PRWC » Ang Bayan Ngayon Compilation


Author: admin
Categories: Resources
Description: Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism.
Modified Time: 2024-04-01T13:53:34+00:00
Published Time: 2024-04-01T07:59:28+08:00
Type: article
Images: 000000.jpg

Ang pahayagang Ang Bayan ang upisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ang AB ay inililimbag ng Komite Sentral ng PKP kada dalawang linggo at lumalabas sa ika-7 at ika-21 ng bawat buwan. Inilalathala ang AB sa orihinal na edisyong Pilipino at may mga salin na edisyon sa English, Bisaya, Hiligaynon, Waray, at Ilocano.

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawan na mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

2024

January 2024 February 2024 March 2024

___

2023

January 2023 February 2023 March 2023 April 2023 May 2023 June 2023 July 2023 August 2023 September 2023 October 2023 November 2023 December 2023

PDF Content:

PDF Source:


Ang Bayan Ngayon Compilation Ang Bayan January 2024 Ang pahayagang Ang Bayan ang upisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ang AB ay inililimbag ng Komite Sentral ng PKP kada dalawang linggo at lumalabas sa ika-7 at ika-21 ng bawat buwan. Inilalathala ang AB sa orihinal na edisyong Pilipino at may mga salin na edisyon sa English, Bisaya, Hiligaynon, Waray, at Ilocano. Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawan na mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon . - 1 -
Table of Contents Internasyunal na mga partido at organisasyon, nagpaabot ng pagbati sa ika-55 anibersaryo ng PKP..................................................................... 8 Pagpapanibagong-lakas ng BHB, atas ng Komite Sentral.............................................................. 11 200 pamilya, pinalalayas ng Authority of the Freeport Area of Bataan ................................... 13 Tuluy-tuloy na protesta kontra masaker sa kabuhayan ng tsuper at opereytor, ikakasa .....16 Daan-daang kabataan ng Southern Tagalog, ipinagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng PKP .18 Hindi lumiliit, bagkus ay lumaki, ang bilang ng naghihirap sa Pilipinas ..................................... 20 Ika-3 anibersaryo ng Tumandok masaker, ginunita............................................................ 22 Paglakas ng National Democratic Front sa rehiyong Ilocos, tagumpay ng PKP ..................24 Iilang bagong klasrum ng DepEd, kinastigo ng mga guro.......................................................... 25 Mga mersenaryong imbwelto sa pagmasaker sa Sagay 9, pinarusahan ng BHB-Northern Negros .......................................................................... 27 Pagtatanggal ng programang SHS sa mga SUC at LUC, binatikos .............................................. 28 Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre........................................................ 30 - 2 -
Unyon ng manggagawa sa PhilFoods, papasok na sa negosasyon para sa CBA ......................... 31 Mga kaso laban sa mga organisador ng KMU, ibinasura ng korte ............................................ 32 Pagpapalaya sa migranteng Pilipino na si Mary Jane Veloso, muling iginiit ............................... 33 6-buwang sanggol, pinaslang ng mga pwersa ng estado sa India ................................................. 35 Charter change, muling pinabubwelo ng pangkating Marcos ........................................... 37 Imbestigasyon ng ICC kay Duterte, maaring tapos na............................................................ 39 Oplan sabit, inilunsad sa Antipolo para sa anibersaryo ng Partido ..................................... 40 Pagbaba ng tantos ng implasyon, walang epekto sa mahihirap..................................................... 42 Kampanya para sa charter change, mariing kinundena ng mga grupong pambansa- demokratiko..................................................... 43 Dagdag-singil ng PhilHealth, pinababasura ng mga OFW.......................................................... 45 Mga estudyante at guro sa India, nagprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyon SAMADHAN-Prahar ......................................... 46 Yunit ng 96th IB, binulabog ng BHB-Masbate .48 - 3 -
Kaanak ng bilanggong pulitikal sa Quezon, umapela sa korte .............................................. 50 Magsasaka sa Negros Occidental, nakaligtas sa pamamaril ng 62nd IB ...................................... 52 Mga magsasaka ng Lupang Ramos sa Cavite, sinisindak ng militar ......................................... 54 Paglabag sa internasyunal na makataong batas ng AFP sa kampanyang aerial bombing, binatikos........................................................... 55 Aerial strikes ng US at UK sa Yemen, kinundena ng ILPS-US....................................................... 58 BHB-Sorsogon, naglinaw sa serye ng mga engkwentro noong Enero 14 ............................ 60 Mga biktima ng pamamaril ng 2nd IB, kinasuhan at ikinulong ..................................... 61 Mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa New Zealand, naggiit ng karampatang tulong ......................................... 62 Pagtatambak ng armas at matagalang presensya ng militar ng Canada at UK sa Pilipinas, tusong inilulusot ............................... 64 Papel ng ADB sa huwad na modernisasyon ng transportasyon, binatikos ................................. 65 Piston: Walang kinalaman sa “climate commitment” ng bansa ang pwersahang konsolidasyon ng prangkisa ng mga dyip ........68 - 4 -
2 magsasaka, pinaslang ng 62nd IB sa modus na pekeng engkwentro .......................................... 71 Mga grupong relihiyoso at kabataan, muling nagrali kontra pagmimina sa Eastern Samar . .73 Pamilya ng martir, binantaan at hinaras ng AFP .......................................................................... 75 Pinunong obispo ng CBCP, nagsagawa ng misa para sa mga bilanggong pulitikal sa Taguig City .......................................................................... 76 3 magsasaka sa Himamaylan City, dinakip at ikinulong ng 94th IB ......................................... 79 Lider-magsasaka sa Cebu, inaresto .................80 Pinakamatandang bilanggong pulitikal, hindi isinali ng rehimen sa mga pinalaya noong kapaskuhan...................................................... 81 Ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre, ginunita ng mga grupong magsasaka ..............83 Rali kontra chacha, inilunsad ng mga grupong pambansa-demokratiko .................................... 86 Separation pay, giit ng mga manggagawa ng Chun Chiang Enterprises sa Bataan ................88 Estilong “Tokhang” na profiling sa La Union, kinundena......................................................... 89 Grupo sa karapatang-tao, nanawagan sa rehimeng Marcos na itigil ang panloloko sa mga rapporteur ng UN ............................................. 91 - 5 -
Nakatakdang porum ng US Air Force sa UP Diliman, ipinaaatras ......................................... 92 Pagmimina at pagkalbo sa gubat ang sanhi ng pagbaha at mga landslide sa Davao at Caraga 94 Planong pagpapalayas sa mga residente sa isang barangay sa Bataan, nilalabanan ............96 Dedlayn sa sapilitang konsolidasyon ng PUV, muling napaatras .............................................. 98 Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa “terorismo,” muling iginiit na palayain.......................................................... 100 Iligal na pagkukwari sa Zambales, inirereklamo ........................................................................ 102 Paggunita sa anibersaryo ng Partido, inilunsad sa Rizal........................................................... 103 Reporma sa pensyon ng mga sundalo at pulis, tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos ........................................................................ 105 Grupo sa karapatang-tao, nababahala sa mungkahing pagbabalik sa barangay intelligence network ....................................... 107 Mga manggagawa ng CNN Philippines, dapat protektahan sa harap ng posibleng pagsasara ........................................................................ 109 Pagdinig ng petisyon kontra “teroristang” designasyon, sinuspinde ng korte sa Baguio City ........................................................................ 111 - 6 -
Paglulustay ni Marcos para sa raling “Bagong Pilipinas,” binatikos ........................................ 113 Rali kontra chacha, inilunsad ng mga magsasaka sa Bacolod City ............................ 114 Tatlong Adivasi, pinaslang ng estado ng India sa pekeng engkwentro ........................................ 116 80 manggagawa, tatanggalin sa pagbebenta ng SkyCable sa PLDT .......................................... 118 Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binisita ng UN Special Rapporteur..................................................... 120 Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binista ng UN Special Rapporteur..................................................... 122 Unyon ng manggagawa sa Nexperia, makikipagnegosasyon para sa CBA ...............124 35 berdugong pulis ng India, napaslang sa pag- atake ng PLGA ................................................ 126 Mga grupong pambansa-demokratiko, magrarali sa embahada ng US sa anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano ......................................... 128 Nagpapatuloy na pag-block ng rehimeng Marcos sa mga progresibong website, binatikos ........................................................................ 129 Giriang Marcos-Duterte, kinamuhian ng sambayanan.................................................... 131 - 7 -
Kita ng US sa mga imperyalistang gera at agresyon, lomobo nang 16% noong 2023 ......135 Presyo ng langis, apat na beses nang tumaas sa 2024................................................................ 137 5-araw na piket sa Maynila, inilulunsad ng mga empleyadong tinanggal sa BACIWA ...............137 Pagpapapirma para sa chacha, sinuspinde sa gitna ng mga anomalya .................................. 139 Pagsisimula ng klase sa UP Manila at UP Visayas, sinalubong ng protesta .....................142 Rekomendasyon ng DoJ na kasuhan ang 2 dinukot na aktibista, kinundena .....................143 Tanggalan sa sektor ng teknolohiya, nagpapatuloy sa gitna ng pagsirit ng tubo ng mga kumpanya ............................................... 145 ₱2 trilyon para sa “modernisasyon” ng AFP, inaprubahan ni Marcos Jr ............................... 147 Internasyunal na mga partido at organisasyon, nagpaabot ng pagbati sa ika-55 anibersaryo ng PKP Enero 1, 2024 Ipinabot ng iba’t ibang kaibigang partido at organisasyon mula sa ibang bansa ang kanilang pagbati at pagpupugay sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2023. Naglabas ng pahayag ng pakikiisa ang mga - 8 -
organisasyong mula sa India, Turkey, United States, at Ireland. Sa bidyo-pahayag ng Komite Sentral ng Communist Party of India (Maoist), pinagpugayan nito ang PKP sa higit limang dekadang pamumuno sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayang Pilipino. “Simula higit limang dekada na ang nakararaan, sumusulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng Pilipinas sa gabay ng Komite Sentral ng PKP sa harap ng hindi mabilang na mga pagsubok at pangingibabaw sa mga kamalian at kahinaan at mga liko’t ikot,” ayon sa CPI (Maoist). Pinarangalan nila ang mga namartir na lider ng Partido kabilang si Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Komite Sentral ng PKP, na pumanaw noong Disyembre 16, 2022. Pinagpugayan nila ang dakilang mga ambag ng mga lider ng Partido sa pagtatagumpay ng rebolusyong Pilipino at pagsulong ng pandaigdigang kilusang proletaryo. Ipinahayag naman ng Anti-Imperialist Action Ireland (AIAI) ang paghanga nito sa PKP sa pamumuno sa anti-imperyalistang pakikibaka ng sambayanang Pilipino. “Sa makasaysayang okasyon na ito, kaming mga Irish Republican ay sumasaludo sa PKP sa makasaysayang tatag, kapasyahan at inisyatiba nito,” ayon pa sa grupo. Kinilala rin ng AIA-Ireland ang “matapang na bagong hakbang” ng Partido tungo sa hinaharap - 9 -
sa paglulunsad ng kilusang pagwawasto. Anang grupo, “magbubunga ito ng bagong henerasyon ng mga magbabandila ng rebolusyon at rebolusyonaryo mula sa hanay ng sambayanang Pilipino.” Dagdag pa nila, buo ang kanilang tiwala sa Partido at maipagmamalaking nasasaksikhan nila ang isang panibagong mahalagang yugto sa rebolusyong Pilipino. Samantala, hinikayat naman ng Socialist Unity Party (SUP) ng US ang mga Amerikano na pag- aralan at suportahan ang kilusang rebolusyonaryo sa Pilipinas. “Alam namin maraming matututunan sa rebolusyonaryong kasasayan nito at sa paglalapat nito ng Marxismo sa partikular na kundisyon [ng Pilipinas],” ayon sa SUP. Sa minimum, dapat umanong unawain ng mga anti-imperyalista sa US ang ginagampanan ng gubyerno ng US sa pagsasamantala sa mamamayang Pilipino at yaman ng Pilipinas. “Nananawagan kami sa mga anti-imperyalista sa US na tunay na pag-aralan ang Pilipinas at rebolusyon nito para lumikha ng positibong ugnayan sa mga pambansa-demokratikong organisasyon tungo sa isang nagkakaisang prente laban sa imperyalismo,” ayon pa sa SUP. Nagpahayag din ng pakikiisa at pagbati ang Communist Party of Turkey-Marxist Leninist (TKP- ML) at Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) sa Partido. Sa pahayag ng Komite Sentral sa ika-55 anibersaryo ng Partido, ipinanawagan nito ang pagpapalakas sa internasyunal na - 10 -
rebolusyonaryong gawain. Kabilang sa mahahalagang mga tungkuling inilatag nito ang pagkawing ng rebolusyong Pilipino sa pandaigdigang kilusang anti-imperyalista at sa proletaryong rebolusyon sa buong mundo. Gayundin, ipinanawagan nito ang pagtataas ng antas ng kampanya para kabigin ang suportang internasyunal para sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, habang nagbibigay ng lahat ng anyo ng suporta sa mga maka-uring pakikibaka ng mga manggagawa, at pakikibakang demokratiko at anti-imperyalista sa iba’t ibang panig ng mundo. “Dapat patuloy na palakasin ang relasyon ng pakikipagkapatiran sa mga partido at organisasyong Marxista-Leninista-Maoista, palakasin ang diyalogo at tulungang komunista,” pahayag pa ng Komite Sentral. Dapat din umanong isagawa ang aktibong pakikipagtunggali sa ideolohiya upang ilantad at iwaksi ang modernong rebisyunismo, Trotskyismo, Gonzaloismo at iba pang rebisyunistang agos na bumabaluktot sa Marxismo, Leninismo at Maoismo. Pagpapanibagong-lakas ng BHB, atas ng Komite Sentral Enero 1, 2024 Inatas ng Komite Sentral (KS) ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapanibagong-lakas sa harap ng tinukoy nitong mga kabiguan, kamalian at mga kakulangan sa nagdaang ilang taon sa - 11 -
