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa San Juan noong Pebrero 2, 1899 nagsimula na ang madugo’t malupit na pananakop ng mga Amerikano na may kabuuang pwersang 70,000. Nakilala ang brutalidad ng kampanyang militar ni General Bell sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Tayabas Nasugbu, Batangas, ang pag-aaklas ni Capt. Andres Novales sa Cavite noong 1823, ang unang relihiyosong pag-aalsa ni Apolonio dela Cruz aka Hermano Pule sa Tayabas (Quezon), Laguna at Batangas noong 1840-1841 at ang sumunod ditong Samaniego Revolt ng Tayabas regiment at ang paglaban ng mga Colorum, ang pag-aaklas ni Sarhento La Madrid noong 1872, ang paglaban ng mga manggagawang Pilipino sa pier ng Cavite na isinisi sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora at ang paglaban ng mga Tulisanes o Ladrones noong 1880 sa Mindoro sa pamumuno ni Kapitan Valeriano Gasic y Ramos. Naglunsad ng armadong paglaban ang mga Pilipino dahil sa pangangamkam sa lupain ng masang magsasaka, ang sapilitang paggawa sa pamamagitan ng ipinatupad na sistemang polo ng mga kolonyalista, ang diskriminasyon sa mga pari at sundalong Pilipino, pag-aanaglahi sa lahing kayumanggi, pamamaslang at kung anu-ano pang kalupitan na isinagawa ng mga kolonyalistang Español. Nang itinayo ang Katipunan at sumiklab ang Rebolusyong 1896, gumampan ng aktibong papel ang mamamayan ng Timog Katagalugan. Bukod sa ginawang base ng Katipunan ang probinsya ng Rizal, libu-libong mga katipunero ang nagmula
6 KALATAS 29 MARSO 2024Sakay at nabigo ang mga supresyon na inilunsad ng mga Amerikano laban sa kanila. Malakas ang suportang tinanggap nila mula sa masa at maging sa ilang ilustrado. Matagal na naging base nina Sakay ang isla ng Talim sa Laguna de Bay at bundok ng San Cristobal sa Dolores Quezon. Dito isinulat ang Manipesto ng Republika ng Katagalugan. Dito rin pinaniniwalaang “nagsumpaan” sila na hindi magpapagupit ng buhok hangga’t hindi napapalayas ang dayuhang Kano. Pinamunuan mismo ni Sakay ang isang pag-aalsa sa Barangay Subay ng nasabing isla. Ang San Mateo ng Rizal ang isa sa naging tanghalan ng labanan sa pagitan ng mga rebolusyunaryong nasa pamumuno ni Sakay at ng tropa ng US. Pagdating ng Enero 31, 1905, pinagpasyahan ng mga Amerikano na suspindihin ang writ of habeas corpus sa Cavite at Batangas dahil sa tindi ng atake ng mga gerilyang Pilipino. Gumamit ang mga Amerikano ng 3,000 sundalo para gapiin ang pwersa ni Sakay at nakamit ito noong 1905. Kasabay nito ang mga pagsisikap ni Gen. Artemio Ricarte na binansagang Kilusan ni Ricarte. Si Ricarte ay tumangging makipagsabwatan sa mga Amerikano at dalawang beses na ipinatapon sa ibang bansa. Nang bumalik siya noong Disyembre 1903, nagtagumpay siyang makipag-ugnayan sa ilang Koronel at mga mababang-ranggong opisyal sa rebolusyonaryong hukbo, at nakapaglunsad ng ilang koordinado ngunit maliitang opensiba. Sa parehong panahon, naganap ang relihiyosong paghihimagsik na pinamunuan ni Ruperto Rios sa Tayabas (ngayon ay Quezon) noong 1902- 1903. Mula 1906-40, sa gitna ng pagkokonsolida ng imperyalistang kapangyarihan ng EU at ng kanyang mga lokal na tuta, nagpatuloy pa rin ang mga panakanakang armadong pagkilos ng mamamayan. Bukod dito, lumaganap sa pambansang antas ang pakikibakang manggagawa, maging ng masang magsasaka. Sa hanay ng mga manggagawa ay tumanyag ang Congreso Obrero de Filipinas noong 1913, Federacion del Trabajo noong 1917, Legionares del Trabajo noong 1919, Katipunan ng mga Anak-Pawis ng Pilipinas noong 1929. Sa hanay ng mga magsasaka ay tumanyag ang Union ng Magsasaka noong 1917, Anak-Pawis noong 1919, Katipunan ng mga Manggagawa at Magsasaka sa Pilipinas noong 1922, Katipunang Pambansa ng mga Magbubukid ng Pilipinas noong 1928 at kung saan napabantog na malakas ang pwersa ni Heneral Malvar. Nandiyan ang hamletting at reconcentrado kung saan tinipon ang buong masa sa mga poblacion ng mga bayan tulad ng Tanauan, sinunog ang tanim, kinatay ang mga alagang hayop at nilason ang mga balon. Sa bawat atakeng gerilya ni Malvar ay pinapatay nila ang isang lider masa bilang ganti. Malaking bahagi ito na nagtulak kay Malvar na makipag tigil-putukan (subalit hindi siya kailanman nanumpa sa watawat ng Amerika). Ayon sa datos ng census , bumaba ng sangkatlo ang populasyon ng Batangas mula sa huling census ng mga Kastila at unang census ng mga Amerikano, o halos 100,000 katao. Magiting na lumaban ang mga Pilipino kabilang na ang mamamayan sa rehiyon. Kinailangan munang magpatupad ang US ng karumal-dumal na henosidyo laban sa mga Pilipino bago nila maigupo ang armadong paglaban ng 5 milyong mamamayan. Pinaslang ng mga ito ang 600,000 Pilipino. Pagdating ng 1902, wala ni isang taong makikita sa kabukiran ng Batangas. Sa panahon ng gerang Pilipino-Amerikano, mahalagang papel ang ginampanan ng Mindoro — una, bilang pang-ekonomiyang baseng tagasuplay ng baka para sa mga rebolusyonaryo at pangalawa, bilang estratehikong atrasan. Noong Agosto 1900 lamang natukoy ng mga Amerikano ang sikreto sa pagdadala ng mga suportang baka at lohistika sa mainland Luzon. Maitatala sa kasaysayan ang kalupitan ng mga sundalong Amerikano sa pamumuno ni Major R. K. Evans ng 13th Infantry Command sa isla ng Mindoro. Nagpatupad siya ng mga karumaldumal na hakbangin tulad ng: pagharang sa mga linya ng suplay ng pagkain (apektado nito pati mga hindi kombatant); pag hamlet sa populasyon na sumasakop ng buong mga distrito at sa labas ng hamlet na ito ay awtorisado ang mga tropang Amerikano na pumatay sa kahit sino at manira ng anumang bagay (panununog ng mga bahay, pagpatay sa mga hayop, paninira sa mga ani at paglason sa tubig inumin). Resulta nito, nagkaroon ng epidemya ng kolera sa buong populasyon. Itinatag ng mga rebolusyonaryong lider na sina Macario Sakay, Julian Montalan at Cornelio Felizardo ang tinaguriang Republika ng Katagalugan noong Mayo 1902. Sa pamamagitan ng mga koordinadong opensiba, umagaw ng maraming armas ang mga pwersa ni
29 MARSO 20247 KALATAS nang tangkang arestuhin matapos pamunuan ang welga sa La Minerva Cigar Factory. Bumase siya sa Longos, Laguna at sumanib sa pwersa ni Capt. Nicolas Encallado na isang 60-taong gulang na beterano ng rebolusyon. Naging erya nila ang Laguna at Tayabas. Naunawaan ni Asedillo ang halaga ng suportang masa. Naging tanyag siya bilang ahitador at tagahimok sa masang suportahan ang rebolusyon. Umabot sa 95% ng naninirahan sa Sampaloc, Tayabas ay kasapi ng itinayo nilang samahang AnakPawis. Naglunsad din ang mga pwersa ni Asedillo ng mga operasyong kumpiskasyon ng pag-aari ng mga panginoong maylupa at pamamarusa sa mga abusadong upisyal, sundalo at impormer. Tanyag ding kilusang anti-US ang Sakdalista na pinamunuan ng oportunistang si Benigno Ramos. Itinatag niya ang dyaryong Sakdal na naging popular na daluyan ng mga pagtutol sa paghahari ng dayuhan at lokal na naghaharing uri. Ang mga mambabasa nito ang naging ubod ng organisasyong Sakdalista na umabot ang kasapian sa 68,000-200,000. Nakapagpanalo ang mga ito ng ilang pusisyon sa papet na estado sa nilahukang eleksyong 1934 dahil sa pagdadala ng mga programang maka-magsasaka kabilang na ang pag-alis sa lahat ng buwis, pagkumpiska sa malalawak na lupain ng mga panginoong maylupa at pamamahagi nito sa mga magsasaka, at pagbibigay ng suportang serbisyo ng gubyerno sa agrikultura. Sa kabila ng oportunismo ni Ramos at panunupil ng kolonyal na estado, nagpatuloy ang ibang lider at masang kasapian ng Kilusang Sakdalista sa kanilang mga pagkilos sa anyo ng kampanyang boykot sa plebisito para sa Konstitusyong Komonwelt. Bilang tugon sa panunupil, nagplano ng armadong himagsikan ang mga Sakdalista. Inihudyat ito ng paglusob