Inilunsad ng mga sangay at komite ng Partido Komunista ng Pilipinas, mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan, at mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines ang iba’t ibang mga aktibidad at pagtiitpon sa bansa at ibayong dagat para ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng BHB noong Marso 29.
New People’s Army-Southern Tagalog
(Melito Glor Command)
Nagtipon ang mga Pulang mandirigma sa isang larangang gerilya sa Southern Tagalog para ipagdiwang ang anibersrayo ng BHB noong Marso 29.
National Democratic Front-Rizal
Namahagi ng polyeto ang mga kasapi ng NDF-Rizal sa Antipolo City noong Marso 28 para ipabatid sa mamamayan ang paggunita sa anibersaryo ng hukbong bayan. Isinagawa nila ito sa kasagsagan ng Alay Lakad ng mga debotong Katoliko tuwing Semana Santa na dinadaluhan ng libu-libong mamamayan.
National Democratic Front-National Capital Region
Naglunsad ng raling-iglap ang iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyon sa ilalim ng National Democratic Front-National Capital Region (NCR) noong Marso 25 sa Recto Avenue, Manila para ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng BHB. (Mga larawan mula sa SINAG CSSP)
Kabataang Makabayan-Balangay Kira Mindoro
Ipininta ng mga kasapi ng Kabataang Makabayan-Kira Mindoro sa mga pader ng PUP campus sa Sta. Mesa at ilang establisimyento malapit dito noong Marso 24 ang mga panawagan para sa pagbubunyi ng BHB, panawagan para sa pagpapatuloy ng digmang bayan at pambansa-demokratikong pakikibaka. (Mga larawan mula sa The Catalyst, PUP)