pagsusulong ng armadong pakikibaka. Nilaman ito pahayag ng KS sa okasyon ng ika-55 anibersaryo ng Partido. Ayon sa naturang pahayag, masaklaw na mga problema sa larangan ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka ang ibinunga ng suhetibismo sa ideolohiya. “Sa kabiguang gagapin ang landas ng pag-unlad ng digmang bayan, partikular mula sa unang bahagi tungo sa panggitnang bahagi, at mula sa panggitna tungo sa susunod na bahagi, hindi iilang larangang gerilya ng BHB ang naging tigil at nabahura sa matagal na panahon sa lumang antas,” ayon dito. Sinabi ng pamunuan ng Partido na ang mga pagkakamali at pagkukulang na ito ay nagresulta sa kabiguan ng maraming yunit ng BHB na matatag na paalun-along palawakin ang mga larangang gerilya alinsunod sa linya ng masaklaw at maigting na pakikidigmang gerilya sa batayan ng papalawak at papalalim na baseng masa. Panawagan ng KS, na bumawi mula sa mga kabiguan at muling itatag ang baseng masa. Para makapangibabaw sa mga nagdaang pagkakamali at pagkukulang, itinakda ng KS ang sumusunod na mga tungkulin: • Dapat palakasin ng Partido ang pamumuno nito sa BHB • Dapat mahusay na pagkumbinahin ang pagsusulong ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo, at paglulunsad ng mga kampanyang masang anti-pyudal bilang paraan ng pagbubuo ng baseng masa • Dapat ilunsad ang mga pagsasanay sa mga Pulang kumander at - 12 -
mandirigma • Buuin ang laking-kumpanyang mga larangang gerilya • Maglunsad ng batayan o anihilatibong taktikal na mga opensiba na kayang ipanalo • Patuloy na palakasin ang platun bilang batayang yunit ng BHB, at itayo ang istruktura ng kumand sa lahat ng antas • Palakasin ang mga sangay at komite ng Partido sa hukbong bayan at ang pampulitikang organo sa loob ng BHB sa lahat ng antas • Ibayong palakasin, sanayin at paganahin ang mga yunit ng milisyang bayan, kakumbina ang mga yunit pananggol-sa-sarili ng rebolusyonaryong mga organisasyong masa Ang pagpapalakas ng BHB at armadong pakikibaka ay kaakibat ng isinusulong ng Partido na kilusang pagwawasto upang ituwid ang mga pagkakamali, kahinaan at pagkukulang sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. “Sa susunod na isa o dalawang taon, dapat itong puspusang isulong at lubusin sa lahat ng antas mula sa Komite Sentral ng Partido hanggang sa lahat ng mga sangay ng Partido,” ayon sa Komite Sentral. 200 pamilya, pinalalayas ng Authority of the Freeport Area of Bataan Enero 2, 2024 Hanggang Enero 6 na lamang ang taning ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa may 200 pamilyang residente ng Narra Dormitory sa Barangay Maligaya, Mariveles, Bataan para umalis. Pinalalayas ang mga residente dahil sasaklawin ng pagpapalawak ng FAB ang naturang lugar. - 13 -
Ayon sa pahayag ng Nagkakaisang Manggagawa ng FAB (NMFAB), sinugod ng hindi bababa sa 90 pinagsamang pulis, upisyal ng barangay at AFAB Police ang Narra Dormitory noong Disyembre 21 at sinabihan silang lumayas. Sapilitan din umanong pinapirma ng mga “notarized waiver” ang mga residente na nagsasaad na “wala ni anumang pananagutan” ang AFAB sa mga apektadong residente. Pinagbayad pa umano sila ng ₱200 bawat waiver. “Walang konsiderasyon ang AFAB sa mamamayan ng Mariveles. Ginagamit nila ang kapangyarihang lampas sa kakayahan ng lokal na gubyerno at tahasang nilalabag ang karapatan ng bawat isang Mariveleño,” ayon sa NMFAB. Babala pa ng grupo ng mga manggagawa, hindi lamang Narra Dormitory ang maaapektuhan ng mga demolisyon at pagpapalayas dahil mayroon pang mga sasaklawin ng pagpapalawak ng FAB alinsunod sa FAB Expansion Act. Ayon kay Jaime Azores, dating bise-presidente ng Narra Lodgers Association, “Sapilitan kaming pinapirma sa isang waiver na nagsasabing sumasang-ayon na kami at aalis na sa lugar. Nagbanta rin [ang AFAB] na kapag kami ay hindi pipirma sa waiver na kanilang pinanotaryohan ay puputulan kami ng kuryente at papalayasin na kaagad.” “Sa takot namin, pumirma na ang karamihan kahit pa labag ito sa aming kalooban. Ikaw ba naman ang kuyugin ng AFAB Police? Anong mararamdaman mo?” dagdag pa ni Azores. - 14 -
Deka-dekada nang naninirahan ang mga residente ng Narra Dormitory sa naturang lugar. Nagbabayad sila ng ₱320 kada kuwarto kada buwan bilang renta. Itinayo ito noong panahon pa ng diktadurang Marcos para sa pabahay ng mga manggagawa sa Bataan Export Processing Zone (BEPZ) na ngayon ay kilalang FAB. “44 years na akong nakatira rito at karamihan sa amin ay dito na nagkaroon ng pamilya at mga apo. Tapos papalayasin kami? Dadalhin kami dun sa Alas-asin, pababayaran sa amin ng ₱1,000 sa pinakamababa ang renta, malayo pa sa aming trabaho,” pagdidiin ni Azores. Nanawagan ang NMFAB sa kapwa manggagawa at sa demokratikong mga sektor na suportahan ang laban ng Narra Lodgers Association at mga kasapi nito. Anang grupo, “Hindi makatarungan ang ginagawang sapilitang pagpapalayas sa humigit-kumulang 200 pamilya ng Narra Dormitory. Ang pangyayaring ito ay isang paglabag sa kanilang karapatang mamuhay ng disente at payapa.” Giit nila na maraming maaapektuhan sa pangyayaring ito hindi lang ang mga manggagawa na nagtitiis sa kakarampot na kita maging ang mga kabataan na nag-aaral sa eskwelahan. Dapat umanong umaksyon ang lokal na gubyerno ng Mariveles at ng Bataan para sa kagalingan ng mga manggagawa at maralita. Ang FAB ay tinaguriang isang special economic zone sa hawak ng gubyerno na nagbibigay sa mga kumpanya ng mga insentibo para sa - 15 -
pamumuhunan, na kadalasan ay sa kapinsalaan ng mga manggagawa at maralita. Binibigyan ng FAB ang mga kumpanyang pumapasok dito ng insentibong hindi pagbabayad ng buwis at ibang pabor sa ngalan ng “ease of doing business.” Mayroong kasalukuyang 18 “expansion areas” sa buong prubinsya ang FAB labas sa orihinal na lokasyon nito sa timog na bahagi ng Bataan. Mayroon itong hindi bababa sa 40,600 deklaradong manggagawa. Tuluy-tuloy na protesta kontra masaker sa kabuhayan ng tsuper at opereytor, ikakasa Enero 2, 2024 Magtutuluy-tuloy ang protesta at sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor ng dyip kontra sa sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at pagpapatupad ng huwad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pagbubukas ng taong 2024. Ito ang kanilang tugon sa pagkikibit-balikat ni Ferdinand Marcos Jr sa hinaing ng mga tsuper at opereytor. Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), patunay ang kawalang-aksyon na “palpak, pahirap, at tuta” ang kanyang rehimen. Noong huling kwarto ng 2023, ipinamalas ng Piston at Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela) ang kanilang pagtutol sa PUVMP sa sunud-sunod na tigil-pasada at malawakang - 16 -
protesta sa bansa, pangunahin sa Metro Manila. Tinatayang humigit-kumulang 4,000 ang lumahok sa protesta ng dalawang grupo sa Mendiola sa Maynila noong Disyembre 29. Naniniwala ang Piston na tanging sa kanilang papalakas na pwersa at tuluy-tuloy na sama- samang pagkilos ngayong 2024 malalabanan ang pakanang PUVMP ng rehimen na magdudulot ng “transport disaster.” Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na pumapasada ang mga tsuper at opereytor sa kabila ng kanselasyon ng kani-kanilang prangkisa dulot ng sapilitang konsolidasyon. Giit ng Piston, ang pagpasada nila sa kabila ng kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pagpapakita ito ngayon ng protesta at pagtatanggol sa kabuhayan ng mga tsuper at opereytor. “Huwag natin hayaang pwersahan tayong tanggalan ng kabuhayan,” ayon sa Piston. Bukod umano sa tatanggalan ng kabuhayan ang libu- libong manggagawa sa transportasyon, pagkakakitaan lamang ng mga dayuhan at malalaking negosyo ang kanilang mga prangkisa at ruta na lalong magreresulta sa mataas na pamasahe at pagkabawas ng kakarampot na ngang kita ng Pilipinong komyuter. Tinatayang nasa 30,862 ng mga yunit ng dyip at 4,852 yunit ng UV Express ang pinagbabawalang makapasada sa National Capital Region (NCR) dahil hindi nagkonsolida ng mga prangkisa. Nawalan ng kabuhayan ang halos 64,000 na mga - 17 -
tsuper at 25,000 na mga opereytor sa NCR dulot nito. Sa buong bansa, nasa 64,639 yunit ng PUV ang hindi nagkonsolida at nawalan ng trabaho ang may 140,000 tsuper at 60,000 opereytor. Apektado nito ang 28.5 milyong pasahero. Samantala, inatasan noong Disyembre 28 ng Korte Suprema ang Department of Transportation (DOTr) at ang LTFRB na magkomento sa petisyong inihain ng Piston kontra sa pagpapatupad ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at PUVMP. Binigyan ang dalawang ahensya nang hanggang 10 araw para magkomento. Daan-daang kabataan ng Southern Tagalog, ipinagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng PKP Enero 3, 2024 Daan-daang kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Southern Tagalog ang nagdiwang sa ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa nagdaang linggo ayon sa balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa rehiyon. Ang ilan sa kanila ay nagdiwang sa loob ng larangang gerilya, kasama ang Bagong Hukbong Bayan. Sa balita ng dyaryo ng KM-Southern Tagalog na Kalayaan-TK, sinabi nitong hindi nagpatinag sa kaliwa’t kanang operasyon ng mga berdugong militar ang mga kasapi ng KM, mga Pulang mandirigma, at mga masang katutubo’t - 18 -
magsasaka para magdiwang sa loob ng isang sonang gerilya sa rehiyon.   Tinalakay sa mga programa ang mga pahayag ng Komite Sentral ng PKP at Komiteng Rehiyon ng Southern Tagalog. Ito rin umano ang ginamit na balangkas para sa tema ng selebrasyon na “Puspusin ang kilusang pagwawasto! Palakasin ang partido! Likhain ang pinakamahigpit na ugnay sa masa at pamunuan silang dalhin sa bago at mas mataas na antas ang rebolusyong pambansa-demokratiko!” Sa pahayag ng Komite Sentral noong Disyembre 26, 2023, nanawagan ito ng paglulunsad ng kilusang pagwawasto upang ituwid ang mga pagkakamali at kahinaan ng Partido at humakbang nang mas malaki pa ngayong panibagong taon. Ayon sa Kalayaan-TK, tinanggap at ipinaabot ng KM-Southern Tagalog ang panawagan ng Komite Sentral sa hanay ng mga rebolusyonaryong kabataan at estudyante. Ayon kay Karina Mabini, tagapagsalita ng panrehiyong balangay ng KM, marapat lamang na balik-aralan kapwa ang mga tagumpay at kahinaan upang patuloy na dumaluyong kasama ang sambayanan.   “Gagap ng mga kabataang makabayan ang kahalagahan ng determinadong pakikibaka upang tuldukan ang mga kundisyon at kronikong krisis na ito [imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo],” ayon kay Karina Mabini sa kanyang pahayag sa anibersaryo ng PKP.   Ayon pa sa KM- Southern Tagalog, naniniwala at itinataguyod nito ang makauring pamumuno ng proletaryado sa rebolusyong Pilipino sa pamamagitan ng PKP - 19 -
simula noong Disyembre 26, 1968 nang muli itong itatag upang magsilbing Partido at abanteng destakamento ng mga proletaryado. Kinilala at binati ng Komite Sentral sa pahayag nito ang “libu-libong nakababatang kadre na sumanib sa Partido nitong nagdaang mga taon, at ngayo’y nag-aambag ng napakalaking enerhiya sa ating matagalang pakikibaka.” Anang pamunuan ng Partido, “marami sa inyo ngayo’y bumabalikat ng mga tungkulin ng pamumuno bilang mga kagawad ng mga sentral na organo ng Partido, bilang mga kumand at upisyal sa pulitika ng Bagong Hukbong Bayan, at mga lider ng rebolusyonaryong kilusang masa kapwa sa kalunsuran at kanayunan.” Ang hanay ng nakababatang mga kadre ng Partido sa lahat ng antas ay nagpuspos sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain ng sigasig at sigla, ayon sa Komite Sentral. “Ang bagong henerasyon ng mga komunistang Pilipino, na malalim na nakaugat sa malawak na masa ng mga manggagawa at magsasaka, ay nagpapakita ng walang-kaubusang determinasyong dalhin ang rebolusyong Pilipino sa pagsulong sa hinaharap.” Hindi lumiliit, bagkus ay lumaki, ang bilang ng naghihirap sa Pilipinas Enero 3, 2024 Taliwas sa ipinagmayabang ng rehimeng Marcos kamakailan na lumiit ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap noong unang hati ng 2023, dumami sa - 20 -
aktwal ang mga pamilyang nabubuhay sa ilalim ng pamantayan ng kahirapan. “Nagmumukha lamang na mas mababa ang tantos ng kahirapan dahil ikinumpara ito sa tantos noong nakapailalim ang Pilipinas sa lockdown,” pahayag ng Ibon Foundation noong Disyembre 23. “Kung ikukumpara ito sa unang kwarto ng 2018, nadagdagan ng 3 milyong Pilipino o 472,000 pamilya ang bilang ng mga naghihirap—kahit pa nakabatay ito sa napakababa nang pamantayan na ₱91 kada araw.” Sa estadistika ng Philippine Statistics Authority na inilabas noong Disyembre 22, lumiit tungong 22.4% ang bilang ng mga naghihirap na pamilya noong unang kwarto ng 2023, mula sa 23.7% sa unang kwarto ng 2021. Anito, nangangahulugan ito ng pag-ahon ng 250,000 Pilipino mula sa kahirapan. Ang itinuturing lamang nitong naghihirap na pamilya ay yaong nabubuhay sa ₱13,797 kada buwan o ₱460 kada araw. Samantala, ang tantos ng kahirapan noong 2018 ay 21%. “Ang pagbubukas ng ekonomya ang mayor na salik sa iniulat na pagbaba sa pagitan ng unang semestre ng 2021 at parehong panahon sa 2023,” ayon sa grupo. “Kailangang idiin na hindi ito isang aktibong hakbang para ibaba ang kahirapan kundi nagmula sa pasibong pagluluwag sa napakahaba at napakahigpit na mga restriksyon sa aktibidad sa ekonomya.” Ayon sa grupo, dapat pa ngang kwestyunin kung bakit di pa nakababalik sa antas bago - 21 -
magpandemya ang tantos ng kahirapan, gayong mahigit isang taon nang ipinangangalandakan na bumubwelo na ang ekonomya. Dapat ding tingnan ang mga estadistika ng pagbaba ng tantos ng kawalang trabaho. Hindi umano tugma ang paglaki ng bilang at paglawak ng kahirapan sa pagitan ng 2018 at 2023 sa ipinagmamalaki ng estado na pagbaba ng disempleyo mula 5.4% tungong 4.6% sa parehong panahon. Alinsunod sa kalkulasyon ng nakabubuhay na sahod na ₱1,160 kada araw o ₱25,226 kada buwan sa isang 5-kataong pamilya, kailangan ng isang indibidwal ng abereyds na ₱232 para tugunan ang batayan niyang mga pangangailangan kada araw. Ika-3 anibersaryo ng Tumandok masaker, ginunita Enero 3, 2024 Ginunita ng Katribu o Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas at iba pang demokratikong grupo ang ikatlong anibersaryo ng Tumandok masaker noong Disyembre 30. Sa araw na ito noong 2020, koordinadong pinaslang sa mga operasyon ng pulis at sundalo ang siyam na katutubong Tumandok sa mga baryo ng Tapaz, Capiz at Calinog sa Iloilo. Kasabay sa mga pagpaslang ang maramihang pang-aaresto. Hanggang ngayon, wala pa ni isa sa mga salarin ang napaparusahan o nakakasuhan man lamang. - 22 -
“Magpupunyagi kami sa paghahanap ng hustisya mula sa (noo’y pangulong) Rodrigo Duterte sa masaker sa Tumandok at sa napakarami pang ibang mga inhustisya na idinulot niya sa katutubong mamamayan,” pahayag ng grupo. “Gayundin, pinanagot ng Katribu ang administrasyon ni Marcos Jr sa pagpapatindi ng mga atake sa mamamayang Pilipino, at tuluy-tuloy na mga operasyong nakatuon sa mga katutubong komunidad na lumalaban sa mga programa sa kunwa’y kapayapaan at mga proyektong pangkaunlaran nito.” Anito, hindi dapat kalimutan ang papel ng SEMPO (Synchronized Enhanced Management of Police Operations) ng pulis sa masaker sa Tumandok, at sa iba pang katulad na mga masaker at pang- aaresto sa katabing isla ng Negros. Humarap sa matinding panggigipit at pasismo ang mga komunidad ng Tumandok dahil sa kanilang buong-tapang na pagtutol sa Jalaur Mega Dam project na nakatakdang itayo sa kanilang lupang ninuno. Sisirain ng proyektong ito hindi lamang ang kanilang mga komunidad, kundi ang katubigan at kagubatang matagal nang bumubuhay sa mga Tumandok. Pinuna ng grupo ang presensya ng mga sundalo sa mga katutubong komunidad sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng AFP. Lantarang pambabanta, panggigipit at pang- aabuso ang isinasagawa ng mga ito habang nakakampo sa mga kabahayan o sa mga pampublikong istruktura sa baryo. - 23 -