ng 150 armadong Sakdalista sa munisipyo ng San Ildefonso, Bulacan. Ibinaba nila ang bandilang Amerikano at Pilipino at ipinalit ang bandila ng Sakdalista. Matapos ito, ang mga Sakdalista sa Tanza at Bgy. Caridad ng Cavite, Cabuyao at Santa Rosa ng Laguna, at iba pang mga bayan ay naglunsad din ng katulad na pagkilos. Sa kabuuan, aabot sa 60,000 magsasakang Sakdalista ang lumahok sa paghihimagsik.Pambansang Kaisahan ng Magbubukid noong 1930. Ang mga organisasyong ito ang naging daluyan para makarating ang mga akda at ideyang Marxista sa ating bansa. Nagkaroon ng linya ng ugnayan ang mga lider ng unyon ng mga manggagawa sa mga rebolusyunaryong Partido sa ibang bansa lalo na sa Partido Komunista ng Unyong Sobyet. Ang pinapakapopular na lider manggagawa sa panahong ito ay si Crisanto Evangelista na nagpunyaging ipalaganap ang Marxismo-Leninismo sa bansa. Siya ang naging tagapangulo ng PKP na itinatag noong Nobyembre 7, 1930, sa ikalabingtatlong anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Oktubre (1917) at pagkakatatag ng kauna-unahang sosyalistang bansa sa buong daigdig. Mula 1925 hanggang 1930, pumutok ang mga welga ng manggagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, kabilang dito ang asukarera sentral sa Laguna (Canlubang). Halos kasabay nito ang pananatili ng armadong pagkilos ng mga labi ng relihiyosong grupo ( colorum ) sa Tayabas. Noong 1930, itinatag ng kasapi ng Komite Sentral ng PKP na si Patricio Dionisio ang Tanggulan, isang lihim na kilusan ( secret society ) laban sa mga Amerikano na nagkaroon ng mga aktibong kasapi sa Laguna at Kabite. Tampok din sa kasaysayan ng TK ang armadong pag-aalsa na pinamunuan ni Teodoro Asedillo, isa ring kasapi ng lumang PKP . Namundok siya
8 KALATAS 29 MARSO 2024ng mga matatagumpay na opensiba laban sa mga pasistang pwersa at pinarusahan ang mga traydor. Kinaharap na mga problema ng mga gerilyang Pilipino sa Mindoro mula kalagitnaan ng 1942 ang kakulangan sa episyenteng organisasyon at koordinasyon, kakapusan sa lohistika at modernong armas pandigma, at ang panloob na mga ribalan sa pagitan ng iba’t ibang grupong gerilya. Dahil sa pagkakamali ng pamunuang Lava, hindi nilabanan ang panibagong pananakop ng imperyalismong US nang ang mga ito ay bumalik sa Pilipinas sa panahong nagapi na ng HUKBLAHAP at mga pwersang Pilipino ang mananakop na Hapones. Kabaliktaran, tinanggap ang mga ito sa kabila ng mga isinagawa nilang masaker sa mga iskwadron ng HUKBALAHAP . Ang inabot na antas na rebolusyunaryong lakas ng mga mamamayan ng rehiyon sa pamumuno ng lumang pinagsanib na PKP ay lubhang napahina nang magpasya ang pamunuang Lava-Taruc na sumurender sa imperyalistang Amerikano, magtaguyod ng “Demokratikong Kapayapaan” at lumahok sa burges at reaksyunaryong halalan noong 1946 sa pamamagitan ng Democratic Alliance. Ang pagkakanulo at opurtunismong ito ay nagbunga sa pagmasaker ng mga tropang Amerikano sa Iskwadron 77 sa Masiko, Pila ng Laguna. Nang pinatalsik sa Kongreso ang mga nagwaging mga kandidato ng Democratic Alliance kabilang sina Lava at Taruc, muli silang nanawagan ng armadong pakikibaka noong unang kwarto ng 1947. Muling binuhay ang HUKBALAHAP sa bagong pangalang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) noong Marso 29, 1947. Dahil malalim nang nakaugat sa rehiyon lalo sa mga magsasaka sa Quezon, Laguna, Batangas at Rizal ang diwa ng armadong paglaban, masiglang tumugon ang mamamayan at lumakas ang impluwensya ng HMB at PKP sa TK sa mga sumunod na taon. Ibayong lumawak ang mga sona at baseng gerilya ng HMB. Maraming narekluta sa HMB at nakapagtayo ng mga laking iskwadron na pormasyon sa Laguna, Quezon at Batangas. Naging tuntungan din ang rehiyon sa ginawang pagpapalawak sa Bikol. Isa sa naging pangunahing base ng POLITBURO OUT na pinamumunuan ni Jesus Lava ang bundok Sierra Madre, lalo na ang bahaging Hagganang Quezon-Laguna at Hangganang Quezon-Laguna- Rizal-Bulacan. Sa panahon ng adbenturistang Sa panahon ng pananakop ng militaristang Hapon, ang mamamayan ng rehiyon ay magiting na lumahok sa kilusan sa pagpapalaya laban sa Hapon. Maraming bilang ng mamamayan ng Laguna, Rizal, Batangas at Quezon ay sumapi sa HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) sa pamumuno ng lumang pinagsanib na Partido. Ang bulubunduking bahagi ng mga nabanggit na probinsya ay naging malawak na maniobrahan at basehan ng mga HUKBALAHAP . Masiglang sinuportahan ng mamamayan ng rehiyon ang HUKBALAHAP hanggang sa tuluyang mapalayas ang mga militaristang Hapon. Sa buong panahong ito ay inorganisa ng mga HUK at PKP ang mamamayan ng rehiyon para magkaisa at sama-samang labanan ang mga militaristang Hapon. Naging magandang pagkakataon din ito para makapagpalawak at makapagpatatag ng mga sona at baseng gerilya ang mga HUK at PKP . Isa mayor at pamalagiang base nila ang kabundukan ng Sierra Madre na tumatahi sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal. Sa katunayan, naging baseng pang- ekonomiya at sakahan ng mga Hukbalahap ang Palasaw/Bagong Silang ng Sierra Madre. Nakapaglunsad sila ng rebolusyong agraryo sa mga asyendang pagmamay-ari ng mga malalaking panginoong maylupa na nagtraydor at nakipagkolaboreyt sa mga Hapon. Nakapagpalawak din sila sa mga kabundukan ng Banahaw at mga kabundukan ng Batangas hanggang sa hangganan ng Cavite. Ang Laguna naman ang naging pangunahing naging base. Sa bisperas ng paglayas ng mga Hapon noong 1945 ay may naitayo nang Probisyunal na Rebolusyunaryong Gobyerno ang mga HUK at PKP sa Laguna. Yaong mga hindi nagkaroon ng pagkakataong mapasapi sa HUKBALAHAP ay naging aktibong kasapi naman ng mga gerilyang tulad ng Hunters, ROTC at Marking Guerillas. Sa kabundukan ng Rizal pangunahing nagbase ang Marking Guerillas. Pinamunuan ito ni Marcos Agustin na taga-Tanay, Rizal. Ang bundok ng San Ysiro sa Antipolo ang isa sa naging teatro ng labanan sa pagitan ng mga gerilya at militaristang Hapon. Mahigpit ang pagkakaisa at daloy ng komand sa Huk kumpara sa mga pwersang gerilyang nagpailalim sa USAFFE na kontrolado ng US. Sa Mindoro pinamunuan ni Capt. Esteban Beloncio ang mga pwersang umatras sa mga kabundukan upang ituloy ang pakikipaglaban bilang mga gerilya. Naglunsad ang mga ito
29 MARSO 20249 KALATAS Ang 55 taong kasaysayan ng BHB ay isang epiko ng taos-pusong paglilingkod at pagtatanggol sa mamamayang api’t pinagsasamantalahan. Sa pagiging mulat sa ipinaglalabang interes ng sariling uri, sa interes ng bansa para sa kalayaan at demokrasya at sa pagiging tapat sa pamumuno ng PKP nagmumula ang di magmamaliw na tapang at kagitingan ng BHB na harapin ang pinakasukdulang kahirapan at pagsubok. Ito ang sikretong bertud ng walang pagkagaping diwa ng BHB maging sa harap ng superyor na kalaban. Ang kapasyahang lumaban at magwagi—ito ang bukal ng superyoridad ng hukbong bayan sa pulitika—ang pinakamapagpasyang salik sa pagkakamit ng tagumpay.militar ng mga Lava at Taruc, nailunsad sa rehiyon ang mga reyd ng HMB tulad ng reyd sa munisipyo ng Sta. Cruz at San Pablo ng Laguna, ganondin ang naganap sa munisipyo ng Lukban sa Quezon. Kung naging saksi at tuwirang kalahok ang mamamayan sa pagsulong ng armadong pakikibaka mula noong 1947 hanggang sa mga sumunod na taon, kalahok at saksi rin sila kung paano ito winasak ng mga adbenturistang militar at kapitulasyunistang kamalian ng mga Lava at Taruc. II. Ang Maringal at Maningning na Kasaysayan at Tradisyon ng New People’s Army sa TK Nagsimula sa halos isang kusing ang BHB sa Timog Katagalugan. Dumaan sa pagbibinyag ng apoy ang mga pagsisikap ng unang mga yunit ng BHB na buksan para sa pakikidigmang gerilya ang rehiyon. Nang inilunsad natin ang pakikidigmang gerilya sa TK, nagsimula tayo sa napakalaking disbentahe at malalaking limitasyon. Pero dahil taglay natin ang mataas na diwa at napakapambihirang determinasyon, hindi tayo nawalan ng loob sa harap ng mistulang absolutong superyoridad ng reaksyon at armadong pwersa nito. Mula sa halos isang kusing, nagpunyagi ang Partido na pasimulan ang pagbubukas ng mga sonang gerilya sa iba’t ibang dako ng rehiyon mula sa mga kadre at aktibistang napanday sa kilusang masa sa kalunsuran, sa mga beterano ng Sigwa ng Unang Kwarto at mga bagong sibol na rebolusyonaryo sa panahon ng paghaharing pasista ng rehimeng US-Marcos. Taglay na giya ang pangkalahatang linya ng Partido sa demokratikong rebolusyon ng bayan, ang mga binhing kadre at aktibista ay masikhay na nakipamuhay sa masang anakpawis sa kanayunan at hinimok ang masang magsasaka sa demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matiyagang gawain sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga antipyudal at antipasistang kilusang masa na nakaugnay sa anti-imperyalismo. Malugod na tinanggap ng mamamayan sa kanayunan ang linya ng Partido at sa masalimuot at di tuwid na daan, naitayo natin ang mga sonang gerilya matapos ang paulit-ulit na proseso ng mararahas na pagsupil ng kontra-rebolusyon at muling pagbangon mula sa mga pansamantalang pinsala at kabiguan. Puno ng rebolusyonaryong kabayanihan ang mga dakilang kabanata ng rebolusyonaryong pakikibaka ng masang magsasaka sa rehiyon. At sa bawat pagtatapos ng isang kabanata at pagbubukas ng panibago, ang magiting na New People’s Army na nasa absolutong pamumuno ng Partido Komunista ang pangunahing nasa sentro ng bawat makabuluhang pagpihit ng pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang demokrasya. Magiting na nakapangibabaw ang ating hukbong bayan sa di masusukat na mga kahirapan at balakid sa maagang mga panahon ng pagpapalaganap ng binhi ng pakikidigmang gerilya sa rehiyon. Sa kabila ng magkakasunod na kabiguan sa mga unang pagtatangka na magbukas ng sonang gerilya sa San Pablo, Laguna noong 1969-70, bahaging Banahaw ng Quezon noong 1972 at 1973, Kanlurang Batangas noong 1973, Oriental Mindoro noong 1973 at 1974, at ng pag-aatras para mapreserba ang mga binhing yunit sa Upland Cavite at Silangang Batangas noong 1974, matagumpay na nakapagpalawak at nakaugat ang hukbong bayan sa masang magsasaka sa dalawang magkatugong lugar – una, sa hangganan ng Quezon-Bikol at pangalawa sa Sierra Madre na hangganan ng Laguna at Quezon bago tuluyang nawasak ang huli noong 1975 dahil sa maling
10 KALATAS 29 MARSO 2024patakaran ng pagtatayo ng artipisyal na base at iba pang kaliwang pagkakamali na nagpaibayo ng mga kahirapan nang ilunsad na ng kaaway ang malakihang pagsalakay at panunupil. Gayunman, dahil sa pagtataguyod ng wastong patakaran ng noo’y Komiteng Rehiyon sa Timog Luzon (KRTL) na tipunin ang mga natirang pwersa at magpunyagi sa itinakdang sentral na distrito, tuluy-tuloy na umunlad at lumakas ang pakikidigmang gerilya sa hangganan ng Quezon- Bikol na solong natira sa mga sinikap ipundar sa panahong ito. Matagumpay na nabuo ng Partido rito ang relatibong malawak na baseng masa hanggang 1977 na napreserba sa kabila ng mga pinsalang idinulot ng paksyunalismo ni Apolinario (Rey Ababag) noong huling hati ng 1976 hanggang kalagitnaan ng 1977. Mas maaga, matagumpay na napangibabawan ng Komiteng Rehiyon sa Timog Luzon ang pinakakritikal na mga panahon ng paglalatag at pagpupundar ng armadong pakikibaka sa rehiyon dulot ng sunud- sunod na mga pinsala sa pangrehiyong liderato noong 1970, 1973, 1974, 1975 at 1977. Noong maagang bahagi ng 1970, nadakip ng kaaway si Nilo Tayag, ang pangkalahatang kalihim noon ng Komite Sentral at tumayong kalihim ng KRTL habang nagbubukas ng sonang gerilya sa San Pablo, Laguna. Mula 1973-74, sunud-sunod na pinsala naman ang tumama sa Komite ng Partido sa sub-rehiyunal na komite ng TK at BK bunga ng pagkakanulo ni Benjamin Gapud, humaliling kalihim noon kay Nilo Tayag. Mabigat ang pananagutan ng taksil na pangkating Gapud, Gerardo Espinas at Butch Bautista sa naganap na serye ng mga hulihan noong 1973 at 1974 na halos ikinawasak ng organisasyon ng Partido sa Timog Luzon. Hindi pa man lubos na nakakabawi ang Partido at kilusan sa TK, muling tinamaan ng sunud-sunod na pinsala ang Komiteng Larangan ng Kagitingan sa Upper Sierra Madre na hangganan ng Laguna at Quezon sa pagkapaslang kay Kasamang Lorena Barros na kalihim ng komiteng larangan. Sinundan ito ng malawakang sunog noong 1977 na puminsala nang malaki sa organisasyon ng Espesyal na Komite sa Puting Putok ng TK. Sa panahon lamang ng Hulyo-Agosto, 17 kadre ng rehiyon ang nadakip at hanggang sa ngayon ay nanatiling mga desaparecidos . Kabilang sa mga kilalang pangalan na nawala sa panahong ito ay sina Kasamang Rizalina Ilagan, Cristina Catalla, Bong Sison, Samuel Ting, Ver Silva, Jessica Sales, Gerry Faustino, Leticia Pascual-Ladlad, Emmanuel Salvacruz, Salvador Panganiban at Erwin dela Torre. Sa kabila ng mga pinsalang ito, mula 1979, ang hangganan ng Quezon-Bikol ay tuluy-tuloy na sumulong at naging ina ng mga ipinundar na mga sona at larangang gerilya sa iba’t ibang panig ng rehiyon sa sumunod na mga taon. Mga kadre at organisador mula rito ang naging puhunan sa pagbubukas at pagpapalawak sa Bondoc Peninsula at Timog Quezon noong 1978 gayundin ang halos magkakasabay na nagbukas noong 1979 sa tatlong tumpok na lugar sa Quezon at Batangas (bahaging Banahaw ng Quezon, hangganan ng Quezon at Batangas, at Silangang Batangas) at sa Mindoro noong 1980 at 1982. Samantala, may hiwalay na pagsisikap ang organisasyon ng Partido sa Laguna na buksan para sa pakikidigmang gerilya ang balisbisan ng Banahaw at mataong kapatagang nakadikit sa Sierra Madre at ang tinawag na Upper Sierra Madre na nakadikit sa Quezon mula sa mga aktibista at kadreng estudyante at manggagawa na lumahok sa armadong pakikibaka. Sa lahat ng mga pagsisikap na ito, ang larangang gerilya sa hangganan ng Quezon at Bikol ang gumanap ng mahalagang papel sa pag-aambag ng mahahalagang rekurso, tauhan at mga pagsasanay para sa mga pinauunlad na mga sonang gerilya. Ang pagtatapos ng dekada sitenta at pagbubukas ng unang mga taon ng dekada otsenta ang naghudyat ng mabilis na pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyong Timog Katagalugan. Lalo itong pinabilis ng matinding krisis pang-ekonomya at pampulitika ng diktadurang Marcos na nagpasiklab sa iba’t ibang anyo ng paglaban ng mamamayan sa kanayunan at kalunsuran at bumasag sa teror ng pasistang lagim. Dahil sa desperasyon, naglunsad ang naghihingalong pasistang diktadura ng isang engrandeng kampanyang militar sa patnugot ng mga punong heneral nitong si Fabian Ver at Fidel Ramos at noo’y ministro ng depensang si Juan Ponce Enrile – ang Oplan Cadena de Amor – na dinisenyo para maging prototype ng mas engrandeng pambansang kontra-insureksyong programa na tinawag na Oplan Katatagan. Nangarap nang gising ang diktadura na padapain ang larangang gerilya sa hangganan ng Quezon- Bikol at Bondoc Peninsula-Timog Quezon sa