Paglakas ng National Democratic Front sa rehiyong Ilocos, tagumpay ng PKP Enero 3, 2024 Kinilala ng National Democratic Front (NDF)- Ilocos ang susing tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagbubuo at pagpapalakas ng NDF sa buong rehiyong Ilocos. Ipinahayag ito ni Ka Rosa Guidon, tagapagsalita ng NDF-Ilocos, sa pagbati ng organisasyon sa Partido sa ika-55 anibersaryo nito. Ayon kay Ka Rosa, “mahalagang tagumpay ng Partido ang pagkakabuo ng NDF sa Ilocos…at sa pamamagitan nito ay nabibigkis ang lakas ng masang magsasaka, manggagawa, panggitnang mga uri at lahat ng demokratikong sektor sa rehiyon para ipaglaban ang kanilang demokratikong interes.” Aniya, ang wastong linya ng Partido ang naging armas ng NDF-Ilocos upang tukuyin ang mga anyo ng malapyudal at malakolonyal na kalagayan sa rehiyon upang umusbong at yumabong ang rebolusyonaryong pakikibaka dito. “Patuloy na gumagabay at aktwal na nakikibahagi ang Partido sa pagsusulong ng armadong pakikibaka at agraryong rebolusyon at pakikibaka ng lahat ng maralita’t pinagsasamantalahan sa rehiyon,” pahayag ni Ka Rosa. Inarmasan ng Partido ang mga rebolusyonaryong pwersa at masa ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, kung kaya’t napanday ang kanilang kapasyahan sa buhay at kamatayang pakikibaka, ani Ka Rosa. - 24 -
Dagdag pa niya , “pinagkaisa sila sa mga lagom na aral at pinamumunuan ang pagtutuwid sa mga kamalian at kahinaan kung kayat natatahak ang wastong linya ng pagsulong.” Pinagpugayan ng NDF-Ilocos ang Komite ng Partido sa Ilocos sa pananatili nitong solido at nagkakaisa sa kabila ng pagsisikap ng kaaway na tugisin at durugin ito sa pamamagitan ng panggigipit sa mga kadre at kasapi nito. “Tiwala ang buong NDF-Ilocos, sa pamumuno ng Partido, na maitataguyod, mapapalakas at mapapalawak ang nagkakaisang prente ng lahat ng mga pinagsasamantalahang uri sa rehiyon,” ayon pa kay Ka Rosa. Sa pahayag ng Komite Sentral ng Partido noong ika-55 anibersaryo nito, inatas nito ang pagpapatatag sa pinakamalapad na antipasista, anti-imperyalista at antipyudal na nagkakaisang prente laban sa rehimeng US-Marcos. Kabilang dito ang patuloy na pagpapalakas at pagpapalawak sa NDFP at lahat ng mga alyadong organisasyon nito. “Tipunin ang pinakamalapad na pampulitika at materyal na suporta ng bayan para sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka,” ayon sa Komite Sentral. Iilang bagong klasrum ng DepEd, kinastigo ng mga guro Enero 4, 2024 Kinastigo ng mga guro at ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list - 25 -
Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) sa pagmamalaki nito sa karampot na 2,201 klasrum na naitayo ng kagawaran noong 2023. Malayong-malayo ito sa 165,000 kulang na klasrum sa buong bansa. “Ang DepEd mismo ang nagtarget na 5,000-6,000 ang mga silid-aralan na maipapagawa noong 2023…ni wala sa kalahati ng sarili nilang target tapos may gana pang ipagmalaki na magandang accomplishment daw ito,” batikos ni Rep. Castro. Lubhang kabaligtaran umano ang kupad sa paggawa ng mga klasrum sa bilis ni Sara Duterte, kalihim ng DepEd, na gastusin ang ₱125 milyon na iligal na confidential funds sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Ayon pa kay Rep. Castro, ipinamalas nito ang kawalang sinseridad ni Marcos at Duterte na pababain ang kakulangan ng mga klasrum. “(A)ng malaking usapin ng krisis sa mga klasrum ay nangangailangan ng mas ambisyoso at pangmatagalang plano,” pahayag ni Rep.  Castro. Sa pamamagitan lamang umano ng pagtatayo ng 50,000 mga klasrum kada taon mapauunlad ang kundisyon sa pagkatuto, at mababawasan ang mayor na mga balakid sa pagbawi sa edukasyon. Binatikos din ng kinatawan ang walang batayang pahayag ng DepEd na imposible ang pagtatayo ng 50,000 mga klasrum kada taon dahil nakapagtayo ang ahensya ng 100,936 na klasrum sa loob ng tatlong taon noong 2014-2016. - 26 -
Mga mersenaryong imbwelto sa pagmasaker sa Sagay 9, pinarusahan ng BHB-Northern Negros Enero 4, 2024 Magkakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) -Northern Negros laban sa mersenaryong Sarona Group noong Enero 2 sa bayan ng Purok Kawayan, Barangay Bug-ang, Toboso, Negros Occidental. Imbwelto ang Sarona Group sa pagmasaker sa tinaguriang Sagay 9 (o ng siyam na magtutubo) noong Oktubre 20, 2018 sa Barangay Bulanon, Sagay City. Ang grupo ay bayaran at suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at malalaking kumprador-panginoong maylupa at asendero sa isla. Inambus at napatay ng BHB ang lider ng grupo na si Juvie Sarona. Pinaralisa at sinunog din ang traktorang pag-aari ng ama niya. Nakumpiska naman sa bahay ng mga Sarona ang isang M2 Carbine, isang .45 Colt, isang .357 revolver, isang shotgun, samu’t saring mga magasin at bala. Kinumpiska rin ang kanilang gadyet na may laman na mahahalagang impormasyon. Sangkot din ang grupo sa pangangamkam ng lupa gamit ang sistemang aryendo. Hindi makapaggiit ang mga magsasaka laban sa mga Sarona dahil sa takot sa mga maton nito. Mayroong mga kaso ng sapilitang pagputol sa mga puno sa sakahan, at pagbubunot ng mga tanim na saging. Naitala rin ang kaso ng pamamaril ng grupo sa kalabaw ng isang magsasaka. Malupit din ang mga Sarona sa - 27 -
kanilang manggagawa at bantog na hindi nagpapasahod nang maayos. Labis ang takot ng mga komunidad na naninirahan sa palibot ng lupaing kontrol ng Sarona Group dahil ipinaiilalim sila sa mga pagbabanta at panggigipit. Ipinagdiwang ng masa ng Northern Negros ang pagpaparusa sa mga Sarona dahil nabigyang hustisya ang pang-aapi at pagsasamantalang kanilang sinapit sa kamay ng mga ito. “Nang may panibagong lakas at determinasyon sa pagbubukas ng bagong taon ng ating pakikibaka laban sa pang-aapi at pagsasamanala, inilunsad ng BHB-Northern Negros ang pamamarusa,” ayon kay Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng yunit. Pinasalamatan din ni Ka Cecil ang mga magsasaka at masang tumulong sa armadong aksyon at patuloy na pagsuporta nito sa hukbong bayan. Pagtatanggal ng programang SHS sa mga SUC at LUC, binatikos Enero 5, 2024 Binatikos ng mga guro at kabataang estudyante ang inilabas na memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nagsasabing ihihinto na ang mga programang Senior High School (SHS) o Grade 11 at 12 sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) sa darating na taong pampaaralan 2024-2025. Bahagi umano ito ng pagbitaw ng ahensya sa tinawag na transisyon sa ilalim ng K- - 28 -
12, at pagpapaubaya nito sa Department of Education. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), labis ang kanilang pag-aalala at pagkadismaya sa direktibang ito na anila ay magdudulot ng matitinding epekto sa akses ng mga estudyante sa libreng edukasyon, at gayundin sa kalagayan sa trabaho ng mga guro sa pampublikong eskwelahan. “May siginipikanteng epekto ito sa mga estudyante, partikular ang mga posibleng mawalan ng akses sa libreng edukasyon dahil sa kahirapan sa pinansya,” ayon pa sa ACT. Matutulak umano ng sitwasyon ang mga estudyante na pumasok na lamang sa pribadong mga eskwelahan, na dagdag pabigat sa kanilang pamilya. Higit na pararamihin umano nito ang dati nang maraming bilang ng mga estudyanteng nagda-drop out mula sa eskwela. Dagdag ng mga guro, patitindihin nito ang dati nang kakulangan ng mga pampublikong eskwelahan na may programang SHS. “Hahantong ito sa labis-labis na trabaho at overload ng mga guro na tatanggap sa mga lilipat na estudyante,” ayon sa ACT. Para naman sa League of Filipino Students (LFS), marami na nga ang nahihirapan sa bulok na programa ng SHS at K-12 ay palulubhain pa ito ng basta-bastang pagtatanggal ng programang SHS sa mga SUC at LUC. - 29 -
Giit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, “dapat suspindehin ang implementasyon ng mga memo na ito habang walang masinsing konsultasyon sa lahat ng mga stakeholder at kanilang kagalingan laluna ang mga estudyante at guro.” “Sa sinasabi ng DepEd at CHed na dapat na limang taon lamang ang programang ito ay dapat na lalo nilang napaghandaan ang konsultasyon para dito hindi yung bigla na lang na maglalabas na lamg agad ng memo na libu-libo ang apektado,” pahayag pa niya. Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre Enero 6, 2024 Sa gitna ng ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos na “bumagal” ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023, lalupang sumirit ang presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas tungong 19.6% ang tantos ng implasyon ng bigas (rice inflation) sa katapusan ng 2023, pinakamataas mula 2009. Mas mataas ito nang 3.7% kumpara sa Nobyembre 2023. Sa 2023, umabot sa ₱9 ang abereyds na itinaas ng presyo ng lahat ng klaseng bigas, o 39.63% sa buong taon. Pinakamataas ang pagtaas ng presyo ng well-milled rice sa 22.4% o ₱10 kada kilo. Ayon sa mga upisyal ng estado, tinatayang tuluy- tuloy na tataas ang presyo ng bigas sa 2024. - 30 -
Unyon ng manggagawa sa PhilFoods, papasok na sa negosasyon para sa CBA Enero 7, 2024 Naigiit ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. (UPPFBPI-OLALIA- KMU) sa kapitalistang kumpanya na pagkasunduan na ang “bargaining ground rules” na gagamiting gabay sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Kasunod ito ng kilos-protesta ng mga manggagawa at ng unyon sa harap ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A noong Enero 4. Ayon sa Alyansa ng Manggagawa sa Probinsya ng Laguna, naigiit ng unyon sa NCMB na aksyunan ang sadyang pag-antala sa pag-usad ng negosasyon para sa CBA. Bago nito, apat na pag- uusap na ang naganap sa pagitan ng unyon at maneydsment. Haharap na ang unyon sa maneydsment para sa negosasyon sa kanilang CBA simula Enero 9. Noong Setyembre 2023, nanalo ang UPPFBPI- OLALIA-KMU sa eleksyon sa sertipikasyon para katawanin ang mga manggagawa ng pagawaan. Nakakuha ng 295 na boto ang unyon sa kabuuang 341 bumoto sa eleksyon, habang 25 boto ang nakuha ng katunggaling unyon. Ang PhilFoods Fresh Baked Product Inc ay kapatid na pagawaan ng Gardenia Bakeries na gumagawa - 31 -
ng tinapay para sa Gardenia, isang kumpanyang multinasyunal. Ang pagawaan ng PhilFoods ay matatagupuan sa LIIP Avenue, Barangay Mamplasan, Biñan, Laguna. Mga kaso laban sa mga organisador ng KMU, ibinasura ng korte Enero 9, 2024 Isinapubliko kahapon, Enero 8, ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyon ng korte sa Quezon City na ibasura ang mga kasong Direct Assault at Grave Coercion laban sa mga lider at organisador nito. Itinuring ito ng KMU bilang “mabuting balita” laluna sa pagbubukas ng taong 2024. Ang kaso ay isinampa ni Pcpl Mark Anthony Soliven ng Quezon City Police District laban kina KMU Secretary General Jerome Adonis, organisador ng Association of Democratic Labor Organizations, pederasyon sa ilalim ng KMU, na si Nadja de Vera, isang nagngangalang Aia Pendatun, at anim na alyas noong Hunyo 26, 2023. Kaugnay ang kaso ng pagkumpronta ni Adonis kay Pcpl Soliven noong Hunyo 9, 2023 habang umuuwi ang istap at upisyal ng KMU mula sa isang protesta sa Mendiola, Manila. Kinumpronta si Pcpl Soliven nang mamataan ng KMU na sumusunod ito sakay ang isang motor at kumukuha ng litrato ng mga nasa sasakyan. Binatikos noon ng KMU ang paniniktik ng pulis sa KMU. Sa isang pahayag noong araw na iyon, anila, - 32 -
“walang mali sa gawain ng mga aktibista na ikampanya ang makabuluhang mga pagbabago para sa benepisyo ng mga manggagawa, magsasaka at mamamayan” kung kaya’t hindi dapat sila tinitiktikan at hinaharas ng mga pwersa ng estado. Ayon pa sa grupo, “patunay ang insidente na garapal, walang sinisinong batas at karapatan at wala sa anumang katwiran ang taktikang intimidasyon ng mga kapulisan. Dapat matapang na harapin at labanan ito ng mamamayan.” Kaugnay ng mga kaso, inirekomenda ng korte na ibasura ito dahil sa sinasabi nitong kakulangan ng sapat na ebidensya laban sa mga aktibista. Ayon sa KMU, dapat nang itigil ang ganitong ‘modus’ ng pagsampa ng mga kaso laban sa mga organisador ng kilusang paggawa. Ang desisyon ay inilabas ng korte noong Nobyembre 20, 2023. Pagpapalaya sa migranteng Pilipino na si Mary Jane Veloso, muling iginiit Enero 9, 2024 Muling ipinanagawan ng Migrante International ang kagyat na pagpapalaya kay Mary Jane Veloso, migranteng Pilipinong biktima ng human at drug trafficking, na nakakulong sa Indonesia simula pa 2010. Iginiit ito ng grupo kasabay ng pagbisita ni Indonesian president Joko Widodo sa bansa mula Enero 9 hanggang Enero 11 para makipagpulong kay Ferdinand Marcos Jr. - 33 -
Nailigtas sa parusang pagbitay si Veloso noong 2015 dulot ng paggigiit ng mamamayang Pilipino. Nananatili siyang nakapiit sa Jakarta, Indonesia sa kabila ng pag-usig sa mga iligal na rekruter niya at matagal nang panawagang palayain siya. “Dapat siyang bigyan ng clemency at kalayaan at dapat nang pauwiin ngayon, makapamuhay at makatulong sa kanyang dalawang anak at tumatanda nang mga magulang,” ayon sa Migrante International. Suportado ng grupo ang nakatakdang paghahatid ng sulat-apela ng magulang ni Veloso kay Marcos at Widodo. Ipagdiriwang ni Mary Jane ang kanyang ika-39 kaarawan sa Enero 10. Nanawagan din ang Migrante International na harapin ng dalawang pangulo ang pamilya Veloso. Kung mapagbibigyan at mapalalaya si Veloso, isa umano itong malaking regalo at magdudulot ng labis na ligaya sa mga migranteng Pilipino at sa sambayanan. “Umaalingawngaw ang kwento ni Mary Jane sa mga migrante at mamamayang Pilipino,” pahayag ng Migrante International. Idiniin ng grupo na ang kaso ni Mary Jane, sampu ng iba pang mga migrante, ay dulot ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas. Pumapatong pa umano dito ang pagsasamantala ng mga indibidwal na rekruter na nambibiktima sa mahihirap at desperadong makapagtrabaho na mga Pilipino. - 34 -
6-buwang sanggol, pinaslang ng mga pwersa ng estado sa India Enero 10, 2024 Kinundena ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam), grupo sa India, ang pagpaslang ng mga pwersa ng reaksyunaryong estado ng India sa isang 6-buwang sanggol sa Mutvendi, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 1. Ayon sa ulat, pinalalabas ng mga pwersa ng estado na nagkaroon ng “engkwentro” sa mga gerilyang Maoista nang mapaslang ang bata, bagay na pinasinungalingan ng mga residente. Ayon sa pahayag ng Facam, nagpapasuso si Massi Vadde sa kanyang 6-buwang sanggol nang biglang mamaril ang mga pwersang panseguridad ng India sa magubat na bahagi ng Mutvendi. Tumagos sa kamay ni Massi Vadde ang bala na tumama at pumatay sa kanyang sanggol. Giit ng ama ng sanggol, walang katotohanan ang sinasabi ng mga pulis na nagkaroon ng engkwentro sa kanilang komunidad. Ito rin ang pare-parehong pahayag ng mga residente ng komunidad, ayon sa Facam. Sinabi rin ng Communist Party of India (Maoist) West Bastar Division sa isang pahayag sa midya sa India na wala itong nakaengkwentrong yunit sa naturang komunidad. Ayon sa kalihim ng dibisyon ng CPI (Maoist) na si Mohan, inatake ang komunidad dahil sa kanilang pagtutol sa - 35 -
militarisasyon at pagpasok ng mga korporasyon sa kanilang lugar. Kasuklam-suklam na tatlong araw pa lamang ang bagong-tayong kampo ng mga pulis sa Kavadgaon (malapit sa Mutvandi) ay pumatay na sila ng isang sanggol, ani Mohan. Isa ang kampo ng mga pulis dito sa tatlong kampong itinayo sa distrito ng Bijapur noong Disyembre 2023. Nagtayo rin ng mga kampo sa Palnar at Dumriparalnar. Ang pagtatayo ng mga kampo ay sabwatan sa pagitan ng mga korporasyon at ng Brahmanical Hindutva na pasistang gubyerno para gawing isang malaking kampo ng pulis ang distrito ng Bijapur at palayasin ang mga lokal na residente. Kasalukuyang nagtatayo ng daan sa pagitan ng Kavadgoan at Mutvandi na sasagasa sa mga sakahan, kagubatan at lupaing pag-aari at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente. “Itinatayo ang mga kampo ng pulis, tulay at daanan sa lupa ng mga katutubo nang walang pahintulot ng mga residente o pagsasagawa ng mga gram sabha (asembleya ng mga lokal),” ayon pa kay Mohan. Walang-tigil na panggigipit naman ang kinahaharap ng grupong Moolwasi Bachao Manch, namumuno sa 35 kilusan laban sa pagtatayo ng mga kampo, malalaking daan, pekeng engkwentro at iba pa, mula sa mga pwersa ng estado ng India. Ayon sa Facam, “marami sa mga lider ng mga kilusang ito ang inaaresto sa pagdadahilan na sila ay mga Naxalite (katawagan sa mga Maoista sa - 36 -
India) para supilin ang kanilang demokratikong kilusan laban sa pangangamkam ng lupa at pagwasak sa Jal-Jungle-Jameen (Tubig-Gubat- Lupa).” Samantala, ibinalita ng Facam na inilibing na ng kaanak ang 6-buwang sanggol noong Enero 6. Charter change, muling pinabubwelo ng pangkating Marcos Enero 10, 2024 Tusong inilulusot ng mga kongresistang alyado ng rehimeng Marcos Jr ang pakanang charter change o pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng “people’s initiative” o pagkalap ng mga pirma para rito. Ibinunyag ng mga progresibong kongresista ng blokeng Makabayan ang paglipana ng gayong pakana sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pangunahing laman ng petisyon ang pagsingit ng probisyon kung saan maaaring ipasa ang anumang amyenda sa konstitusyon sa pamamagitan ng pagboto ng 3/4 ng pinagsanib na Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ibig sabihin, boboto bilang isang kapulungan ang lahat ng mga senador at kongresista, at bawat senador at kongresista ay may tig-iisang boto. Ayon sa dating kinatawan ng Bayan Muna na si Neri Colmenares, epektibong tatanggalin ng probisyong ito ang “checks and balance” sa pagitan ng mga institusyon ng estado na nakasaad sa konstitusyon. Labag din ito sa bicameral na katangian ng gubyerno ng Pilipinas. Gagawin - 37 -
nitong “tagamasid” lamang ang Senado sa proseso ng pagbabago ng konstitusyon dahil mas marami ang mga myembro ng Mababang Kapulungan. Pantay ang awtoridad ng Kongreso at Senado sa pagpasa ng mga batas, kahit malayong mas maliit ang bilang ng mga senador. Ilang dekada nang nagtatangka ang bawat naghaharing pangkatin na nakaupo sa poder na baguhin ang konstitusyon para palawigin ang sarili sa pwesto (term extension), palabnawin ang mga probisyong nangangalaga sa karapatang-tao at lubusang tanggalin ang natitirang probisyong nagpuprotekta sa lokal na ekonomya laban sa dayuhang pandarambong. Matagal nang itinutulak ng American Chamber of Commerce ang pagbabago sa konstitusyon. Hindi kaiba ang rehimeng Marcos Jr na una nang nagtangkang maglusot ng charter change noong nakaraang taon. Hindi bumwelo ang panukala dahil sa oposisyon dito ng mga senador. Unang ibinunyag ni Rep.  Lagman ang tusong pakana ng mga kongresistang kaalyado ni Marcos noong Enero 7. Napag-alaman niya na nagpatawag ng pulong ang League of Mayors sa Albay noong Enero 5. Dito binigyan ng pondo ang mga meyor para mangalap ng pirma ng di bababa 3% rehistradong botante sa kani-kanilang mga distrito. Bibigyan ang sinumang pipirma ng ₱100. Bago nito, inianunsyo ni House Speaker Martin Romualdez ang “intensyon” ng Kongreso na baguhin ang konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative. Kinwestyon ni Lagman, gayundin ng blokeng Makabayan ang pagsingit ni - 38 -
Romualdez at kanyang mga kasapakat ng dagdag na ₱12 bilyon sa dating ₱2 bilyong badyet ng Commission on Elections (Comelec) na aniya’y may kaugnayan sa planong pagratsada sa charter change ngayong taon. Imbestigasyon ng ICC kay Duterte, maaring tapos na Enero 10, 2024 Pinaniniwalaang tapos na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga kasong krimen laban sa sangkatauhan ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Ibig sabihin, maaari na itong maglabas ng mandamyento de aresto anumang oras sa hinaharap. Ito ang paniniwala ni dating Rep.  Neri Colmenares, sang-ayon sa ibinunyag ng kapwa niya abugado na si Atty. Kristi Conti at ng dating senador na si Antonio Trillanes. Bago pa nito, umugong na ang balitang tahimik na pumasok sa Pilipinas noong nakaraang taon ang mga imbestigador ng korte para kapanayamin ang susing mga saksi sa kaso. Hindi ipinaalam ang kanilang presensya sa gubyerno ni Ferdinand Marcos Jr dahil dati na itong nagpahayag na hindi ito makikipagtulungan sa ICC. Ayon kay Trillanes, halos tapos na rin ang imbestigasyon sa sekundaryong mga personalidad na pinangalanan ng korte. Kabilang sa mga ito ang bise presidente na si Sara Duterte. Nagpahayag ng kawalang-alam ang Department of Justice sa presensya ng mga imbestigador. - 39 -
Gayunpaman, nagbukas ang kagawaran noong nakaraang taon para “makinig” sa resolusyong inihapag sa Kongreso para imbestigahan ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa. Lubos itong ikinagalit ng dating presidente at kanyang mga kasapakat. “Sang-ayon ako (kay Trillanes) dahil malakas ang ebidensya at ilang taon na ring gumugulong ang imbestigasyon,” ani Colmenares ngayong araw, Enero 10. “Naniniwala kaming malakas ang kaso at malinaw na kailangang mayroong mananagot.” Sina Colmenares at Conti ay parehong mga abugado ng mga pamilyang nagsampa ng kaso sa ICC. Oplan sabit, inilunsad sa Antipolo para sa anibersaryo ng Partido Enero 10, 2024 Matagumpay na naglunsad ng oplan sabit ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) -Rizal upang magbigay-pugay sa ika-55 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido at unang anibersaryo ng pagkamatay ng dakilang guro na si Jose Maria Sison sa Antipolo City noong Enero 9. Sa pangunguna ng rebolusyonaryong kabataan, magsasaka, at maralita, masigasig na inaral ng mga lumahok sa aktibidad ang moda at padron ng mga rumorondang pulis at militar sa paligid upang masinsin na maisabit ang kanilang mga balatengga. - 40 -
Matagumpay na naisagawa ang mabilisang pagsasabit ang mga balatengga sa isang tulay sa Lumang Palengke, Antipolo City sa tabi ng Robinsons. Pinili ito ng mga kasama dahil maraming sasakayan ang dumadaan dito. Kitang- kita dito ang tingkad ng guhit ng mukha ni Ka Joma at mensaheng parangal sa Partido na makasining na nilikha ng mga rebolusyonaryo ng Rizal. Samantala, sa tabing ng kawayanan ay naglunsad ng pagtitipon ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)- Rizal noong huling linggo ng Disyembre 2023 para ipagdiwang ang anibersaryo ng Partido. Kasama nilang nagdiwang ang ilang mga kasapi ng mga rebolusyonaryong organisasyon. Naglunsad ng parangal, mga talumpati at pangkulturang pagtatanghal sa naturang pagtitipon. Nagsindi rin ng sulo ang mga mandirigma bilang simbolo ng tanglaw ng mga aral ni Ka Joma at mga nabuwal na martir ng Partido at hukbong bayan sa nagdaang mga taon. Ang mga pagkilos na ito ay patuloy na pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya sa pamumuno ng PKP-Rizal. “Sa mas mahigpit na pagtangan sa prinsipyong Marxismo- Leninismo-Maoismo at pagyakap sa digmang bayan, patuloy na pamumunuan ng komite ng Partido sa prubinsya ang pambansa- demokratikong pakikibaka sa lalawigan hanggang sa tagumpay,” ayon sa PKP-Rizal. - 41 -
Pagbaba ng tantos ng implasyon, walang epekto sa mahihirap Enero 12, 2024 Walang epekto sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang sinasabing pagbaba ng tantos ng implasyon o pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba mula 4.1% noong Nobyembre tungong 3.9% ang tantos ng implasyon noong Disyembre. Gayunpaman, tumaas ang implasyon para sa 30% pinakamahihirap na pamilya, mula 4.9% noong Nobyembre tungong 5% noong Disyembre. Ayon sa paghihimay ng grupong Ibon Foundation, bagamat bumaba ang pangkahalang tantos ng implasyon sa pagkain (food inflation) mula 5.7% tungong 5.4%, umabot naman sa napakataas na 19.6% ang implasyon sa bigas (rice inflation)— walang kapantay sa nakaraang 14 taon. Para sa pinakamahihirap na pamilya, nasa 21.4% ang implasyon sa bigas. Patunay ito na walang epekto para sa mahihirap na Pilipino ang mga patakaran ng gubyerno laban sa mataas na tantos ng implasyon, pagsusuri ng Ibon. Ang seksyong ito ng populasyon ang pinakaapektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. “Halimbawa, limang taon matapos ipasa ang Rice Liberalization Act, hindi nanatiling mababa ang presyo ng pinakabatayang pagkain ng bansa, taliwas sa pangako ng gubyerno na (ito) ang - 42 -
pangunahing benepisyo ng liberalisasyon,” ayon sa grupo. Pinuna nito na tumaas pa ang presyo ng bigas na nasa ₱48-₱54 kada kilo sa ngayon, kumpara sa ₱43.86 abereyds na presyo nito noong Agosto 2018. “Sampal sa milyong Pilipino na hirap makakain na ipinagmamalaki at itinutulak pa rin ng gubyerno ang importasyon sa kabila ng kabiguan nitong kontrolin ang implasyon,” anito. Kampanya para sa charter change, mariing kinundena ng mga grupong pambansa-demokratiko Enero 13, 2024 Mariing kinundena ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ang tangkang baluktutin ang kasaysayan sa isang patalastas na ipinalalabas ngayon sa mayor na mga network ng telebisyon. Sa patalastas na ito, minaliit at siniraan ang Pag- aalsang Edsa noong 1986 at isinisi sa Konstitusyong 1987 ang mga kinakaharap na problema ng Pilipinas sa ngayon. “Ang mga usaping kinakaharap ng bansa matapos ang 1986 ay walang kinalaman sa Konstitusyon kundi mas sa tipo ng sistemang pinaghaharian ng mayayaman at mga dayuhan na namamayani hanggang sa ngayon,” pahayag ng Bayan sa noong Enero 10. Tinukoy ng grupo bilang mga problema ang paghahari pa rin ng malalaking panginoong maylupa, kurakot na burukrata, mga dinastiya sa pulitika at dayuhang panghihimasok. - 43 -
Dagdag ng grupo, ang nais itulak na pagbabago sa Konstitusyong 1987 ay walang pakay na lutasin ang mga problemang ito, kundi dahil pa sa pagpapalakas sa interes ng naghaharing uri na matagal nang nagpapanatili sa Pilipinas na mahirap at di maunlad. “Ang mga nagtutulak ng charter change ay yaong nakabenepisyo na sa mga patakarang neoliberal sa ekonomya, na balak palawakin pa sa pamamagitan ng charter change,” ayon sa grupo. “Magbebenepisyo dito ang malalaking negosyo at burukrata-kapitalistang nandarambong sa ating mga rekurso.” Kasabay ng pag-ere ng patalastas ang paglaganap ng isang petisyon para sa charter change na pinapipirmahan ng mga meyor sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Layunin nitong mangalap ng mga pirma sa balangkas ng “people’s initiative” para magsingit ng isang probisyon para maging mas madali ang pagbabago sa konstitusyon. Alinsunod sa batas, kailangang makakalap ng mga pirma ng 3% ng mga botante sa kada distrito para magkaroon ng bisa ang petisyon. Ayon sa mga balita, binabayaran ng tig-₱100 ang sinumang pipirma sa petisyon. Sa Visayas, nakatanggap ang Bayan-Negros ng mga ulat na pinapipirma ang mga botante kapalit ng pondo ng programang TUPAD o AICS. Anito, pinopondohan ng meyor ng Bacolod na si Albee Benitez ang kampanya sa pagpapapirma, gamit ang mga upisyal ng barangay at purok. Inoobliga umano ang mga ito para abutin ang “kota.” - 44 -
Pinangangakuan ang mga pipirma ng mga “benepisyo” ng kampanya at hindi malinaw na ipinaliliwanag ang layunin ng petisyon. Ayon sa grupo, mayorya ng mga pumirma ay hindi nakaaalam na charter change na ang kanilang sinang-ayunan. Dagdag-singil ng PhilHealth, pinababasura ng mga OFW Enero 15, 2024 Nanawagan kahapon ang Migrante International para sa kagyat na pagbabasura ng dagdag-singil ng Philippine Health Insurance Corp.  (PhilHealth) ngayong taon. Nakatakdang itaas mula 4% tungong 5% ang sisingilin ng ahensya sa sahod ng mga overseas Filipino workers at migranteng Pilipino, na nangangahulugan ng pagtaas mula ₱500 hanggang ₱5,000 na kaltas sa mga sumasahod ng ₱10,000 hanggang ₱99,999.00 kada buwan. Tinawag ito ng Migrante bilang “dagdag na namang pahirap sa mga OFW.” “Dapat alam ng rehimeng Marcos Jr na habang itinataas nito ang singil (ng PhilHealth), tigil ang sahod ng karamihan ng mga OFW at nahaharap sila sa tumataas na cost of living at upa,” ayon sa grupo sa pahayag nito noong Enero 14. Hindi rin sila sang-ayon sa pahayag ng presidente ng ahensya na “maliit na halaga” lamang ito sa kanila, lalupa’t “ramdam na ramdan” naman diumano ng mga OFW ang mga “benepisyo” ng PhilHealth. - 45 -
“Ang totoo, walang pakinabang ang mga OFW sa PhilHealth dahil saklaw lamang nito ang Pilipinas. Kung nagkasakit o nangangailangan ng atensyong medikal ang mga OFW sa ibang bansa, kinakaharap nila ang matataas na bayarin at gastos at nagagawa nilang makaalpas dahil sa mga seguro na pinagbabayaran nila,” ayon sa grupo. Sa Pilipinas naman, kadalasan mayroon lamang silang isa o dalawang benepisyaryo. “Simpleng pangingikil ng gubyerno ang paniningil ng PhilHealth,” anito. Patunay umano ito na ginagawa lamang ng gubyerno na palabigasan ang mga OFW, lalupa’t pinagkakaitan sila ng mga serbisyo ng estado. Idiniin ng grupo na batayang karapatan ang serbisyong pangkalusugan, at na dapat bahagi ito ng mga serbisyo ng gubyerno. Itinakwil nito ang pagdadahilan ng gubyerno na wala na itong pondo para sa mga serbisyong panlipunan lalupa’t naglipana ang mga kaso ng korapsyon at pandarambong sa pondo ng bayan, kabilang sa PhilHealth. Mga estudyante at guro sa India, nagprotesta laban sa kontra- insurhensyang operasyon SAMADHAN- Prahar Enero 15, 2024 Nagtipun-tipon ang mga estudyante at guro ng Delhi University sa kampus nito sa Delhi, India noong Enero 10 sa pangunguna ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam) para magprotesta laban sa kontra-insurhensyang - 46 -
operasyong SAMADHAN-Prahar. Tinuligsa nila ang ang kampanyang ito ng rehimen ni Naendra Modi, na pangunahing tumatarget sa mga sibilyan at hindi armadong rebolusyonaryo ng Communist Party of India (Maoist). Ayon sa Facam, pinatindi ng operasyon SAMADHAN-Prahar ang militarisasyon sa mga komunidad ng mga Adivasi (katutubo) sa India para bigyan-daan ang pandarambong sa likas na yaman ng mga kagubatan at lupa ng mga Adivasi. Ayon sa grupo, sunud-sunod ang plano ng reaksyunaryong estado para papasukin ang mga operasyong mina, at mga proyekto ng mga korporasyon sa mga rehiyong ito. “Ipinaiilalim sa militar ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagtatayo ng maramihang mga kampong paramilitar at pagpapakat ng libu-libong mga pwersang paramilitar…sa ngalan ng kontra- Maoistang mga operasyon,” ayon pa sa Facam. Sa datos ng grupo, mayroong hindi bababa sa 195 kampong paramilitar ang itinayo sa limang taon ng pagpapatupad ng estado sa operasyong SAMADHAN-Prahar. Nagbigay ng talumpati sa naturang protesta ang mga propesor ng Delhi University na sina Dr. Jitendra Meena, Dr.  Saroj Giri at Dr.  Nandita Narain. Kinundena nila ang pang-aagaw ng lupa ng mga Adivasi sa Kaimur, Chhattisgarh na planong gamitin ng estado para sa pangangalaga ng mga tigre. Nanawagan din sila ng hustisya para sa 6-buwang sanggol na pinaslang ng mga pwersa ng estado sa Bijapur, Chhattisgarh noong Enero 1. - 47 -
“Saan pupunta ang mga magsasakang Adivasi, anong mangyayari sa kanilang buhay? Walang may alam.” pahayag ni Dr.  Meena sa harap ng napakaraming kaso ng pagpapalayas sa mga katutubo mula sa kanilang lupain. Ikinumpara naman ni Dr.  Giri ang nararanasan ng mga Adivasi sa ginagawang maramihang pagpapalayas at henodisyo sa mamamayang Palestino ng estado ng Israel na suportado ng US. Tulad sa Palestine, aniya, “ang pakikibaka ng mamamayan [ng India] laban sa militarisasyon at pandarambong ng mga korporasyon ay pakikibaka para sa kanilang buhay na nakatali sa kanilang mga lupa.” Nagbigay din ng talumpati ang iba pang mga grupong dumalo sa protesta. Nagtanghal din ng awit ang mga estudyante at aktibista na tumalakay sa paglaban sa pagpapalayas sa mga Adivasi. Yunit ng 96th IB, binulabog ng BHB- Masbate Enero 15, 2024 Pinatamaan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang nag-ooperasyong tropa ng 96th sa Sityo Lantawan, Barangay Gangao,Baleno, Masbate noong Enero 13. Nabulabog ang naturang yunit militar at kagyat na itinago ang kanilang kaswalti upang pagtakpan ang kahihiyan. - 48 -
Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB- Mabaste, ang armadong opensiba ay bahagi ng kanilang pagsisikap na kamtin ang hustisya para sa mga biktima ng abusong militar at ipagtanggol ang mamamayan laban sa nagpapatuloy na paghaharing militar sa prubinsya. Kabilang sa tinutukoy ni Ka Luz ang 24 na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Masbate sa ilalim ng rehimeng US-Marcos. Labis din ang galit ng mga residente sa pamalagiang pagkakampo ng mga kontra-insurhensyang yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga eskwelahan sa prubinsya. Inireklamo maging ng ilang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) -Masbate ang patuloy na panghihimasok ng militar sa mga eskwelahan para mangrekrut at pwersahin ang mga estudyanteng ipinagpapalagay nilang naninirahan sa mga erya ng hukbong bayan na magbigay ng impormasyon. Ayon pa sa mga ulat, ilang mga estudyante na ang hindi makapasok sa eskwela dulot ng takot sa presensya ng militar. Isang residente rin ng Barangay Gangao ang nagpabatid ng kanyang reklamo at pagkadismaya sa armadong pwersa ng estado sa pamamagitan ng post sa social media noong nakaraang linggo. Aniya, “nilagay po kayo [yunit ng militar] dito para magpasimula ng katahimikan, kaayusan at kapayapaan…hindi po para kayo ang magsimula ng pangamba at takot ng mamamayan.” Pagsisiwalat niya, ang yunit militar na nakatalaga sa kanilang barangay ay nagpasimuno ng mga - 49 -
inuman sa loob at labas ng kampo at kung malalasing ay nagpapaputok ng baril at nanggugulo sa mga residente. Inireklamo rin niya ang prostitusyon sa loob ng mismong kampo ng militar. “Tapos palalabasin ninyo na may nakita kayong kalaban ninyo?” aniya. Kinwestyon niya ang isang pangyayari kung saan hindi lumalabas sa kampo ang mga sundalo at bastang nagpapasabog at nagpapaputok ng baril nang hindi tiyak kung sino ang matatamaan. “Obligasyon ninyong protektahan ang taumbayan, hindi magpapakawala kayo ng pasabog at putok ng baril na mula sa kampo niyo,” himutok niya. Kinundena niya rin ang pambababae, kahit na mga dalagita, ng mga sundalo. “At nagdadala pa kayo sa kampo ninyo ng mga bayarang babae, tama po ba iyan?” aniya. Pahayag ni Ka Luz, ang kanilang armadong aksyon ay nagpapakita ng determinasyon ng hukbong bayan na ipagtanggol ang masa mula sa kamay ng mga berdugo. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mamamayang Masbatenyo sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kanilang tunay na hukbo at papel sa naging operasyong haras laban sa 96th IB. Kaanak ng bilanggong pulitikal sa Quezon, umapela sa korte Enero 16, 2024 - 50 -
Naghain ng apela ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at ama ng bilanggong pulitikal na tagapagtanggol ng karapatang-tao na si Alex Pacalda sa Court of Appeals sa Maynila noong Enero 10. Layunin ng apela na muling buksan ang kaso at baligtarin ang hatol na maysala sa kasong illegal possession of firearms and explosives. Iginiit ni Pacalda na gawa-gawa ang mga kasong ito. Inilabas ng Lucena City Regional Trial Court Branch 56 ang naturang hatol noong Marso 15, 2023. Pinatawan si Pacalda ng 10 taon na pagkakakulong para sa illegal possession of firearms, habang reclusion perpetua o habambuhay na pagkapiit sa diumanong paglabag niya sa batas sa mga eksplosibo. Ang desisyon ay inilabas ni Judge Salvador Villarosa Jr, na itinalaga ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Inaresto si Pacalda noong Setyembre 14, 2019 sa Barangay Magsaysay, Gen.  Luna, Quezon ng mga pwersa ng 201st IBde. Nasa konsultasyon si Pacalda sa masang magsasakang biktima ng militarisasyon nang dakpin siya. Matapos ang iliga na pag-aresto, ipinailalim si Pacalda sa mental at pisikal na tortyur. Hindi siya pinakain at pinatulog nang halos 30 oras para pwersahin siyang “umamin” na myembro siya ng Bagong Hukbong Bayan. Pinilit siyang papirmahin sa isang “dokumento ng pagsuko.” Ginipit din ng militar ang kanyang pamilya at pinapirma ng kung anu-anong dokumento bilang “patunay.” - 51 -
Kasamang ng ama ni Pacalada sa paghain ng petisyon ang mga kaibigan at tagasuporta ni Alex at ang grupong Free Alex Pacalda Network. Ayon sa grupo, ang paghahain ng apela ay hindi lamang paghamon sa desisyon ng korte sa Lucena City kundi pagharap nila sa mas malaking sistemang paulit-ulit na nagsasantabi sa maliliit na mamamayan at ginagamit na instrumento para sa pampulitikang panunupil. “Naniniwala kaming ang laban para sa kalayaan ni Alex Pacalda ay hindi mahihiwalay sa mas malaking pakikibaka para sa karapatang-tao, dignidad ng mga inaapi,” ayon pa sa kanila. Hinimok nila ang lahat ng mga tagapamandila ng hustisya at nagtataguyod sa karapatang-tao na makiisa sa mahalagang laban na ito. Magsasaka sa Negros Occidental, nakaligtas sa pamamaril ng 62nd IB Enero 16, 2024 Pinagbabaril ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Cerilo Bagnoran Jr habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at bumabyahe sa Crossing Cordova, Barangay Manghanoy, La Castellana, Negros Occidental. Pinara siya ng tatlong elemento ng 62nd IB Charlie Company sa Crossing Cordova bago pinaulanan ng bala. Pauwi sana si Bagnoran sa kanyang bahay galing sa trabaho nang pagbabarilin ng mga sundalo. Siya ay trabahante sa isang tubuhan. Bagaman nakaligtas sa pamamaril, labis na takot at troma - 52 -
ang idinulot sa kanya at kanyang pamilya ng naturang insidente. Bago pa ang bigong pagpatay, hinanap na si Bagnoran ng mga nagpakilalang elemento ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 7 sa kanyang komunidad. Noong Enero 8, pinaghahahanap siya ng 24 sundalo ng 62nd IB na noo’y nag-ooperasyon sa Sityo Mandayao-4, Barangay Kamandag, La Castellana. Samantala, hindi rin nakaligtas sa brutalidad at terorismo ng estado ang pamilyang Carreon sa Sityo Bonbon, Barangay Hinakpan, Guihulngan City. Sapilitang pinasok at niransak ng may 40 tropa ng 62nd IB ang bahay ng pamilya noong Enero 14 ng umaga. Labag sa batas na pinaghahalungkat ng mga sundalo ang kagamitan ng pamilya at hinanap si Bimbo Carreon, ang may- ari ng bahay. Nagdulot ng takot sa pamilya, laluna sa mga bata, ang atakeng militar. Ang taktikang ito ng 62nd IB ay nakabalangkas sa kampanyang kontra-insurhensyang ipinatutupad ng rehimeng US-Marcos. Imbes na makipagsagupaan sa mga yunit ng hukbong bayan, tahasang tinatarget ng militar ang mga magsasakang sibilyan, na lubhang labag sa internasyunal na makataong batas at mga alituntunin ng digma. Ipinahayag ng 3rd ID noong Disyembre 2023 na plano nitong “durugin” at ideklarang “insurgency- free” ang buong isla ng Negros sa unang kwarto ng 2024, dedlayn na ilang beses na nitong inusog. Kaugnay nito, nauna nang nagbabala ang Bagong - 53 -
Hukbong Bayan (BHB)-Negros na mangangahulugan ito ng pagpapalawig ng militarisasyon sa mga komunidad sa buong isla. Mga magsasaka ng Lupang Ramos sa Cavite, sinisindak ng militar Enero 16, 2024 Pinasok ng limang elemento ng Philippine Army Scout Ranger lulan ng isang trak ng militar ang komunidad ng Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite noong Enero 15. Binatikos ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (Kasama-LR) ang pagpasok ng mga sundalong may dalang matataas na kalibre ng armas sa kanilang komunidad. Anila, paninindak at panggigipit sa mga residente at magsasaka ang pakay ng mga ito. Ayon sa ulat ng Kasama-LR, hindi awtorisadong pumasok ang mga sundalo at nang komprontahin ay nagkasa ng baril ang isa sa kanila para takuhin ang mga magsasaka. “Ito ay isa lamang sa serye ng mga pagtatangkang pagpasok ng militar at kapulisan sa komunidad ng Lupang Ramos at ang serye ng red-tagging sa mamayan at magsasaka ng aming komunidad,” ayon pa sa grupo. Sa pamumuno ng Kasama-LR, nakikibaka ang mga magsasaka ng Lupang Ramos para sa kanilang karapatan sa 372 ektaryang lupain na pag-aari ng mga lehitimong magsasaka at mamamayan sa komunidad. Inaagaw ang lupa ng Na tional Grid Corporaton of the Philippines’ (NGCP) na nais - 54 -
magtayo ng mga poste ng kuryente sa lupa simula pa 2014. Mag-iisang dekada na ang pakikibaka ng mga magsasaka ng Lupang Ramos para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Hanggang sa kasalukuyan ay nilalabanan nila ang pang-aagaw sa pamamagitan ng mga kampanyang barikada at sama-samang bungkalan. Giit ng Kasama-LR, patuloy silang lalaban para sa kanilang karapatan sa lupa. Dapat umanong patuloy na biguin ng mga magsasaka ang panggigipit at panghaharas ng mga sundalo dahil lantaran itong paglabag sa kanilang mga karapatan at nagsasapanganib sa kanilang buhay at kaligtasan. Paglabag sa internasyunal na makataong batas ng AFP sa kampanyang aerial bombing, binatikos Enero 16, 2024 Binatikos ng grupong International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) ang lansakang paglabag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internasyunal na makataong batas (IHL) sa paglulunsad nito ng labis-labis at superyor na lakas na mga pag-atake at kampanyang aerial bombing laban sa maliit at mahihinang istruktura ng mga kampo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). “Mahigpit na kinukundena ng ICHRP ang disproportionate na paggamit ng armas ng 403rd - 55 -
IBde, 4th ID ng AFP sa aerial bombing nito noong Disyembre 25 hanggang Disyembre 26, 2023 sa Malaybalay City, Bukidnon,” ayon kay Peter Murphy, chairperson ng koalisyon. Giit niya, ipinakikita nito ang lantarang kawalang respeto ng AFP sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas. Ayon sa paunang ulat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Bukidnon, naghulog ng apat na bomba ang Tactical Air Wing ng 4th ID sa isang temporaryong kampo ng hukbo sa Barangay Can-ayan, Malaybalay City. Dalawang araw matapos nito, muli itong nambomba sa Sityo Bagong Lipunan, Barangay Linabo sa bayan ng Quezon. Labis-labis at walang patumangga ang paghuhulog ng ilang 250-libras na bomba, na naghasik ng teror sa mamamayan ng Bukidnon. Napaslang sa pambobomba sa Malaybalay City ang 10 indibidwal na nasa kampo noon ng BHB. Sa ulat, nagkalasug-lasog ang katawan ng mga tinamaan dahil sa labis-labis na lakas ng mga bombang ginamit ng AFP. Gumamit din ang AFP ng mga kanyong ATMOS 2000 na binili pa nito sa Israel. Ang paggamit ng malalakas na bomba ay “likas na indiscriminate” o walang pinipili, nagsasapanganib sa buhay at kabuhayan ng mga sibilyan at nagdudulot ng malawak na pagkawasak sa kapaligiran. Sa katotohanan, lagpas sa ground zero ang epekto ng pambobomba ng AFP mula sa ere. Winasak nito ang kapayapaan, nagdulot ng malawak na takot, panic at troma sa mga residente sa kalapit na mga komunidad at - 56 -
winawasak ang kagubatan na pinagkukunan nila ng pagkain at kabuhayan. Liban dito, binatikos ng ICHRP ang naganap ang pag-atake at walang habas na pamamaril ng 59th IB sa yunit ng hukbong bayan sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas noong Disyembre 17, 2023. Napatay dito ang limang Pulang mandirigma at dalawang sibilyan na sina Pretty Sheine Anacta (19) at si Rose Jane Agda (30). Dumadalaw ang dalawa sa kanilang kaanak na Pulang mandirigma ng BHB nang paslangin. Ayon sa nakalap na ulat ng BHB, hinimatay si Pretty Sheine sa unang bugso ng pamumutok ng mga pasistang tropa, bago siya tuluyang pinatay ng militar. Kasuklam-suklam naman ang sitwasyon ni Rose Jane nang makita ang bangkay niya sa punerarya kung saan nakababa ang pantalon nito, palatandaang pinagsamantalahan siya. Samantala, dinakip at hanggang ngayon ay hindi pa inililitaw ng militar ang sugatang mandirigma na si Baby Jane Orbe (Ka Binhi). Sang-ayon sa mga panuntunan ng internasyunal na makataong batas, dapat kilalanin ang kanyang mga karapatan ng katunggaling armadong pwersa. “Sa paggamit nito ng labis-labis na lakas at paghahasik ng lagim sa lokal na mga magsasaka sa mga opensibang ito, nilabag ng AFP ang IHL at nagpamalas ng lantarang pagbalewala sa kagalingan ng mamamayan,” ayon pa kay Murphy. Dagdag pa niya, higit na nakagugulantang ang mga paglabag na ito sa alituntunin ng digma - 57 -
kasunod ang kamakailang indikasyon ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) na muling makipagnegosasyon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na kumakatawan sa 18 rebolusyonaryong mga organisasyon kabilang ang BHB. Binigyang diin ni Murphy na ang brutal na mga pag-atakeng ito sa kanayunan ay bahagi ng kontra-insurhensyang estratehiya ng rehimeng US-Marcos na gumagamit ng sapilitang pagbabakwit, pag-hamlet at rekonsentrasyon ng mga komunidad, peke at sapilitang pagpapasuko sa mga sibilyan, arbitraryong pag-aresto, mga pagdukot at desaparesido, tortyur at ekstra- hudisyal na mga pagpatay. “Sa harap ng brutalidad na ito ng AFP sa gera nito laban sa BHB, pinagtitibay ng ICHRP ang suporta sa panawagan ng mamamayang Pilipino para sa tunay na solusyon sa armadong tungglian sa pagtugon sa mga ugat nito kabilang ang malawakang kahirapan, kawalan ng trabaho at mga industriya, at ang hindi patas na pamamahagi ng lupa,” pahayag pa ni Murphy. Aerial strikes ng US at UK sa Yemen, kinundena ng ILPS-US Enero 17, 2024 Mariing kinundena ng International League of Peoples’ Strugles-US ang pag-atake ng imperyalismong US at kasapakat nitong United Kingdom sa bansa at mamamayang Yemen. - 58 -
“Naninindigan kami para sa karapatan ng mamamayang Yemeni, hindi lamang para depensahan ang kanilang lupa, kundi pati sa kanilang karapatan na tulungan ang mamamayang Palestino, na pareho nilang nagtatanggol sa kanilang lupa,” ayon sa pahayag ng ILPS-US noong Enero 13. Gamit ang mga eroplanong pandigma at kanyon na nakalagay sa mga warship, binomba ng US ang 60 target sa 16 lugar noong Enero 11. Ayon sa ILPS, nagsimula ang pag-atake ng US nang paputukan nito ang mga barkong Yemeni sa Red Sea na inakusahan nitong “nangho-hostage” ng mga komersyal na barko sa Bab al-Mandab Strait na matatagpuan sa hilagang bahagi ng naturang karagatan. Pinabulaanan ito ng gubyernong Yemeni, sa pagsabing tinatarget lamang nito ang mga barkong papunta sa Zionistang Israel bilang ambag sa pagpinsala sa war machine nito at ambag sa pakikibakang Palestino. “Walang pinsalang dala ang mga hakbang ng Yemen sa mamamayan o ari-arian, habang ang mga pambobomba ng US ay pumatay na ng 15 katao at nangwasak ng imprastruktura,” ayon sa grupo. Gayundin, nagdulot ang mga pambobombang ito ng malawakang pagkaalarma sa buong bansa na malaon nang lugmok sa pinakamalalang makataong krisis sa buong mundo dulot ng walang awat na pambobomba rito ng US, Saudi Arabia at United Arab Emirates mula pa 2014. Ayon sa United Nations, umaabot sa 21 milyong Yemeni o - 59 -
2 /3 ng populasyon ang nakaasa sa makataong ayuda para mabuhay. BHB-Sorsogon, naglinaw sa serye ng mga engkwentro noong Enero 14 Enero 17, 2024 Pinasinungalingan ng Bagong Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon ang ilan sa mga pahayag ng 31st IB kaugnay ng pinalalabas nitong naganap na serye ng engkwentro sa prubinsya noong Enero 14. Ayon sa yunit, ang ilan sa mga engkwentro at pinalalabas na nasamsam na kagamitang militar ay pawang kasinungalingan. Giit ng Pulang hukbo, walang katotohanan ang inianunsyong bakbakan ng 31st IB at yunit nito sa Barangay De Vera, Donsol noong Enero 14 ng alas-6 ng umaga. Walang yunit ng BHB-Sorsogon sa naturang lugar kaya imposible ang sinasabing engkwentro. Pawang itinanim na mga ebidensya ang sinasabing nasamsam na mga armas, magasin at iba pang kagamitang militar sa lugar, ayon pa sa yunit. Samantala, iginiit ng yunit na walang nakumpiska o nasamsam na kahit anong armas sa engkwentrong naganap sa Barangay Sangat, Gubat sa Sorsogon mga dakong alas-2:45 ng hapon sa araw na iyon. Hindi rin umano totoo ang pagsuko ng dalawang Pulang mandirigma ng hukbong bayan sa Barangay San Isidro, Bulusan sa 22nd IB. Ang - 60 -