29 MARSO 202411 KALATAS ang maling linya ng fast track-slow track insurrection , tatlong pangunahing makinarya at adelantadong regularisasyon at pagkatapos ng mga siphayo at kabiguan dahil sa maling linyang ito, pinangunahan ni Laurenaria ang Operation Missing Link (OPML) – isang madugong panunugis sa mga pinaghihinalaang impiltrador na kaaway sa loob ng Partido batay sa marurupok na ebidensya, hinala at sapantaha – upang ibunton ang sisi sa mga kabiguan ng maling linya sa gawa- gawang katatakutan na pinaliligiran ang Partido ng mga impiltrador ng kaaway. Kung wala ang mapagpasyang interbensyon ng KTKS at tulong ni Ka Armando Teng, naging kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido mula 1983-85 at 1989-2000, mas seryoso at matagalan pa sana ang mga pinsala na maaaring idulot ng mapangwasak-sa-sariling kampanyang anti- impiltrasyon ng mga kapural ng OPML. Ang pananaig ng wastong linya ng Partido na itinaguyod ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) ang mapagpasyang gumapi at nagtakwil sa maling linya ng adelantadong regularisasyon at insureksyunismong lungsod at naghawan ng daan para sa matatag na pagbawi at muling pagsulong ng mga gawain na winasak ng maling linya. Sa pagtataguyod at muling pagtitibay sa mga saligang prinsipyo ng Partido at rebolusyon, ang buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyong Timog Katagalugan ay tuluy-tuloy na nakabangon mula sa mga pinsala, muling nakapagpalakas at nakahakbang ng malalaking pagsulong sa huling mga taon ng dekada 1990. Ang mga tagumpay na ito ay maingat na iginiya ni Ka Armando Teng, ang matibay na haligi ng IDKP sa rehiyon, hanggang sa huling hibla ng kanyang buhay noong Nobyembre 7, 2000. Noong 1997, nalubos ng Partido ang tagumpay ng IDKP sa buong rehiyon. Nailagay sa matatag na pundasyon ang rebolusyonaryong kilusan at kumprehensibong umabante ang halos lahat ng gawain. Sa humigit-kumulang isang dekadang pagsusulong ng IDKP , inabot ng rehiyon ang tuktok ng makalidad na pagsulong. Magiting na binigo ng Partido, Hukbong bayan at rebolusyonaryong mamamayan pagkokonsentra rito ng siyam (9) na batalyon ng AFP . Magiting na binigo ng Hukbong bayan ang engrandeng pakanang ito. Pinatunayan ng kasaysayan na ang Oplan Cadena de Amor at ang Oplan Katatagan na ipinatupad ng diktadurang Marcos sa buong bayan ang huling desperadong hakbang ng isang nasa-bingit- ng-pagbagsak na rehimen. Ang mabilis na pagsahol ng krisis ng naghaharing sistema ang nag- udyok kay Marcos na makagawa ng isang pampulitikang miskalkulasyon nang patayin ang masugid nyang karibal sa pulitikang si Benigno Aquino Jr. Ang krisis na nilikha ng magkatambal na salik ng asasinasyon kay Benigno Aquino Jr. noong 1983 at— sa mas mahabang sukatan— ng kumulatibong patama ng mga taktikal na opensiba ng BHB at ng sustenidong mga protestang masa sa buong bayan ang mabilis na nagpahinog sa isang kombulsyong pampulitika noong 1986, at sa huling pagsusuri, ang naging huling pakong nagselyo sa kabaong ng kinamumuhiang diktador. Sa makasaysayang Unang Edsa ng 1986, ibinagsak ng popular na pag-aalsa cum rebelyong militar si Marcos. At kasunod nito, hinawan ang mabilis na pagsulong ng rebolusyon sa buong kapuluan. Subalit ang mabilis na pag-abante at paglakas ng mga rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan at kalunsuran ay diniskaril ng pangingibabaw ng insureksyunista at putsistang linya ng mabilisang tagumpay sa buong bayan. Mula 1986 hanggang 1988, magkakasunod na ipinatupad ng pangrehiyong sentro ng Partido na pinamunuan noon ng taksil na si Miel Laurenaria
12 KALATAS 29 MARSO 2024Subalit, lahat ng kahirapang ito ay napangibabawan ng Partido at BHB. Sa kabila ng pagkokonsentra ng siyam (9) na batalyon ng AFP sa Mindoro at pagpapakawala ng pinakamalupit na pagsalakay sa baseng masa ng rebolusyon at hukbong bayan, hindi nagawang madurog ng kaaway ang BHB sa isang matagalang kampanya na umabot ng mahigit limang (5) taon. Ganito rin humigit-kumulang ang naging padron sa iba pang larangang gerilya ng BHB sa iba’t ibang panig ng Timog Katagalugan—patuloy na napipreserba ng BHB ang lakas, napangibabawan ang mga kahirapan at muling nakapagpapalakas sa gitna ng pansalamantalang kabiguan. Sa panahon ng rehimeng US-Arroyo, pinaypayan ng tambalang Arroyo-Angelo Reyes ang isteryang kontra-terorismo sa buong kapuluan. Ito ang lokal na bersyon ng gera laban sa terorismo at gerang walang hangganan na pinaypayan ni George W. Bush sa buong daigdig. Sinangkalan ng mga imperyalista ang kontra-terorismong isterya upang salakayin at marahas na supilin ang mga lehitimong kilusan ng mamamayan para sa pagpapasya-sa-sarili. Garapalang binaluktot at tinatakang terorista ng imperyalismong US at ng lokal na papet hindi lamang ang makatarungang adhikain para sa sariling pagpapasya ng rebolusyonaryong kilusan kundi maging ang lehitimong oposisyon mula sa mamamayan laban sa mga lansakang pang- aabuso at pagtampalasan sa kanilang karapatan at kabuhayan. Walang kahihiyang ibinasura ng US ang mga internasyunal na kumbensyon at protocol na pumapatungkol sa mga internal na labanan at gera sibil sa sibilisadong mundo. Itinaguyod nito ang isang maruming gera na walang sinusunod o kinikilalang batas at tuntunin ng digmaan kundi ang madugong panunugis at mabangis na mga operasyong paghanap at paglipol na di nagsasaalang-alang sa pagkakaiba ng kombatant at di kombatant sa digmaan, ng bata, kababaihan at matatanda gayundin ng mga hors de combat – isang pag-atras sa kalagayan ng mga barbaro ng di sibilisadong gera. Sa Timog Katagalugan, mahaba ang listahan ng mga ginahasa, pinagmalupitan at pinahirapan, pinalikas at itinaboy, at pinaslang na bata, matatanda, kababaihan at mga walang kalaban- labang sibilyan dahil lamang sa simpleng hinala ng kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan, kamag-anak at kaanak ng mga rebolusyonaryo o kaya’y mga matuwid na kritiko ng tiwaling pamamalakad ng rehimen. Saksi rin ang ang bawat maitim na pakanang wasakin ang haligi ng rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitikang naitayo nito sa kanayunan. Hindi matatawaran ang kabayanihan at enerhiyang ibinuhos ng mga rebolusyonaryo para biguin ang pasistang teror na pinakawalan ng bawat naghaharing papet na naluklok sa Malakanyang. Dahil sa matatag na pagtataguyod sa linya ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya kaakibat ng pagtupad ng mga tungkulin sa pagtatayo ng base at rebolusyong agraryo, ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon ay patuloy na umani ng mga tagumpay sa demokratikong rebolusyon ng bayan. Kaya sa pagtatapos ng 2003, umabot sa mahigit sa tatlong (3) ulit ang bilang ng mga naitalang larangang gerilya sa rehiyon noong 1992. Sinaklaw nito ang 83% ng distritong kongresyunal sa 10 probinsya ng rehiyon na maaaring saklawin ng mga sona at larangang gerilya. Katumbas ito ng 60% ng kabuuang bilang ng mga bayan at lungsod kumpara sa sinaklaw noong 1992 na 41% at noong 1994 na 37% lamang. Katumbas din ito ng 27% ng mahigit sa limang libo ng kabuuang mga baryo sa rehiyon kumpara sa 19% noong 1992 at 10% noong 1994. Ikinabahala ng rehimeng papet ang malalaking pagsulong na ito sa ating rehiyon, bagay upang ikonsentra sa TK ang matitinding pananalakay ng mersenaryong AFP at PNP . Ginawa itong laboratoryo ng malupit na pamamaraan, taktika at psy-ops ng mga kontra-insurhensyang operasyon ng mga ispesyal na pwersa ng AFP . Noong 1998, ginawang prayoridad na target ng Oplan Makabayan ang Timog Katagalugan. Sa sumunod na mga taon, ginawang national priority concern ng SOLCOM at AFP ang rehiyon at partikular ang isla ng Mindoro ng kanilang kontra-insurhensyang opensiba sa balangkas ng Oplan Balangai. Mula sa pagtatalaga ng 11 batalyon para sa kontra-insurhensya noong 1998, mahigit na nadoble ito at umabot sa humigit-kumulang 28 batalyon sa pagtatapos ng 2002. Itinalaga sa ating mga larangang gerilya ang iba’t ibang task forces ng AFP at PNP na may malaking pwersang bag-as ng mga ispesyal na yunit ng AFP tulad ng mga special forces , scout rangers at recon battalion at gumagamit ng makabagong kagamitan para sa elektronikong paniktik at surbeylans tulad ng UAV ( unmanned aircraft vehicle ) gayundin ng mga kagamitan para sa pang-gabing operasyon ng mga espesyal na kontra-gerilyang yunit.