pinangalanan na “Johnny” at “Ganda” ay mga sibilyang pinilit ng mga sundalo na “sumuko.” Pinarangalan naman ng yunit ang Pulang kumander na si Baltazar Hapa (Ka Patrick) na napaslang sa pag-atake ng 31st IB sa Barangay Togawe, Gubat, Sorsogon noong Enero 14 ng alas- 6 ng gabi. Mga biktima ng pamamaril ng 2nd IB, kinasuhan at ikinulong Enero 17, 2024 Inaresto ng mga pwersa ng estado ang limang sibilyan sa Masbate noong nakaraang linggo. Ang lima na sina Jamara Tumangan, Rowel Hagnaya, Alden Tumangan, Rico Cuyos at Senen Dollete ay inaakusahan na mga Pulang mandirigma na naka- engkwentro ng 2nd IB sa Barangay Balantay, Dimasalang noong Hunyo 16, 2023. Itinanggi ito ng mga biktima at iginiit na, katunayan, sila ay mga sibilyang biktima ng pamamaril ng mga sundalo. Ang pamamaril na ito ay nagresulta pa sa pagkamatay ng noo’y kasama nilang 17-anyos na si Rey Belan. Nangangaso ang mga biktima sa gubat nang makasalubong at pinaulanan sila ng bala ng nag- ooperasyong tropa ng 2nd IB bandang alas-3:35 ng hapon. Nauna nang pinasinungalingan ng mga residente at kaanak ng mga biktima ang palabas ng militar na isang “engkwentro” ang naganap noong Hunyo 2023. - 61 -
Wala na ngang hustisya para kay Belan at kanyang mga kasamahan, ngayon ay inaresto pa ang mga biktima, pahayag ng BHB-Masbate. “Sa ilalim ng batas militar sa Masbate, ang biktima ang nagiging kriminal, at ang kriminal ang nagiging biktima,” ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Masbate. Ayon pa kay Ka Luz, ginawa ito ng 2nd IB para pagtakpan ang kanilnag karumal-dumal na krimen at baluktutin ang katotohanan. “Nangangamba ang rebolusyonaryong kilusan na hindi lamang sina Belan, Tumangan at mga kasamahan ang makaranas ng ganitong paglapastangan kundi maging ang iba pang biktima at kanilang kaanak,” pahayag pa niya. Ipinabatid ng yunit ng BHB sa prubinsya na magsisikap ito para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pasistang paghahari ng militar. Mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa New Zealand, naggiit ng karampatang tulong Enero 17, 2024 Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. - 62 -
Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang 495 manggagawang Pilipino, nang nagdeklara ng bankcrupty (pagkabangkarote) ang ELE Holdings Ltd sa New Zealand, apat na araw bago magpasko noong Disyembre 2023. Ang ELE Holdings ay grupo ng limang kumpanya kung saan kabilang ang malaking ahensya sa paggawa (manpower agency) na nag-eempleyo ng mga temporaryong migranteng manggagawa. Marami sa mga ito ay pinahintulutang magtrabaho sa bansa sa bisa ng mga temporary visa, at sa gayon ay nanganganib na mapauwi kung hindi agad makakuha ng bagong visa at trabaho. Ayon sa Migrante Aotearoa, 46 pa lamang sa mga Pilipinong humingi ng tulong sa embahada ng Pilipinas ang nakatanggap ng ayudang pinansyal noong Enero 13. Hirap ang mga manggagawa sa kanilang kalagayan, at hirap din ang mga pamilyang nakaasa sa kanila na nasa Pilipinas. Sa ngayon, tinutulungan sila ng FIRST Union at Union Network of Migrants (Unemig) para sa kanilang pinakabatayang pangangailangan tulad ng pagkain at iba pa. Wala pa ring natatanggap na tulong ang mga manggagawa ng ELE na nagkataong nasa Pilipinas nang ito ay magsara. “Karamihan sa mga manggagawa ng ELE (ay nagpahayag) ng ayaw nilang bumalik sa Pilipinas dahil alam nilang walang available na trabaho para sa kanila doon,” ayon sa Migrante-Aoteroa. “Malaking wake-up call (panggulantang) ito sa gubyernong Pilipino na dapat tinitiyak nitong may - 63 -
disenteng trabaho sa bansa, at itigil ang patakarang labor export laluna’t hindi naman ito handang magbigay ng kagyat na tulong sa mga OFW at kanilang mga pamilya sa mga panahong kailangan nila ang proteksyon at serbisyo ng gubyerno.” Sa Enero 19, magtitipon ang mga manggagawa ng ELE sa tatlong lugar sa New Zealnad (Auckland, Wellington at Christchurch) para kalampagin ang ELE at ang gubyerno ng Pilipinas na kagyat na ibigay ang sahod at ayudang nararapat sa kanila. Pagtatambak ng armas at matagalang presensya ng militar ng Canada at UK sa Pilipinas, tusong inilulusot Enero 18, 2024 Di na lamang US ang papayagan ng rehimeng Marcos Jr na magtambak ng tropa, mga sandata at gamit-militar sa Pilipinas, pati Canada at United Kingdom ay pahihintulutan na rin nito sa ilalim ng nilulutong mga kasunduang militar sa pagitan nito at nabanggit na mga bansa. Isang kasunduan sa “enhanced defense cooperation” o EDCA ang sinasabing “inaayos” na sa pagitan ng Pilipinas at Canada, ayon kay Gilbert Teodoro Jr, kalihim ng Department of National Defense noong Enero 16. Pipirmahan ito sa loob ng unang kwarto ng taon. Katulad sa EDCA ng bansa sa US, iniikutan nito ang pagbabawal sa pagtatayo ng mga base militar, pagtatambak ng mga armas pandigma, at pagpasok ng mga armas nukleyar. Naghahabol din - 64 -
ang Canada ng sariling Visiting Forces Agreement na tiyak na magbibigay ng parehong mga pribilehiyo sa mga tropang Amerikano ngayon sa bansa. Katulad ng EDCA at VFA ng US sa Pilipinas, tiyak ring pahihintulutan ng papet na rehimeng Marcos Jr ang matagalang presensya ng mga dayuhang tropang Canadian. Nangangailangan ng pagsang-ayon ng mayorya ng Senado ang isang tratadong militar. Nilusaw ng Senado ang huling gayong tratado, ang US- Philippine Military Bases Agreement noong 1991, na sumipa sa mga pwersa ng US sa malalaking base militar nito sa Subic at Clark. Sa VFA, walang awtoridad ang Pilipinas sa mga sundalong Amerikanong pumapasok sa Pilipinas, kahit pa nakagawa ng mga krimen. May mga ekstra- teritoryal din silang karapatan sa inako nilang mga “EDCA site” na walang iba kundi mga base militar. Magkakaroon din ng “kasunduan” ang Pilipinas at UK para pahintulutan ang presensya ng mga tropa ng huli sa mga isinasagawang wargames ng US sa kalupaan at soberanong karagatan ng bansa sa susunod na limang taon. Papel ng ADB sa huwad na modernisasyon ng transportasyon, binatikos Enero 20, 2024 - 65 -
Nagprotesta sa harap ng upisina ng Asian Development Bank (ADB) sa Ortigas Center sa Mandaluyong City ang kabataan, sa pangunguna ng League of Filipino Students, para batikusin ang papel nito sa huwad na modernisasyon sa transportasyon at pag-phase-out sa tradisyunal na mga dyip. Pasimuno ang ADB sa paninisi sa tradisyunal na mga dyip bilang pollutant, dahilan ng trapik, di episyente at nakasasama sa kalusugan ng mga komyuter. Itinutulak ng ADB ang pagpapatakbo ng “ligtas,” “malinis” at diumano’y abot-kaya na mga bus na buu-buong iaangkat mula sa Japan, US, Korea at kahit sa China. Pinakamatingkad ang pakanang ito sa programang Bus Rapid Transit (BRT) na itinutulak ng ADB sa Davao. Tumataginting na $1 bilyon ang ipinautang nito sa lokal na gubyerno para palitan ang mga bus, dyip at traysikel na pumapasada sa syudad ng mahigit 1,000 bus na Euro-5 compliant at pinatatakbo ng elektrisidad na gawang-Japan at Korea. Sisimulan na ang “transpormasyon” ng buong sistema ng transportasyon ng Davao ngayong 2024. Ipinangangalandakan ng ADB at Japan ang BRT bilang programang magpapababa sa emisyong greenhouse gas (GHG) ng Pilipinas at pagpupwesto ng transportasyong “low carbon.” Ito rin ang pagdadahilang isinumite ng Office of the Solicitor General bilang sagot sa petisyon ng grupong Piston para ipatigil ang PUVMP sa buong bansa. Ayon sa OSG, ang pag-phase-out ng mga dyip ay bahagi ng “climate commitment” ng Pilipinas na pababain ang emisyong GHG nito. - 66 -
Sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa, kasunod ng pwersahang konsolidasyon ng mga prangkisa ang pwersahang pagpapabili sa mga drayber at opereytor ng napakamahal na mga minibus na gawang-Japan o Korea, o di kaya’y mga makinang pinatatakbo ng elektrisidad na gawang-US. Dahil walang sariling industriya ang Pilipinas sa paggawa ng buong mga sasakyan, o kahit ng mga makina at pyesa, kakailanganin nitong iangkat ang mahahalagang bahagi, kung hindi man ang buu-buong mga sasakyan. “Gagawing negosyo at pagkakakitaan lamang ang mga driver at operator sa pagpapautang o official assistance ng ADB sa tabing ng PUVMP sa paglalako nito ng mga imported modern jeep na tuluyang magpe-phaseout sa tradisyunal na jeep at tatanggalan ng kabuhayan ang libu-libong tsuper at operators,” pahayag ni Elle Buntag, pangkalahatang kalihim ng grupo. Sa ngayon, mayorya ng pumapasadang bus sa bansa ay imported mula sa Japan. Noong 2021, nag-import ang bansa ng mga bus na nagkakahalaga ng $206 milyon mula sa Japan, China ($21.7M), South Korea ($2.7M), Vietnam ($526,000), at United Arab Emirates ($45,300). Minanupaktura rin sa Japan ang mga makina ng mga tradisyunal na dyip (kalakhan gawang-Isuzu, Mitsubishi at Toyota) na nais ngayong palitan ng naturang mga kumpanya ng “mas malinis” na minibus. - 67 -
Malaking tambakan rin ng used vehicle o segunda mano at lumang modelong mga sasakyang Japanese ang Pilipinas. “Sa pamamagitan ng ADB, naghanap ito ng atrasadong bayan na pwede nilang pagtambakan at pagbentahan ng mga nabanggit [uniform vehicles]. Dahil sa kawalan ng makamasa at aksesibol na pampublikong transportasyon, Pilipinas ang nahanap nilang malaking potential market para sa mga sobrang produkto nila,” dagdag pa niya. Ang ADB ay multilateral na bangkong dominado ng estado at mga kapitalistang Japanese. Nagsisilbi itong katuwang ng World Bank sa rehiyon ng Asia sa pagtutulak ng mga imperyalistang patakaran. Piston: Walang kinalaman sa “climate commitment” ng bansa ang pwersahang konsolidasyon ng prangkisa ng mga dyip Enero 20, 2024 Pinuna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang sagot ng Office of the Solicitor General sa petisyon ng mga drayber at opereytor ng dyip na nakasampa sa Korte Suprema laban sa pwersahang konsolidasyon ng mga prangkisa na labag sa prinsipyo ng malayang pag-organisa. Sa sagot ng OSG, na siyang kumakatawan sa DOTr at LTFRB sa kaso, layunin diumano ng PUV modernization program (PUVMP) ang pagtupad sa mga pangako - 68 -
ng bansa na bawasan ang mga greenhouse gas (GHG) emissions o maduming usok na ibinubuga ng bansa. Tanong ng Piston, ano naman ang kinalaman ng mandatory franchise consolidation ng PUVMP sa dedlayn sa pag-abot ng “climate commitment” ng Pilipinas o mga hakbangin pinangako ng bansa? “Ang pagpupumilit ng DOTr at LTFRB sa franchise consolidation, na kalaunan ay magreresulta sa pagkamkam ng malalaking negosyanteng kooperatiba at korporasyon na may kakayahang bumili ng hindi bababa sa 15 minibus bawat ruta, ay walang kinalaman sa anumang mga pagtugon sa klima,” pahayag ng grupo ng mga tsuper at opereytor. “Magreresulta lamang ito sa matinding pagkawala ng hanapbuhay ng mga tsuper at maliliit na operator at sa tahasang pang-aagaw ng mga malalaking korporasyon sa kontrol ng ating pampublikong transportasyon.” Binanggit ng Piston na inirekomenda mismo ng UN special rapporteur for climate change na si Ian Fry na bumuo ang estado ng patakaran para sa makatarungang transisyon sa transportasyon para maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa disenteng trabaho. Paulit-ulit nang idinidiin ng Piston at ng grupong MANIBELA na papatayin ng PUVMP at pwersahang konsolidasyon ang hanapbuhay ng maliliit na tsuper at opereytor. - 69 -
“Hindi kailangan ang franchise consolidation para mapabuti ang public transportation system,” giit ng Piston. “Maaari nating ayusin at paunlarin ang kalunos-lunos na lagay ng public transport sa bansa nang hindi nilalabag ang karapatan ng mga tsuper at maliliit na operator sa disenteng trabaho.” “Ang tugon ng OSG at ang pagtatangka ng mga maka-PUVMP na harangan ang ating petisyon sa Korte Suprema ay nagbubunyag lang ng tunay na layunin ng rehimeng Marcos sa pagtulak nito sa PUVMP,” ayon sa Piston. Liban sa pagbibigay-daan sa pang-aagaw ng malalaking burgesya sa kanilang kabuhayan, batid rin ng mga tsuper at opereytor na bibigyan-daan ng PUVMP ang pagtatambak ng sarplas na mga sasakyang minibus, makina, pyesa at iba pang produkto mula sa US, Japan, Korea at maging sa China. Tulad ng OSG, bukambibig rin ng mga bansang ito, partikular ng Japan, ang pag-apula sa climate change sa pamamagitan ng paglalatag ng transportasyong “low carbon.” Kung usapin lamang ng “climate commitments,” malayong-malayo ang usapin ng ibinubugang greenhouse gas ng mga tradisyunal na dyip sa pangunahing mga salarin nito sa bansa. Sa ulat ng Climate Action Tracker noong Hunyo 2023, ang pangunahing nagpapataas ng emisyong GHG sa Pilipinas ay ang sektor ng enerhiya, na nakaasa pangunahin sa plantang pinatatakbo ng karbon (coal). - 70 -
Gayundin, imbes na bawasan ng estado ang pangkalahatang pagsalalay ng bansa sa fossil gas, pinayagan pa nito ang malalaking burgesya na magtayo ng dagdag na pitong LNG (liquid natural gas) terminal para imbakan ng imported na LNG mula sa US, na numero unong nagluluwas ng LNG sa buong mundo. Tatlo rito ay gumana simula 2023. Nag-aambag ang Pilipinas ng 0.48% sa emisyong GHG sa buong mundo. Sa kabilang panig, 2.6% ng pandaigdigang GHG ang nanggagaling sa Japan at 14% sa US. 2 magsasaka, pinaslang ng 62nd IB sa modus na pekeng engkwentro Enero 21, 2024 Dinampot at tinortyur, bago pinaslang ng mga sundalo ng 62nd IB ang dalawang magsasaka sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 17 ng umaga. Para pagtakpan ang kanilang karumal-dumal na krimen, pinalalabas ng mga sundalo na napatay sina Boy Baloy, 60 anyos, at Bernard Torres, 50, sa modus nito na pekeng engkwentro. Sa impormasyon ng mga saksi, sina Baloy at Torres ay dinampot sa kanilang tinutuluyang bahay ng alas-6:45 ng umaga, inilayo sa komunidad, ipinailalim sa matinding interogasyon, binugbog at tinortyur, bago binaril ng mga berdugo. Si Baloy ay kasapi ng Kaisahan sa Gamay’ng Mag-uuma sa Oriental Negros (KAUGMAON-Guihulngan Chapter), habang si - 71 -
Torres ay isang drayber ng habal-habal at kasapi ng Undoc-Piston-Guihulngan Chapter. Mula pa 2017, paulit-ulit nang nakararanas ng panggigipit at panghaharas ang dalawa mula sa mga pwersa at ahente ng estado. Nakaligtas si Torres at kanyang pamilya sa madugong Oplan Sauron na inilunsad ng rehimeng US-Duterte laban sa mamamayang Negrosanon noong Disyembre 2018. Naglinaw rin si Ka JB Regalado, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) -Central, na hindi mga kasapi ng hukbong bayan ang dalawa. “Hindi armado ang mga biktima at pinalalabas lamang na nakumpiskahan ng dalawang shotgun, kalibre .45 pistola at iba pang sinasabing subersibong dokumento. “Walang engkwentro,” giit niya. “Ang ganitong kasinungalingan ng 62nd IB laban sa mga inosenteng sibilyan ay hindi na bago, bagkus isang pasistang tatak ng reaksyunaryo at mersenaryong Armed Forces of the Philippines (AFP),” pahayag ni Ka JB. Binatikos din ng panrehiyong kumand ng BHB sa Negros Island ang modus na pekeng engkwentro ng 62nd IB. Isiniwalat din ni Ka Maoche Legislador, tagapagsalita ng BHB-Negros Island, na mayroong isa pang pinalabas na pekeng engkwentro sa Barangay Cambayobo, Calatrava, Negros Occidental noong Enero 15. “Ang sinasabing nareyd na kampo ng 79th IB ay drama lamang at ang sinasabing engkwentro ay - 72 -
gamit na gamit nang iskrip ng AFP,” ayon pa kay Ka Maoche. Aniya, nagsasagawa ng “fake news spree” ang 3rd ID at ang lahat ng anim na batalyon sa ilalim nito sa isla ng Negros. Hinahabol nito ang hibang na pahayag na “nabuwag” na ang mga yunit ng hukbong bayan sa isla, pinababagsik nito ang kanilang kampanyang kontra-insurhensya na nagsasapahamak at tumatarget sa mga sibilyan at lumalabag sa kanilang karapatang-tao. Mga grupong relihiyoso at kabataan, muling nagrali kontra pagmimina sa Eastern Samar Enero 21, 2024 Mahigit isanlibong mamamayan ang nagsama- sama noong Enero 20 sa Immaculate Conception Parish Church sa bayan ng Guiuan para ipamalas ang kanilang pagtutol sa mapanirang pagmimina sa buong isla ng Samar. Ang aktibidad na tinawag bilang “Island Wide Jericho Prayer Assembly” ay pinangunahan ng Save Homonhon Movement, at mga grupo at diyosesis ng simbahang Katoliko sa buong isla. Panawagan ng mga nakiisa sa pagkilos na itigil ang mapanirang pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani sa Guiuan, at maging sa iba pang bahagi ng isla. Kasalukuyang nag- ooperasyon ang apat na kumpanyang mina para kumuha ng nickel at chromite sa isla ng Homonhon. - 73 -
Nag-umpisang magmina ang mga kumpanyang Techiron Resources Inc, Emir Mineral Resources Corp, King Resources Mining Corp, at Global Min- met Resources Inc noong maagang bahagi ng 2015. Ang kumpanyang Techiron, na nagmimina sa 1,500-ektaryang kalupaan sa isla, ay isa sa mga kumpanyang ipinasara ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez noong 2017. Muli itong nagbukas noong 2020 matapos bawiin ang suspensyon. Sa tala ng gubyerno, ang apat na kumpanyang ito ay nakapagmina ng 605,176 metriko tonelada (MT) ng nickel ore at 19,105 MT ng chromite sa isla noong 2021 lamang. Sa ulat mismo ng Department of Environment and Natural Resources Forestry Management Bureau, halos 1,000 ektaryang kagubatan mula 1990 hanggang 2021 ang kinalbo dahil sa mga operasyong pagmimina sa isla. Dumalo at nakiisa sa pagkilos ang ilang mga kinatawan ng Diocese of Borongan (Eastern Samar), Diocese of Calbayog (Western Samar) at Diocese of Catarman (Northern Samar.) Ito na ang ikalawang pagkilos na inilunsad ng mga grupo para ipahinto ang mapanirang pagmimina sa buong isla. Unang nagsama-sama at nagmartsa ang humigit- kumulang 2,000 residente mula sa iba’t ibang prubinsya ng Samar noong Agosto 7, 2023 sa sentro ng Borongan City, Eastern Samar. - 74 -
Nagmartsa sila noon mula sa kapitolyo ng syudad tungo sa simbahan. Pamilya ng martir, binantaan at hinaras ng AFP Enero 21, 2024 Kinundena ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command) ang panggigipit ng 31st IB at mga ahenteng paniktik sa pamilya ni Baltazar Hapa (Ka Patrick) noong Enero 20. Sinugod ng 10 elemento, sa pangunguna ni Jordan Enconado, ahente ng 96th MICO, ang burol ni Ka Patrick sa isang punenarya sa sentro ng Gubat, Sorsogon. Ayon sa pamilya, nagbanta ang mga ahenteng militar na papatayin nila ang kapatid ni Baltazar na matagal nang namuhay bilang sibilyan, kung hindi daw ito susuko. Nananawagan ang pamilyang Hapa na respetuhin sila at tigilan na ang panghaharas sa kanila. Matagal nang gawi ng AFP na sundan at gipitin ang naiwang pamilya ng mga martir ng BHB. Si Ka Patrick ay napaslang ng mga elemento ng 31st IB nitong Enero 14, sa Barangay Togawe, Gubat, Sorsogon. Ayon kay Ka Samuel Guerrero, tagapagsalita ng NPA Sorsogon “Ang pananakot at panghaharas sa walang kalaban-labang mga sibilyan ay isang kaduwagan at paglabag sa internasyunal na makataong batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) hinggil sa - 75 -
wastong pagtrato sa mga sibilyan sa gitna ng umiiral na gera sibil sa bansa.” “Ipinapakita lamang ng insidenteng ito ang kaduwagan at kawalang respeto ng mga reaksyunaryong armadong pwersa sa mga batas ng digma,” aniya. (Ulat mula sa Radyo Bulusan) Pinunong obispo ng CBCP, nagsagawa ng misa para sa mga bilanggong pulitikal sa Taguig City Enero 21, 2024 Nagdaos ng isang misang Katoliko ang pinunong obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David para sa mga bilanggong pulitikal at mga nakapiit sa Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Enero 16. Naisagawa ito sa imbitasyon at pag-aasikaso ng Kapatid, grupo ng mga kaanak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal. Si Bishop David ay kilala sa walang puknat na pagtatanggol sa karapatan ng mga biktima ng gera kontra droga ng dating rehimeng Duterte. Ang misa sa naturang piitan ay kauna-unahan sa kasaysayan na pinangunahan ng isang obispo. “Labis ang saya namin na tinanggap niya ang aming imbitasyon para magbigay ng misa para sa aming intensyon na mabigyang atensyon ang - 76 -
kalagayan ng mga bilanggong pulitikal at ang aming apela na palayain ang matatanda at maysakit na mga bilanggo,” ayon kay Fides Lim, asawa ng bilanggong pulitikal na si Vicente Ladlad at tagapagsalita ng Kapatid. Pahayag ni Bishop David, hinihintay lamang umano niya na siya ay maimbitahan para makapagbigay ng misa. Nakatuwang ni Bishop David sa pagdiriwang ng misa sina CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rev. Fr. Nezelle O. Lirio at Rev.  Fr. John Albert V. Absalon mula sa prison ministry ng CBCP at Diocese of Pasig. Pagkatapos ng misa, nagkaroon ng maiksing programa kung saan nagsalita ang ilang bilanggong pulitikal. Ibinahagi ng konsultant sa kapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Adelberto Silva ang kasalukuyang mahirap na kundisyon na kanilang dinaranas sa loob ng piitan. Aniya, iniiinda nila ang masikip na mga kulungan, kakulangan sa pagkain at sapat na nutrisyon, kulang na atendsyong medikal, delikadong pag- padlock sa mga selda, at hindi pagdadala sa ospital sa may malulubhang sakit na nagdulot sa pagkamatay ng kapwa bilanggong pulitikal na si Eduardo Serrano sa parehong piitan noong 2016. Ibinahagi naman ng konsultant ng NDFP na si Vicente Ladlad ang ilan sa dahilan ng kanilang hindi makatarungang pagkakapiit. Kabilang sa mga ito ang tinawag niyang gawa-gawang mga kasong isinasampa laban sa katulad nila, - 77 -
kriminalisasyon ng pampulitikang paninindigan, kakulangan ng mga abugado, at ang Anti- Terrorism Act na aniya ay kinakasangkapan ng gubyerno para arbitraryong i-freeze ang kanilang mga akawnt sa bangko at ari-arian. “Isa itong pagkatuto sa akin na mayroong mga bilanggong pulitikal, at na marami ang katulad niyo sa kasalukuyan,” tugon ni Bishop David. Aniya, alam niya ang pakiramdam ng masampahan ng patung-patong na mga kaso dahil sa kanyang karanasan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sinampahan si Bishop David, kasama ang apat pang obispo at si dating bise presidente Leni Robredo, noon ng mga kasong sedisyon, estafa at libel dahil sa pagtatanggol at pagpanig sa mga biktima ng gera kontra droga. Hinimok ng obispo ang Kapatid na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan at tulungan nito sa Episcopal Commission ng CBCP sa Prison Pastoral Care. Bilang pasasalamat, nagbigay ang grupo at ang mga bilanggong pulitikal kay Bishop David ng isang wood burned artwork ng Madonna and Child na likha ng bilanggong pulitikal na si Sherniel Ascarragas. Nakaukit sa likha ang mga salitang “Magtanim ng pagmamahal sa Inang Bayan at magbunga ng kapayapaan.” Nagsama-sama sa misa at programa ang mga bilanggong pulitikal, mga kaibigan at kaanak nila, ilang mga opisyal ng piitan, gayundin ang mga kinatawan mula sa prison ministry ng CBCP, ilang - 78 -
mga tagasuporta kabilang sina Princess Nemenzo, Teresita Ang See, Wilson Flores, Barbara Mae Dacanay, at mga madre ng Good Shepherd sa pangunguna ni Sr.  Aida Casambre, nakatatandang kapatid ng bilanggong pulitikal na si Rey Casambre. Ang MMDJ-4 ay itinuturing na “showcase” prison for “high-profile” male detainees kung saan aabot sa 348 ang mga nakapiit na Persons Deprived of Liberty dito kabilang na ang 26 mga bilanggong pulitikal. 3 magsasaka sa Himamaylan City, dinakip at ikinulong ng 94th IB Enero 22, 2024 Inaresto ng mga sundalo ng 94th IB ang tatlong magsasaka sa Sityo Cantupa-Pisok, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Enero 21. Ikinulong sila sa hindi malinaw na mga kaso at akusasyon. Ayon sa ulat, isinakay ang mag-amang magsasakang sina Deloy at Vincies de Leon, at Remy Villacanao sa sasakyan ng 94th IB na nakaparada sa Sityo Alolong sa barangay na iyon. Ang tatlo ay pawang mga kasapi ng Kauswagan sang mga Mangunguma sa Buenvista (KMB). Lider-simbahan din si Deloy de Leon. Kaugnay nito, inianunsyo ng 94th IB ngayong araw lamang ang kanilang operasyon at pag- aresto kay Vincies de Leon. Pinararatangan siya ng paglabag sa kasong bigong pagpaslang at - 79 -
pinalalabas na kabilang sa “nalalabing” mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang erya. Pekeng ipinahayag pa ng mga ito na kasama nila sa naturang operasyon ang mga elemento ng lokal na pulis. Si De Leon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Himamaylan City Police Station, habang wala pang karagdagang ulat sa kalagayan ng dalawang iba pang magsasakang inaresto ng 94th IB. Hindi na bago sa 94th IB ang modus nitong pagdakip at pagkukulong sa mga sibilyang magsasaka at residente para palabasing nananalo ito laban sa BHB. Tinarget ng 3rd ID, kung saan nakapailalim ang 94th IB, na ideklarang “insurgency-free” ang buong isla ng Negros ngayong unang kwarto ng 2024. Lider-magsasaka sa Cebu, inaresto Enero 22, 2024 Iniulat ng Karapatan-Central Visayas ang pag- aresto sa lider-magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Cebu na si Allan Flores noong Enero 21 sa kanyang sakahan sa Sibagay 2, Barangay Cantabaco, Minglanilla, Cebu. Anang grupo, dinampot si Flores ng nakasibilyang mga ahente ng estado na umano’y naghain sa kanya ng mandamyento de aresto. Mayroong mga nakasampang kasong pagpatay at tangkang pagpatay sa Bohol laban kay Flores. Tinawag ng Karapatan-Central Visayas ang mga kasong ito na “gawa-gawa.” Kasalukuyan siyang - 80 -
nakapiit sa Lutopan Police Station sa Toledo City, Cebu. Samantala, iniulat ng pambansang pamunuan ng KMP ang lantarang panggigipit ng hinihinalang mga ahenteng paniktik ng gubyerno laban kay Danilo Ramos (Ka Daning), tagapangulo ng KMP. Naitala ng grupo ang paghahanap ng mga lalaking sakay ng motorsiklo kay Ka Daning noong Enero 3 at 15 sa Malolos City, Bulacan, kung saan siya nakatira. Sa isang insidente, itinanong pa ng mga lalaki kung “Tagasaan ba si Danilo Ramos? Matagal na namin siyang hinahanap kasi terorista siya.” Kinundena ito ng KMP at sinabing isa itong mapanganib at lantarang kaso ng “teroristang pagbabansag” na may direktang banta sa buhay ni Ka Daning, kanyang pamilya at maging sa iba pang kasapi at lider ng KMP. Ayon pa sa KMP at grupong Tanggol Magsasaka, tumindi ang pagmamatyag at paniniktik laban kay Ka Daning simula noong nagdaang taon. Isinadokumento ito ng KMP at Tanggol Magsasaka at isinumite sa Commission on Human Rights noong Agosto 2023 para isiwalat ang mga paglabag sa karapatang-tao ng mga pwersa ng estado. Pinakamatandang bilanggong pulitikal, hindi isinali ng rehimen sa mga pinalaya noong kapaskuhan Enero 22, 2024 - 81 -
Dismayado ang Kapatid, grupo ng mga kaanak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal, sa hindi pagsasali sa 84-taong gulang na bilanggong pulitikal na si Gerardo Dela Peña sa listahan ng mga pinalaya noong kapaskuhan sa kabila ng kanyang katandaan at pagkakaroon ng sakit. Kaugnay ito ng ipinatupad na resolusyon ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) na nagbibigay ng konsiderasyon para sa “executive clemency” para sa mga bilanggo na edad 70 pataas at nakulong na ng higit 10 taon. Inilabas noong Disyembre 2023 ang BPP Resolution No.  08-02-2023 para umagapay sa pagpapaluwag ng mga piitan at magpapalaya sa matatandang bilanggo laluna ang mga maysakit at seryosong kapansanan. Ayon sa Kapatid, pasok sa kwalipikasyon ang 84-taong gulang na si Dela Peña na 11 taon na sa kulungan. Giit ni Fides Lim, tagapagsalita ng Kapatid, dapat tiyakin ang patas na implementasyon ng naturang resolusyon. “Wala sa panig ng isang 84-taong gulang ang panahon sa napakasisikip na kundisyon sa New Bilibid Prison,” ayon pa kay Lim. Binatikos din ni Lim ang sinabi niyang magkakasalungat na pahayag ng mga upisyal ng guberyno. Aniya, ibinalita ng isang upisyal ng Department of Justice na nakinabang ang dalawang matanda sa naturang resolusyon, kabilang si Dela Peña. Ngunit nang bisitahin ng Kapatid noong Enero 15 sa piitan, ipinakita ni Dela Peña ang listahan ng BPP na tumangging bigyan siya ng executive clemency. - 82 -
“Bakit siya hindi naisali sa higit 1,000 bilanggo na pinalaya noong Disyembre? Dahil ba isa siyang bilanggong pulitikal? O dahil isang numero lamang sa estadistika sa mabagal na usad ng burukrasya?” pagtatanong ni Lim. Giit niya na dapat ibigay sa lahat ng mga bilanggo ang ingklusibo at patas na hustisya anuman ang kanilang pampulitikang istatus. Si Dela Peña ang pinakamatanda sa aabot 800 bilanggong pulitikal na nakakulong ngayon sa iba’t ibang piitan ng bansa. Simula pa 2019 itinutulak ng Kapatid ang pagpapalaya kay Dela Peña ngunit paulit-ulit itong isinantabi at binaliwala ng estado. Si dela Peña, na may altapresyon at iba pang karamdaman, ay magsasakang tubong Vinzons, Camarines Norte na hinatulan ng reclusion perpetua sa gawa-gawang kasong pagpatay. Siya ay dating lider ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) at kasapi ng Karapatan. Unang iniapela ng Kapatid ang pagpapalaya sa kanya sa makataong mga batayan noong 2019 ngunit tinanggihan ito ng Korte Suprema at pinagtibay ang hatol sa kanya. Ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre, ginunita ng mga grupong magsasaka Enero 23, 2024 - 83 -
Ginunita ng mga grupo ng mga magsasaka, kabataan at iba pang demokratikong sektor ang ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre noong Enero 22. Higit 250 katao ang dumalo sa porum na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at NNARA Youth UP Diliman sa University of the Philippines (UP)-Diliman, na sinundan ng isang martsa-protesta sa kampus. “Tatlumput-pitong taon matapos ang malagim na Mendiola Massacre, walang pa ring hustisya sa mga pinaslang ng estado sa masaker, nanatiling walang tunay na repormang agraryo sa Pilipinas,” pahayag ng KMP. Nasawi sa naturang masaker ang 13 magsasaka noong Enero 22, 1987 sa Mendiola, Manila. Ang 13 magsasaka ay kabilang sa libu-libong nagtungo noon sa Mendiola upang ipanawagan sa dating Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa. Anang grupo, nanatiling pundamental na problema sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng US- Marcos ng kawalan ng lupa ng mayorya ng mga magsasakang Pilipino. “Malinaw na wala itong patakaran at programa sa reporma sa lupa,” dagdag pa ng mga magsasaka. Ito umano ang mahigpit na batayan kung bakit dapat walang pagod na isulong ang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa, katulad ng ipinaglaban ng mga magsasaka 37 taon na ang nakalilipas. “Sa saligan, ang laban para sa tunay na reporma sa lupa—na ang sentral na layunin at batayang prinsipyo ay libreng pamamahagi ng - 84 -