29 MARSO 202413 KALATAS rehiyon sa mahabang listahan ng malulupit na pamamaraan ng pagpatay tulad ng pagpugot sa ulo ng mga biktima at pagpapailalim sa malupit na pagpapahirap bago patayin, mutilasyon ng mga bangkay at iba’t ibang makahayop na pamamaraan na tanging mga halimaw na walang konsensya lamang ang makagagawa. Ganito ang larawan ng mga karaniwang mersenaryong tropa na naglulunsad ng malupit na operasyong kontra-insurhensya. Ang kabuuang pagsulong ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Timog Katagalugan ay nabigong lubusang idiskaril ng malupit na Oplan Bantay-Laya I at II (OBL) at Oplan Bayanihan at mga kaakibat nitong malakihang deployment ng tropang militar at pulis sa mga sona at larangang gerilya. Ang nagawa lamang ng mga ito ay pabagalin ang mga pagsulong ng ilang bahagi ng gawain at pansamantalang paatrasin o pinsalain ang ilang bahagi. Bigo ang rehimen na pagkaitan ng tuluy-tuloy na suporta ang rebolusyonaryong kilusan at Hukbong bayan kahit sa pinakamabangis na kundisyon at teror na inihasik nito sa batayang antas. Ganito pwedeng masukat sa kalahatan ang tibay ng pundasyon na nilikha ng IDKP para sa Partido at mga rebolusyonaryong pwersa. Pinasilip sa atin ng naging karanasan sa Mindoro, tulad ng naunang karanasan sa Laguna at ng sumunod sa Batangas at Rizal noong OBL I at OBL II at ng SQBP noong Oplan Bayanihan, kung paano ipinatutupad ng kaaway ang pakikidigmang block house —una, sa isang relatibong confined na saklaw (isang malaking larangang gerilya), at sa mga sumunod, sa isang mas malawak at ambisyosong plano (magkasabay na pagwasak sa nagkakailang mga larangang gerilya na nasa mahigit isang probinsya).Sa panahon ng tiranikong rehimeng US- Duterte, muling hinarap ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyong Timog Katagalugan ang pakikihamok sa kaaway nang inilagay ito bilang isa sa nasa unahang hanay ng pambansang prayoridad ng pagwasak batay sa mga target ng kampanyang supresyon ng Joint Campaign Plan – Kapanatagan mula 2019 hanggang 2022. Alinsunod dito, ipinakat sa rehiyon ang hindi bababa sa 30-31 panagupang batalyon ng AFP- PNP , kabilang ang mga pwersang PNP-PPSC at CAFGU. Sobrang nakahihigit ang armadong lakas na ito kumpara sa laking batalyong pwersa ng BHB sa rehiyon. Sa ganito, nakamit ng kaaway ang overwhelming superiority sa kanilang inilunsad na sabayan, sustenido’t malakihang mga kampanya at joint operations laban sa mga subrehiyon at larangang gerilya na karaniwan ay laking kumpanya at mayroon pang laking platun. Sa unang tatlong taon, magiting na hinarap sa pamamagitan ng paglulunsad ng opensiba sa tatlong larangan ang paglaban ng mga pwersang gerilya sa magkapanabayang atake ng kaaway. Dahil dito, nagawang makapagpalakas ng BHB at ibayong makapaglawak ng baseng masa at matagumpay na nakapagsagawa ng kampanyang gerilya laban sa pagkubkub at paglipol na ginawa ng kaaway. Sa loob ng anim na taon mula 2017- 2022, naganap ang kabuuang 455 aksyong militar sa rehiyon kung saan 306 o 67% sa mga ito ay mga taktikal na opensiba habang 149 o 33% naman ang depensibang labanan. Napinsala ang kabuuang 674 ( 356 KIA, 306 WIA, 2 POW at 10 Surrender ) kaaway o katumbas ng dalawang batalyong pwersa. Ganoonnman, ang mga positibong aral ay mabibitawan at ang panimulang pagsulong na naitala sa taong 2017-2019 ay hindi na masusustine, kakapusin na ng hangin sa susunod na apat na taon (2020-2023), epekto ng atrisyon sa pwersa bunga ng mga hindi naiwasang seryosong mga pinsala na natamo sa mga depensibang labanan sa harap ng pinag-ibayong pag-atake ng kaaway, pag-iral ng mga kamalian at kahinaang hindi pa lubusang naiwawasto at ng paghina ng epektibong gawaing pampulitika sa hanay ng mamamayan na pinakumplika ng malupit na mga lockdown at restriksyon dulot ng pandemyang Covid-19. Sa huling apat na taon, malaking kinapos na isakatuparan ang taktikal na linyang militar na ilunsad ang malaganap at masinsing
14 KALATAS 29 MARSO 2024kabundukang magubat ngunit manipis ang populasyon. Pangmatagalang epekto nito ang pagkahiwalay ng BHB sa masang kanyang balon at pundasyon ng lakas na bandang huli ay ibayong magpapakitid sa masang suporta, uuk- uk sa moral at sa kahuli-hulihan ay hahantong sa atrisyon ng pwersa at paghina. Pagpasok mismo ito sa bitag ng kaaway na isandal ang hukbong bayan sa mapagpasyang labanan sa isang purong sitwasyong militar para durugin. Sa antas ng operasyon, mayor na kahinaan ng mga pwersang gerilyang napinsala at nauk- uk ang lakas ay ang kabiguang hawakan ang inisyatibang militar at ilunsad ang makakayanang aksyong gerilya upang epektibong labanan ang kampanya ng pagkubkob at paglipol ng kaaway. Karaniwang nangingibabaw ang pag- aalinlangan na ilunsad ang aksyong militar dahil sa pag-aalalang lalong dudumugin ng kaaway. Pinahihina nito ang kapasyahang lumaban at di namamalayang inuuk-ok na ang moral ng Hukbo dahil sa pagtulak sa sarili sa pasibidad. Sa kabila nito, nagtagumpay na makapagpunyaging sumulong at makapagpreserba ng lakas ang Partido at mga yunit ng BHB. Malaking salik dito ang mga naging pagsisikap na maiwasto sa isang antas ang empirisismo sa ideolohiya; konserbatismo, pasibidad, gerilyaismo’t milisyaismo (KPGM) sa pulitika; at burukratismo’t liberalismo sa organisasyon. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga paglalagom, pagbubuo ng mga panlipunang pagsisiyasat, pag-aaral na nakatudla sa target, paglutas ng mga suliranin at pagsasagawa ng pagpuna at pagpuna-sa-sarili. Pinatibay nito ang pagkakaisa at pagiging solido ng mga namumunong organo ng Partido sa mga subrehiyon at larangang gerilya. Pinangunahan din ng ilang mga abanteng subrehiyon ang pagsasapraktika ng pamumunong pambuo. Gayunman, sa mga bahaging hindi nalubos ang pagwawasto, umiral pa rin sa signipikanteng bahagi ang mga maling tunguhin ng pag-iisip at mga maling estilo ng pamumuno at paggawa. Nagsilbing kalawang na umuk-ok sa pagkakaisa’t lakas ng Partido at BHB ang nagpapatuloy na pag-iral ng burukratismo, liberalismo at kumandismo sa ilang mga kadre at namumunong komite. Mga batong pabigat sa balikat ang mga ito na kapwa nagpabagal at humila paatras sa ating rebolusyonaryong pagsulong at lalung nagpahirap sa paglaban sa pangwawasak ng kaaway. pakikidigmang gerilya batay sa patuloy na lumalawak at lumalalim na base at suportang masa. Hindi epektibong naisakatuparan ng mga namumunong komite ng Partido sa mga subrehiyon at larangang gerilya ang opensibang postura sa tatlong larangan: opensiba sa pulitika, opensiba sa pagpapalawak at opensiba sa militar upang mahawakan ang kabuuang inisyatiba sa gitgitan at pukpukang labanan sa kaaway, na ating epektibong nagampanan sa pagbigo sa OBL II at Oplan Kapayapaan. Malaking kinapos ang Partido at BHB na patuloy na abutin ang malawak na masa, isakatuparan ang gawaing alyansa sa gitna ng pukpukang paglaban sa kampanyang supresyon ng kaaway, laluna ang masang magsasaka at iba pang mamamayan sa kanayunan at kalunsuran at pamunuan sila sa kanilang pakikibaka para sa lupa, kabuhayan at karapatan alinsunod sa linyang anti-pyudal, anti-pasista at anti- imperyalista at makuha ang pinakamalawak at pinakamasigla nilang pagsuporta sa pagsusulong ng digmang bayan. Epekto ng paghina ng epektibong gawaing pampulitika ang pagkitid ng rebolusyonaryong baseng masa, ng eryang kinikilusan, ng pagkawasak kung hindi man pagkakaroon ng lamat sa hanay ng baseng masa dulot ng hindi epektibong nakontrang pangwawasak at say-ops ng kaaway sa baseng masa. Ibayo itong nagpahina sa suportang masa sa BHB at armadong pakikibaka. Ugat din ito upang maging bulnerableng target ng mga pinpoint na operasyong pagtugis at paglipol ng kaaway ang mga yunit ng BHB, mga kadre, pamunuan ng Partido at mga opisyal ng BHB. Masasabing sa malaking bahagi ay nagtagumpay ang kaaway na itaboy ang mga pwersang gerilya palayo sa masa sa balangkas ng doktrinang “ limasin ang tubig upang mamatay ang isda ”. Malala sa ilan ang pag-iral ng kaisipang “kutang bundok” upang pakitunguhan ang nakapokus na operasyon ng kaaway sa dalawang mayor na erya. Makikita ang anyo nito sa labis na pagsandig sa baseng pisikal at pagkilos sa “Nagtagumpay na makapagpunyaging sumulong at makapagpreserba ng lakas ang Partido at mga yunit at Bagong Hukbong Bayan.”
29 MARSO 202415 KALATAS Kagyat na mapanlabang tungkulin nating mag-opensiba at kamtin ang inisyatiba . Katumbas din nito ang linyang lumaban upang magpalakas at magpalakas habang lumalaban . Idinidiin nito na pakikidigmang aktibong depensa ang pangunahing nilalaman ng matagalang digmang bayan. Ang opensibang postura ang kongkretong pagsasakatuparan ng gitgitang opensibang pakikidigma ng pagtatanggol upang tiyakin ang di-napuputol na ugnayan ng Partido at BHB sa malawak na masa sa lahat ng pagkakataon. Kongkretong ekspresyon nito ang taktikal na linyang militar ng Partido sa yugto ng estratehikong depensiba na paglulunsad ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilyang umaani ng patuloy na lumalawak at lumalalim na suportang masa. Tanging sa pamamagitan nito maisasakatuparan ang aktibong pagdepensa bilang linyang pampanalo ng rebolusyon; kabaliktaran naman, dapat mapagpasyang iwaksi ang linyang pampatalo na pasibong pagdepensa, konserbatismo at pasibidad. III. ANG ATING KAGYAT NA MAPANLABANG TUNGKULIN3 Sa gayon, ang mag-opensiba upang kamtin ang inisyatiba ang tanging lunas upang ampatin ang mga pag-atras sa nakaraang apat na taon at makasulong sa panibagong pagpapalakas ang armadong pakikibaka at ang BHB. Sa pagtupad sa linyang ito, magagawa nating kumpletuhin ang mga rekisitos ng gitnang bahagi upang makatungo sa huling bahagi ng estratehikong depensiba at makabungad sa estratehikong pagkapatas. Sa gayon din, ang mag-opensiba upang kamtin ang inisyatiba ang garantiya ng pagbigo ng BHB sa estratehikong kampanya ng pagkubkub at paglipol ng reaksyunaryong kaaway hanggang tumungo sa antas na kakayanin na ng BHB na tumuntong sa yugto ng estratehikong opensiba. Ang komponente ng opensibang postura at pagkakamit ng inisyatiba ay nangangahulugan ng komprehensibong pagsulong ng tatlong sangkap ng digmang bayan: pagbubuo ng hukbong bayan at pagsusulong ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagtatayo ng base. Kailangang magkaalinsabay ang pagsusulong ng opensiba sa tatlong sangkap na ito ng digmang bayan na mag-aanyong opensibang postura sa militar, sa pagpapalawak at sa pulitika. Sa kagyat na panahon, kailangang panghawakan na ang diin ay ang pagbawi at pagkukumpuni ng baseng masa sa kanayunan, pagpapasigla ng mga pakikibakang antipyudal at pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Kaalinsabay nito ang mga kampanyang anti-pasista’t anti-militarisasyon sa loob at labas ng mga sonang gerilya at muling pagbuhay sa tradisyon ng paghugos sa kabayanan ng masang magsasaka para iprotesta ang kanilang kalagayan. Sa gitna ng pangkalahatang diin na ito, dapat ipwesto ang iba’t ibang laki at tipo ng taktikal na opensiba upang patuloy na pandayin ang BHB at buhayin ang diwa ng armadong paglaban ng mamamayan. Opensiba sa militar Tanging sa opensibang postura sa larangang militar maaaring mabigo ang estratehikong opensiba’t pag-ensirkulo ng higit na nakalalamang na pwersa ng kaaway. Ito ay dahil sa ang opensibang postura sa larangang militar ang kaparaanan sa pagpapatupad ng aktibong depensa bilang patakarang militar sa kabuuan at sa lahat ng panahon, at sa partikular, ng paghawak ng inisyatibang militar sa mga gerilyang operasyon sa bawat pagkakataon. Sa pakikidigmang gerilya, usapin ng buhay at kamatayan ang kahit sandaling pagbitaw sa inisyatiba ay maglalagay sa mga pwersang gerilya sa pasibong sitwasyong militar at pagkalipol. Susi sa pagpapanatili ng opensibang postura sa larangang militar ang paggamit ng pleksibleng mga taktika, pursigido at walang pagod na gawaing masa, mahusay na kumbinasyon ng mga pakikibakang militar at pulitikal, tamang latag at balanse ng istruktura ng pwersa, at wasto’t aktibong kumand sa lahat ng antas para ilunsad ang isang malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya. Mahalaga ang kontrol at pamumuno ng kumand sa iba’t ibang antas sa pagpaplano ng mga kampanya at kontra- kampanya at ang pagkokoordina ng mga 3 Pangunahing hinango ang mga mayor na punto sa pagpapalawig ng mapanlabang tungkulin mula sa papel ni Joventud del Fierro na: Ilang usapin at suliranin sa taktika sa paglulunsad ng pakikidigmang gerilya sa Timog Katagalugan, February 2007
16 KALATAS 29 MARSO 2024planong militar sa antas ng mga operasyong militar. Sa pagpapatupad ng relatibong sentralisadong kumand at pagwawaksi sa absolutong sentralisadong kumand, mailalarga ang inisyatiba at pleksibilidad sa mga planong militar sa iba’t ibang antas at mapahihigpit ang koordinasyon. Ang kumand sa operasyon sa larangang gerilya ang tumatayong taktikal na kumand ng mga platun at ang yunit kumand ng platun ang tumatayong taktikal na kumand ng lahat ng kanyang mga pormasyon kabilang na ang mga nakadisperse na iskwad at mga tim na gumagampan ng mga ispesipikong misyon sa gawaing masa at gawaing militar. Dapat magpakahusay ang mga taktikal na kumand ng BHB sa pagsasakatuparan ng gerilyang operasyon ng konsentrasyon, dispersal at napapanahong paglilipat-lipat ng pwersa. Ang pangunahing batayan ng pag-iral ng platun ay sa pamamagitan ng pag-iral ng taktikal na kumand na nakabase sa mainbody ng platun na siyang nagdidirhe sa buong gerilyang operasyon ng platun. Sa ganitong diwa din ang FOC ang nagdidirehe sa buong kondukta ng gerilyang operasyon ng mga platun sa saklaw ng buong larangan. Sa pagsasakatuparan ng mga plano at misyon, mahalaga ang wastong pagtatalaga ng pwersa para matupad ang mga tungkuling militar sa lahat ng panahon. Kailangan ang tamang kumbinasyon at pagpapakilos ng mga platun (SDG at SYP), iskwad, mga ispesyalisadong yunit gerilya (kumando, partisano, isnayper, sapper team), mga yunit ng milisyang bayan at mga yunit pananggol sa baryo para sa mga ispesipikong misyong militar na kinokoordina sa antas ng kumand ng platun, larangan, probinsya at rehiyon. Maging sa pagitan o patlang ng mga labanan, mapananatili ang opensibang posturang militar sa pag-oorganisa ng hukbong bayan ng sistema ng popular na depensa sa maraming lokalidad tulad ng pagtatayo at pagsasanay ng mga milisya at mga yunit sa depensa ng mga baryo, tuloy- tuloy na pagsasanay sa pulitika at militar ng mga pultaym na yunit ng BHB, paglulunsad ng mga aktibidad sa rekrutment, at aktibong pagsupil sa mga kontra-rebolusyonaryo at mga espiya sa saklaw ng ating mga larangang gerilya. Dapat tanganan ng mga gerilyang pwersa ang patakaran na atakehin at pinsalain ang mahihina at bulnerableng bahagi ng kaaway basta’t may pagkakataon at ipinahihintulot ng sirkunstansya. Dapat bigyan ng mataas na pansin ang mga operasyong anihilatibo habang patuloy na pinalalawak ang mga operasyong atrisyon. Hangga’t tangan ang diwang opensiba at palaban, mapapanatili ng mga pwersang gerilya ang inisyatibang militar sa lahat ng panahon at bawat pagkakataon at tuluy-tuloy na mabibigwasan at mapapahina ang kaaway. Para makamit ang pleksibleng taktika, dapat tiyakin ang pagpapatupad ng wastong istruktura ng pwersa. Nangangahulugan ito ng pagpapatupad ng wastong balanse ng pwersang horizontal at pwersang bertikal. Sa eksakto, dapat nating ipatupad ang “pormulang 3-1” na aproksimasyon ng pagsasakatuparan sa taktika ng patakarang 70-30 sa balanse ng latag ng horisontal at bertikal na mga pormasyong gerilya. Nangangahulugan ito na sa bawat 3 platun ay mayroong isang platung bertikal na pwersa at may dalawang platung horisontal na pwersa. Sa tatlong iskwad ng bawat platun, nangangahulugan din ito ng pagtitiyak na ang isang (1) iskwad ang tatayong sentro-de- grabidad at siyang mangunguna sa paglulunsad ng gawaing militar habang ang dalawang (2) iskwad ang siyang mangunguna sa gawaing masa sa panahong nasa moda ng dispersal . Sa bawat iskwad na naka disperse , dapat na hatiin ito sa tatlong pormasyon alinsunod sa pormulang 3-1 na nangangahulugang ang dalawang (2) pormasyon ay laan para sa gawaing masa at ang isang (1) pormasyon ay nakatutok sa gawaing militar. Ibayong palakasin ang mga ito sa pag- optimisa sa mga yunit milisya para magsagawa ng mga armadong aksyon. Alinsunod sa wastong pagpapatupad ng istruktura ng pwersang horisontal at bertikal, ng relasyon sa pagitan ng gawaing masa at gawaing militar at paglulunsad ng batayang TO (BTO) at espesyal na taktikal na opensiba (ETO) nararapat na magawang ikalat ng mga pwersang gerilya ang sarili sa malawak na saklaw at doon magsagawa ng iba’t ibang anyo at tipo ng gerilyang operasyon tulad ng sabotahe, mga aksyong atrisyon at mga operasyong anihilasyon para lumikha ng malaking pinsala sa kaaway at pagbayarin nang mahal ang mga nag-ooperasyong tropa sa kanilang panliligalig at pamiminsala sa baseng masa. Ang mga gerilyang aksyon ay maaaring kumbinasyon ng mga tim, iskwad, platun o pinagsanib na mga platun para sa iba’t ibang tipo ng operasyong gerilya. Upang maisagawa
29 MARSO 202417 KALATAS Opensiba sa pulitika Upang ilunsad ang opensiba sa pulitika kailangang maging aktibo sa pakikipaggitgitan sa kaaway sa loob at labas ng pokus upang patuloy na likhain ang pinakamahigpit na ugnay sa masa at mapamunuan sila sa pagsusulong ng kanilang pang-ekonomya’t pampulitikang pakikibaka. Kaakibat nito ilunsad ang opensiba at gitgitan sa propaganda upang labanan ang disimpormasyon at panlilinlang ng kaaway at anihin ang paborableng upinyong publiko at popular na suporta para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Esensyal na usapin para makuha ang inisyatiba sa pulitika ang pagsusulong ng mga pakikibakang masa, laluna ng pakikibakang anti-pyudal bilang pangunahing panlaban sa demonisasyon ng kaaway sa Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan at aktibong pagbaka sa psy-ops ng kaaway, maituro sa masa paano makipaglansihan sa kaaway, aktibong pagtutol sa mga pakana at panlilinlang ng mga RCSPO at pagharap sa militarisasyon at terorismong militar. Kailangang makipagkaisa ang Partido’t BHB sa pinakamalawak na hanay ng mamamayan. Mahigpit na hawakan ang pakikibakang anti- pyudal bilang susing kawing ng gawaing masa sa kanayunan. Sa harap ng pagkawasak ng buhay at kabuhayan at ng dinaranas na matinding kahirapan ng masang magsasaka at mamamayan sa kanayunan, naghuhumiyaw ang kanilang sigaw upang ibaba ang upa sa lupa, itaas ang sahod ng manggagawang bukid, pawiin ang usura, ibaba ang presyo ng farm inputs at itaas ang presyo ng produktong bukid. Mahigpit ang kahilingan ng masa na bawiin ang mga lupang inagaw sa kanila at labanan ang mapangwasak-sa- kabuhayan at kapaligirang proyekto ng mga kaaway sa uri tulad ng mga minahan, plantasyon, mga proyektong ekoturismo, dambuhalang imprastruktura at mga katulad. Pakilusin ang masa laluna ang mga biktima, kasama ang kanilang mga kauri at kaibigang pwersa upang labanan ang atrosidad at mga paglabag sa karapatang pantao’t internasyunal na makataong batas na ito, kinakailangang taglayin ng Pulang Hukbo sa pangunguna ng Partido ang walang hanggang kabayanihan upang pangibabawan ang mga kahirapan, panganib at balakid at tupdin ang mga tungkuling militar. Dapat mulat na hakbang-hakbang na palakihin ang BHB sa buong rehiyon hanggang sa mga subrehiyon/probinsya at mga larangang gerilya hanggang muling makamit ang pag-aanak ng mga platun at maitatag ang laking kumpanyang larangang gerilya na binubuo ng minimum na tatlong platun alinsunod sa pormulang 3-1 na balanse ng bertikal at horisontal na platun. Ipanawagan ang pagpapasampa sa BHB ng mga lokal na pwersa at mga pwersa mula sa kalunsuran upang mabilis na palakihin ang BHB bilang pangunahing organisasyong masa ng Partido sa kanayunan. Dapat pasiglahin ang gawaing pampulitika sa hanay ng masa sa lokalidad, laluna sa hanay ng masang magsasaka bilang siyang pangunahing pagkukunan ng mga bagong sampa sa BHB. Ipanawagan ang paglulunsad ng mga anihilatibong TO upang makapagpalitaw ng armas at ng suporta mula sa masa at mga kaibigan ng rebolusyon. Kailangang matuto ang BHB na maglaho sa mata at tainga ng kaaway sa bisa ng lumalawak at lumalalim na baseng masa at kailangang matutong lumikha ng maraming bakas at ingay sa mas malawak na erya upang guluhin at ilayo ang pokus ng kaaway sa iilang yunit ng BHB na target ng walang tigil na pag-atake. Kailangan ding matutong makipaggitgitan upang tiyakin ang di napuputol na ugnay sa masa.
18 KALATAS 29 MARSO 2024mamamayan sa mismong apektadong mga lugar ng militarisasyon. Isagawa ang opensiba sa propaganda at tiyaking nakalalapag ito sa masa. Pag-aralan at isakatuparan ang resolusyon ng panrehiyong kumperensya sa gawaing propaganda at kultura. Ibandilyo ang mga isyu’t pakikibaka ng masa, ang kanilang karaingan at mga tagumpay. Igiit ang pagiging makatarungan ng paglaban at pagrerebolusyon bilang likas at di maiaalis na karapatan ng mamamayang Pilipino. Ang mga tagapagsalita ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at kumand ng BHB ay kailangang maging aktibo sa pakikipagsagutan sa propaganda para ilinaw ang rebolusyonaryong paninindigan sa iba’t ibang usapin at kontrahin at papurulin ang anti-Komunistang paninira at pang-uupat ng kaaway. Sa paglulunsad ng mga operasyong militar, kailangang maging sensitibo sa pulitika at implikasyon sa upinyong publiko ng mga ilulunsad na opensiba. Laging isaalang-alang ang mga internasyunal na protocol sa digmaan at CARHRIHL sa paglulunsad ng mga operasyong militar. Asahang sasamantalahin ng kaaway ang mga pagkakamali ng rebolusyonaryong kilusan para paypayan ang anti-Komunista at anti- teroristang isterya at siraan ang PKP-BHB-NDFP sa mata ng publiko. Opensiba sa pagpapalawak Kailangang maging matagumpay tayo sa pagpapalawak at pagpapalalim ng baseng masa at epektibong labanan ang mga operasyon ng kaaway upang pagkaitan tayo ng base. Dapat aktibong pigilan at biguin ang estratehiya ng pagkakait-base ng kaaway na ang pangunahing nilalaman ay paglulunsad ng mga focus and contain campaigns o mga kampanyang nakapokus sa isang tipak ng prayoridad na teritoryo para wasakin at sa mga sekundaryong mga teritoryo para ikonteyn. Nakaangkla ang estratehiya ng pagkakait-base sa paisa-isang pagwasak sa prayoridad na tipak na erya at matagalang pagpapahina sa mga eryang kinokonteyn. Para harapin at makaalpas ang hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan sa mga iniluwal na kahirapan ng mga kampanyang pagkakait-base, ang wastong patakaran at taktika ay maging opensiba sa pagpapalawak at mabilis na magbukas ng mga bagong lugar para sa pakikidigmang gerilya. Kapag malawak ginagawa ng kaaway. Pangunahin sa mga ito ang pamamaslang, sapilitang pagpapasuko, mental at pisikal na tortyur, iligal na pagdakip at pagkulong, walang habas na pambobomba at pamamaril kapwa mula sa lupa at himpapawid at iba pang mga kademonyohan ng armadong pwersa ng imperyalismong US at mga lokal na naghaharing uring kumprador-panginoong maylupa. Gawing panuntunan na walang palalampasin ni isang atrosidad ng kaaway. Lahat ng krimen ng estado ay dapat ilantad, kasuhan at labanan. Kailangang pag-aralang lutasin paano mababasag ang takot at pangamba ng masa para ipahayag ang kanilang pagtutol sa terorismong militar na ipinatutupad sa mga lugar na tutok ng mga FMO at RCSPO. Sa mga lugar na ito karaniwang nangingibabaw ang takot at agam- agam ng masa lalo kung nagawa ng RCSPO sa sirain ang tiwala’t pagkakaisa ng masa sa pamamagitan ng mga nalansi at napabaligtad na taumbaryo. Kaugnay nito, gawing kalakaran sa hanay ng masa at maging sa mga yunit ng BHB at organo ng Partido ang regular na paglulunsad ng pulong karaingan kung saan ipinahahayag ng bawat isa ang kanilang partikular na karanasan sa pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing sistema at ng mga pasistang ahente nito. Unti- unti nitong lilikhain ang klima ng indibidwal at kolektibong makauring pagkamuhi sa mga nag- aapi’t nagsasamantala sa kanila at ng mataas na hangaring pagbayarin ang mga kaaway sa pamamagitan ng rebolusyonaryong paglaban. Sa ating karanasan, malaki ang nagagawa ng mga kampanyang propaganda sa mga sentrong lungsod hanggang pusod ng Kamaynilaan para dalhin at itambol ang isyu ng militarisasyon at mga paglabag sa karapatan ng mamamayan. Higit na mapalalakas at masusustine ang lakas pampropaganda ng ganitong mga kampanya kung matatambalan ng aktibong pagkilos ng “Kapag malawak at maraming lugar ang nabubuksan para sa pakikidigmang gerilya, maitutulak ang kaaway na harapin tayo sa maraming lugar, manipis na maikalat ang kanyang limitadong pwersa at malalantad ang kanyang nag- ooperasyong tropa para banatan.”
29 MARSO 202419 KALATAS karatig na platung SYP na nagsasakatuparan ng gawaing masa at mga tungkuling militar. Magpakahusay sa pagkukumbina ng armado’t di armado, hayag at lihim na mga organisasyon at pagkilos ng mamamayan para magpalawak sa mga lugar na di pa kaagad masasaklaw ng armadong pag-oorganisa ng hukbong bayan. Aktibong pakilusin ang mga alyado at panggitnang pwersa para magpalawak sa kanilang hanay at magbuo ng mga hayag at ligal na organisasyon o pamunuan at itransporma ang mga tradisyunal na organisasyong nakatayo na. Mag-aral at magwasto Kasabay ng pagtupad sa tungkuling mag- opensiba’t kamtin ang inisyatiba, nararapat na mahigpit na isakatuparan natin ang tagubilin ng Komite Sentral ng PKP na iwasto ang mga kamalian, palakasin ang Partido at isulong ang demokratikong rebolusyonaryong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Ang pagwawasto ay gawin sa pamamagitan ng mga kritikal sa sariling paglalagom ng karanasan sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan sa nakaraang 7 taon. Upang maging matalas ang sipat sa paglalagom ng praktika, nararapat na pag-aralan at muling balik-aralan ang mga saligang prinsipyo ng Partido, sangguniin ang pahayag ng Komite Sentral sa ika-55 anibersaryo ng Partido’t BHB at mula dito’y tukuyin sa sariling praktika ng pagsusulong ng matagalang digmang bayan ang mga kaisipan at praktikang lumalabag dito at nagdadala sa atin sa mga seryosong pinsala’t pag-atras sa pitong taong taong lumipas. Palagiang ilapat sa kongkretong praktika ng pamumuno sa rebolusyon sa Timog Katagalugan ang unibersal na teorya ng MLM, mga saligang rebolusyonaryong prinsipyo ng Partido at mga tagubilin at gabay ng Komite Sentral sa kongkretong kundisyon at praktika ng mamamayan at rebolusyonaryong pwersa sa TK at sa bawat lokalidad na saklaw ng bawat organo ng Partido, kumand at yunit ng BHB. Dagdag pa, palagiang maging mapagpakumbaba at kritikal sa sarili sa pagsusuri sa ating praktika, paghango ng aral mula sa mga ito at sa pagmumuna at pagpuna sa ating mga kamalian. Sa pamamagitan lamang nito, magiging matagumpay tayo sa ating pagpupunyaging kamtin ang mga kagyat at pangmatagalang tungkuling nililinaw ng Partido. Marubdubang maging mag-aaral ng at maraming lugar ang nabubuksan para sa pakikidigmang gerilya, maitutulak ang kaaway na harapin tayo sa maraming lugar, manipis na maikalat ang kanyang limitadong pwersa, at malalantad ang kanyang nag-ooperasyong tropa sa maraming bulnerableng lugar para banatan. Sa isang banda, ang mga pansamantalang pinsala na maaaring idulot ng matagalang kampanya sa paghanap at paglipol sa mga prayoridad at sekundaryong prayoridad na lugar ay babawiin ng mga tagumpay sa pagpapalawak at pagbubukas ng maraming lugar para sa pakikidigmang gerilya. Ang paghina ng isang bahagi ay babawiin ng paglakas ng maraming bahagi. Kailangang aktibong pakilusin ang mga organisasyon ng Partido sa lokalidad, mga aktibista sa baryo at mga kasapi ng organisasyong masa para sa pag-ugnay at pagpapalawak sa loob ng baryong saklaw at sa mga karatig na lugar. Gawing tulay ang mga kamag-anakan, kakilala at kaibigan nila sa mga karatig baryo para mapalawak ang ating ugnay at organisasyong masa. Magtalaga ng mga yunit sa pagpapalawak sa mga lugar na pugwang ng mga magkakatabing larangang gerilya. Balikan, bawiin at talagahan sa pinakamaagang panahon ang mga lugar na pansamantalang naiwanan bunga ng malakas at matagalang mga operasyong paghanap at paglipol. Dapat tiyaking sapat-ang-lakas ng itatalagang yunit, may maaasahang bag-as ng pamunuan at may katalikurang yunit na magiging angkla ng lakas-militar. Mag-iwan ng sapat-ang-lakas na pwersa sa mga lugar na matinding inaatake para harapin at paduguin ang kaaway at pamunuan ang masa habang inililipat ang ibang pwersa sa mga lugar na maluwag para sa pagpapalawak at gawaing masa. Mabilis na saluhin sa mga yunit ng hukbong bayan ang mga kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyon sa lokalidad na tinutugis ng kaaway. Ang mga di pa handang kumilos nang pultaym at pwede pang makapagpursige ay italaga sa ibang lugar na maluwag pa silang makakakilos para sa mga gawain sa pagpapalawak. Italaga ang mga Platung SDG sa tiyak na AOR na magiging angkla ng kanilang gawaing militar, konsolidasyon at pagpapalawak. Dapat ipwesto ang mga platung SDG sa lokasyon na estratehikong angkla ng operasyon ng mga
20 KALATAS 29 MARSO 2024ng masa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa harap ng tagtuyot at pagkawasak ng tanim; habang kamakailan lamang ay dumanas ng malalawak na baha at pagguho ng lupa sa malaking bahagi ng Mindanao. Mabilis na dumadausdos ang kabuhayan ng milyun-milyong magsasakang lubog sa utang, lugi sa benta ng kanilang ani, at inaagawan ng lupa at kabuhayan. Sa kalunsuran at buong bansa, hikahos ang malawak na masang manggagawa at anakpawis sa harap ng nagtataasang presyo ng bilihin at mababang sahod, sweldo at kita. Sumisigaw ng rebolusyonaryong katarungan, kalayaan at demokrasya ang masang anakpawis at sambayanan. Napakabigat ng kahingiang palakasin ang BHB at ilunsad ang matatagumpay na taktikal na opensiba. Kailangang matuto ang lahat ng mga kadre ng Partido’t opisyal ng BHB kung papaano hahawakan at gagamiting bentahe ang obhetibong salik na ito para sa panibagong pagpapalakas. Walang ibang daan upang muling makamit ang inisyatiba at muling makapagpalakas kundi nasa aktibong paglaban — lumaban upang makapagpalakas at magpalakas habang lumalaban. kasaysayan at ng kasalukuyang kalagayan ng uring manggagawa’t uring anakpawis sa daigdig at sarili nating bayan. Lipusin ang ating diwa ng inspirasyon ng mga gintong aral sa maningning na rebolusyonaryong tradisyon laluna sa pagsusulong ng armadong pakikibaka ng naunang mga henerasyon ng mga rebolusyonaryong Pilipino alinsunod sa diwa ng mga turo ng ating dakilang tagapangulong Amado Guererro. Taglayin natin ang mahigpit na kapit sa armas at ang walang hanggang katapangan, kapangahasan at determinasyong ipinamalas ng ating mamamayan upang labanan ang dayuhang mapanakop at mga kasabwat nilang lokal na naghaharing uri. Kailangang samantalahin ng Partido’t mga suhetibong pwersa ang hinog at napakapaborableng sitwasyong pandaigdig at pambansa upang makamit ang inisyatiba, muling magpanibagong sigla at paigtingin ang rebolusyon. Napakakagyat ang pangangailangang pamunuan ng Partido ang mga pakikibakang masa sa harap ng panlipunang ligalig na araw-araw na nililikha ng walang kaparis na krisis ng lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal. Partikular sa kanayunan, malawak na salanta ang dinaranas MABUHAY ANG IKA-55 ANIBERSARYO NG BAGONG HUKBONG BAYAN! MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS! MABUHAY ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES! MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!