lupa—ay laban ng buong mamamayang Pilipino,” ayon pa sa KMP. Sa porum na may temang “Kamtin ang Kapayapaan! Tunay Na Reporma Sa Lupa, Ipaglaban,” nagbigay ng talumpati ang interim chairperson ng negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Ka Julie de Lima. Tinalakay ni de Lima ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na nagbalangkas sa kahingian ng masang magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa at pagtataguyod ng pambansang industriyalisasyon. Pagkatapos ng talakayan, nagmartsa ang mga grupo sa Palma Hall sa UP Diliman para sa isang kilos protesta. Liban sa panawagang hustisya para sa mga biktima ng Mendiola Massacre, siningil nila ang rehimeng Marcos sa tuluy-tuloy na pagpaslang sa masang magsasaka sa kanayunan. Sa talaan ng Ang Bayan, mayroong 79 magsasakang biktima ng pagpaslang ang rehimeng Marcos mula nang maupo sa poder. Marami sa kanila ay pawang pinalalabas na napatay sa modus na pekeng engkwentro ng Armed Forces of the Philippines. Binatikos din ng KMP ang isinusulong na charter change ng rehimeng Marcos na magbibigay-daan sa pagpapahintulot sa mga dayuhan na magmay- ari ng lupa sa Pilipinas, liban pa sa likas na yaman at mga susing bahagi ng ekonomya. - 85 -
Rali kontra chacha, inilunsad ng mga grupong pambansa-demokratiko Enero 23, 2024 Nagprotesta ang mga grupong pambansa- demokratiko sa House of Representatives sa Quezon City noong Enero 22 para batikusin ang isinusulong ng rehimeng Marcos na charter change o “chacha.” Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), inilunsad ang protesta kasabay ng unang araw ng sesyon ng Kongreso. Sa pangalawang pagkakataon, tinatangka ng pangkating Marcos ang pagratsada ng charter change. Nagbuhos ito ng malaking pondo para itulak ang isang “people’s initiative” sa layunin na ibigay sa Mababang Kapulungan ang kapangyarihan para madaling baguhin ang konstitusyon. Sinundan ito ng paghahain ng liderato ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong luwagan ang mga ekonomikong probisyon ng konstitusyong 1987 para bigyang daan ang dayuhang pag-aari o kontrol sa lupa, serbisyong pampubliko, edukasyon, masmidya at pagpapatalastas (advertising). Ayon sa mga grupo, ang “chacha” na ito ay para sa kapakinabangan ni Marcos, ng kaniyang mga kroni, at ng dayuhan nilang mga amo. “Malakas na lalabanan hindi lamang ng mga magsasaka kundi ng buong bayan ang tangkang pagpayag sa 100% dayuhang pagmamay-ari ng - 86 -
lupa na posibleng ilusot sa chacha,” pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Anila, malawakan na nga ang pagpapalayas sa lupa at kawalan ng lupang masasaka ng mga magbubukid, gusto pang ibigay ng rehimen sa dayuhan ang mga kalupaan at likas na yaman ng bansa. Magdudulot din umano ito ng lalo pang pagbaha ng mga imported na produktong agrikultural na magpapabagsak sa pambansang agrikultura at lalong wawasak sa seguridad sa pagkain na dapat sana’y nakabatay sa sariling kakayahan at kasapatan. “Ang sigaw ng mamamayan ay…dagdag sahod, libreng pamamahagi ng lupa, pagkontrol sa presyo ng langis at mga batayang bilihin tulad ng bigas, libreng serbisyong pangkalusugan at edukasyon, sapat na ayuda, abot-kayang pabahay at tunay na kalayaan,” pahayag ng Bayan. Samantala, binuo noong Enero 13 ng 15 iba’t ibang organisasyon sa Quezon City ang isang alyansang lalaban sa pakanang “chacha” ng rehimeng Marcos. Nagtipon sila sa University of the Philippines-Diliman para sa unang asembleya ng Quezon City Movement Against Charter Change (QC March). Inilunsad nila ito matapos ang paglaganap ng “People’s Initiative” na pinasimulan at pinopondohan ng House of Representatives para sa “chacha.” Nangalap ang naturang “inisyatiba” ng mga pirma sa komunidad, na unang naobserbahan at iniulat ng mga maralitang - 87 -
komunidad sa Quezon City. Pinapipirma umano sila sa petisyon para makatanggap ng ayuda at suporta mula sa gubyerno. Separation pay, giit ng mga manggagawa ng Chun Chiang Enterprises sa Bataan Enero 23, 2024 Muling ipinanawagan ng mga manggagwa ng kumpanyang Chun Chiang Enterprises Manufacturing Incorporated (CCEMI) na ibigay na sa kanila ang kanilang separation pay. Labis na itong naantala mula nang magsarado ang kumpanya dahil sa umano’y pagkalugi noong 2022 sa kasagsagan ng pandemya. Nagpoprodyus ang kumpanya ng mga trousers at slacks para sa lalaki. Pag-aari ang pagawaan ng kumpanyang German na Bültel Group. Sa impormasyon ng kumpanya sa website nito, itinayo ang pagawaan ng kumpanya sa Pilipinas noong 1976. Mayroon umano itong 650 manggagawa. Sa bukas na liham ng mga manggagawa ng CCEMI, iginiit nila sa Philippine Trade & General Workers Organization (PTGWO), kasapi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at IndustriALL, na kagyat nang ibigay ang napirmahang liham sa pandaigdigang upisina ng IndustrialALL. Ayon sa kanila, kinakailangan ang pirma ng pangulo ng PTGWO para maiproseso na ang paghahabol nila sa kanilang employer at separation pay. - 88 -
Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Nagkakaisang Manggagawa ng Freeport Area of Bataan (NMFAB) sa nasabing laban ng mga manggagawa. Anang grupo, “Hinihikayat namin ang PTGWO na tugunan ang kahilingan ng mga manggagawa upang sa gayon ay makamit na nila ang karampatang bayad na kanilang pinaghirapan sa loob ng CCEMI.” Liban dito, idiniin ng NMFAB na dapat mapanagot ang CCEMI sa sinapit ng mga manggagawa. Ibinahagi ng grupo na liban pa sa pagkakait sa separation pay ng mga manggagawa ay pinagbawalan ng kumpanya ang mga kasapi ng unyon ng CCEMI na makapagtrabaho sa loob ng Freeport Area of Bataan. Dapat din umano itong magsilbing paalala sa iba pang mga manggagawa sa loob ng Freeport Area of Bataan. “Nagpapatunay [ito] na kailangang maging mapagbantay sa lahat ng kumpanya na nagsasabing sila ay nalulugi at magsasara,” ayon sa grupo. Mahalaga umanong pahigpitin ng mga manggagawa ang kanilang pagkakaisa at itayo ang mga unyon na siyang nagsusulong ng karapatan sa sahod, trabaho at benepsiyo. Estilong “Tokhang” na profiling sa La Union, kinundena Enero 24, 2024 Kinundena ng grupo ng maliliit na mangingisda na Timek ken Namnama dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK) ang tangkang profiling ng pulis ng Agoo, La Union laban sa - 89 -
pangulo nitong si George “King” Cacayuran at tatlo pa nitong myembro. Ibinahagi ng grupo na “binisita” ng PNP-Agoo si Cacayuran at mga kasama nito sa barangay hall ng San Manuel Norte. Wala noon sina Cacayuran dahil pumalaot ang mga ito. Nag-iwan ang naturang mga pulis ng isang blangkong dokumento na ibinilin nilang dapat sagutan ni Cacayuran. Nakasaad sa naturang dokumento na ang pino-profile ng naturang dokumento ay “sangkot sa paggamit ng shabu.” “Lubhang nakababahala ang ginagawang ito ng PNP Agoo,” ayon sa TIMEK. Sa panahon ni Duterte, aabot sa mahigit 30,000 ang kabuuang bilang ng biktima ng extrajudicial killings sa ngalan ng “gera kontra-droga kung saan nabantog ang salitang “tokhang” bilang katumbas ng pamamaslang ng mga pulis. Sa ilalim ng Oplan Tokhang ng huwad na “gera kontra-droga,” pangkaraniwang maririnig na katwiran ng gubyerno ang “nanlaban” sa mga pag-aresto at kadalasang nauuwi sa pagkakapaslang sa mga pinaghihinalaan pa lamang, ayon sa grupo. “Si King at ang TIMEK La Union ay matagal nang binibiktima ng gubyerno at pinararatangang kaaway ng estado,” ayon sa grupo. Nagpatuloy ito sa ilalim ng rehimeng Marcos, kung saan tampok ang pwersahang pagpapasuko sa apat na maralitang mangingisda noong 2022. Panawagan ng grupo, kagyat na itigil ang lahat ng porma ng harassment at paglabag sa karapatang- - 90 -
tao sa mga komunidad ng maralitang mangingisda. Grupo sa karapatang-tao, nanawagan sa rehimeng Marcos na itigil ang panloloko sa mga rapporteur ng UN Enero 24, 2024 Binweltahan ng grupong Karapatan ang rehimeng Marcos sa pagkukunwari nito kaugnay sa kalagayan ng karapatang-tao sa bansa sa harap ng pagbisita ng Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion ng United Nations (UN.) “Itigil na ang panloloko,” ayon sa grupo laban sa pahayag ng rehimen na ang “malugod na pagsalubong” nito sa naturang rapporteur ay nagpapaktia ng “bukas, sustinido at sinserong kooperasyon” ng gubyerno ni Ferdinand Marcos Jr sa mga UN at iba pang internasyunal na institusyon. Dumating sa bansa noong Enero 23 ang special rapporteur nitong si Irene Khan para siyasatin ang sitwasyon ng pamamahayag at pagpapahayag sa Pilipinas. Tatagal siya dito hanggang Pebrero 2. Balak niyang makipag-ugnayan sa iba’t ibang grupong demokratiko. “Binalewala, isinaisantabi at itinakwil ng gubyerno ng Pilipinas ang mga rekomendasyon ng mga UN special rapporteur na bumisita sa bansa sa nakaraan,” ayon sa grupo. “Pinepeke nila ang lahat ng ito, laluna sa harap ng pagpapatindi ng gubyernong Marcos sa patakaran nitong walang - 91 -
pakundangang panggigipit sa mamamayan, paglabag sa mga karapatan at batayang kalayaan, kabilang ang freedom of expression. Ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng grupo, ginagamit lamang ng gubyernong Marcos ang pakikipag-ugnayang panlabas para “makipagplastikan” at oportunidad para ibangon ang pangit na imahe nito sa internasyunal na komunidad. Kabilang sa mga binabalewala ng estado ang dati nang mga rekomendasyon ng UN, tulad ng inihapag ng noo’y UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions na si Phillip Alston noong 2007; at ni Dr.  Ian Fry, UN Special Rapporteur on the Promotion and Protection of Human rights in the Context of Climate Change na nagsagawa ng pagsisiyasat sa Pilipinas noong Nobyembre 2023. Nakatakdang porum ng US Air Force sa UP Diliman, ipinaaatras Enero 24, 2024 Nangangalap ng pirma para sa isang petisyon ang University of the Philippines Diliman (UPD) College of Science Student Council (CSSC) sa mga estudyante at organisasyon sa kampus nito para pigilan ang nakatakdang porum ng US Air Force Office of Scientific Research (AFOSR) sa UP Diliman sa darating na Enero 1. Ayon ito sa ulat ng Philippine Collegian, pahayagang pangmag- aaral ng UP Diliman. - 92 -
Binatikos ng UPD CSSC ang nakatakdang porum ng US Air Force sa College of Science Administration Building na mabibigay ng impormason kaugnay ng “US Air Force Office of Scientific Research Grant Opportunities.” Tatalakayin dito kung papaanong makakukuha ng pondo mula sa AFOSR para sa mga pananaliksik na mapakikinabangan ng US Air Force. Layunin ng AFOSR na pondohan ang siyentipikong pananaliksik na maaari nitong isanib sa pagpapaunlad ng mga armas at teknolohiya na kapaki-pakinabang sa mga gera at opensiba ng imperyalistang US. “[Ang porum] ay tahasang kabaligtaran ng paninindigan ng kolehiyo na “Ipaglinkgod sa sambayanan ang Siyensya,” ayon sa petisyon ng konseho. Naniniwala ang konseho na dapat gamitin ang teknolohiya sa higit na nakabubuti, para sa isang makatarungan at mapayapang lipunan. Anila, malinaw na ginagamit ang mga pananaliksik na ito para sa mga krimen sa digma tulad ng ginagawang pagsuporta at pagpopondo ng imperyalistang US sa henosidyo ng Zionistang Israel laban sa mamamayang Palestino. Sa nagdaang tatlong buwan simula Oktubre 7, 2023, naghulog ang Israel ng 65,000 tonelada ng bomba sa Gaza City at pumatay ng 25,000 Palestino. Sa ulat noong huling kwarto ng 2023, nakatakdang bigyan ng US ang Israel ng dagdag na $14.3 bilyon para itaguyod ang gera nito laban sa mamamayang Palestino. Sa kabuuan, simula - 93 -
1946 hanggang 2023, tinatayang $263 bilyon na ang ibinigay nito sa Israel para sa pag-atake sa mga Palestino. Higit 80% ng mga armas ng Israel mula 1950 hanggang 2020 ay mula sa US. Dahil dito, umapela ang konseho sa dekano ng kolehiyo na si Dean Giovanni Tapang na huwag pahintulutang maisagawa ang aktibidad sa nasasakupan nitong mga gusali at iginiit nilang tuluyan nang ipaatras ang porum. Ayon sa Philippine Collegian, sinimulang ipaikot at mangalap ng pirma ng konseho noong Enero 22. Pagmimina at pagkalbo sa gubat ang sanhi ng pagbaha at mga landslide sa Davao at Caraga Enero 24, 2024 Isinisi ng Bagong Alyansang Makabasa-Southern Mindanao Region (Bayan-SMR) ang pinsala at trahedyang dala ng walang tigil na pag-ulan sa rehiyon sa nagpapatuloy na mga operasyon ng mapangwasak na mina, at pagkalbo sa kagubatan sa Mindanao. Tinatayang nasa ₱78 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng Davao at Caraga nitong nagdaang mga linggo. Sa kasalukuyan, siyam na bayan ang ipinailalim sa state of calamity dahil dito. Sa datos ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Enero 23, pinakamalaki ang pinsalang naitala sa rehiyon ng - 94 -
Davao sa halagang ₱64,069,839. Samantala, ₱14,040,579.6 naman ang tinatayang halaga ng pinsala sa CARAGA. Ayon din sa ahensya, umaabot sa 768,387 indibidwal ang apektado ng mga pagbaha at pag-ulan mula pa Enero 14. Sa Davao de Oro, umabot sa 15 ang nasawi dulot sa pagguho ng lupa sa Purok 19, Pag-asa sa Barangay Mt. Diwata, Monkayo noong Enero 18. Sa Davao City, lumubog sa baha ang ilang mga baryo at daan, kabilang sa Bankerohan at Jade Valley, dahil sa walang tigil na pag-ulan. “Habang may mga pagsisikap ang ilang lokal na gubyerno, mga grupong maka-kalikasan at mga relief worker, kailangang kilalanin ang papel ng pandarambong sa kalikasan at pagpapabaya ng estado sa kasalukuyang mga pangyayari,” pahayag ng grupo noong Enero 20. Inihalimbawa nito ang tuluy-tuloy na pandarambong na nagaganap sa Pantaron mountain range, ang pinamalawak na mountain range sa Mindanao na tumatawid sa mga prubinsya ng Misamis Oriental, Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, at Davao del Sur. “(N)akikipagsabwatan ang mga ahensya ng gubyerno, tulad ng DENR, sa pamiminsala sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga clearance sa multinasyunal na mga kumpanya (sa pagmimina), katulong ang mga pwersang panseguridad ng estado, para pasukin ang ating mga kabundukan at dambungin ang ating mga natural na rekurso,” ayon sa grupo. - 95 -
Kabilang sa pinangalanan ng grupo ang tatlong kumpanya sa pagmimina sa protektadong Mt. Hamigitan (Sinophil Mining & Trading Corporation, Hallmark Mining Corporation, Austral-Asia Link Mining Corporation); Kingking Mining Corporation at mga lugar ng pagmimina sa Pantukan at magkanugnog na mga bayan ng Compostela Valley/Davao de Oro; at tatlo ring kumpanya sa pagmimina sa Talaingod, Davao del Norte (One Compostela Valley Minerals, Inc, Phil. Meng Di Mining & Development Corporation, Metalores Consolidated, Inc. Sa mga pinangalanan, pinakamalaki ang sasaklawin ng Metalores Consolidated Inc, na binigyan ng lisensya na dambungin ang mahigit 15,000 ektaryang kagubatan sa Talaingod. Planong pagpapalayas sa mga residente sa isang barangay sa Bataan, nilalabanan Enero 24, 2024 Tutol ang mga residente ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan sa nakatakdang pagpapalayas ng Bataan Baseco Joint Venture Inc.  (BBJVI) sa kanila mula sa komunidad sa darating na 2025. Itinutulak ito ng BBJVI para sa planong pagtatayo ng commercial-industrial zone sa naturang komunidad. Sa ulat ng Nagkakaisang Manggagawa ng Freeport Area of Bataan (NMFAB), nakipag-usap na noong unang linggo ng Enero ang BBJVI sa Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni - 96 -
Kapitan Mario Magadan kung saan inihapag ang “master plan” nito para sa itatayong sona. Dagdag pa, nabili na umano ng BBJVI ang hindi bababa sa 271 ektarya lupain ng Barangay Sisiman at nakatakdang sakupin ang erya na ito. Pangunahing maapektuhan nito ang mga residente na naninirahan sa sentrong barangay. Alinsunod sa nasabing plano, ililipat ang mga taga-Sisiman sa 7.1 ektaryang lupain na nasa paligid lamang din ng barangay. Magtatayo umano ng 6,000 yunit ng pabahay na “ready-to- own” sa loob ng 30 taon para sa mga residente. Labis ang pangamba ng mga apektadong residente sa naturang plano ng BBJVI. Giit nila, pawang matagal na silang naninirahan sa lugar at hindi pwedeng basta lamang palayasin sa kanilang barangay. Nagtataka rin ang mga residente, sa biglang pagsulpot ng isang kumpanyang umaangkin ng lupa. Karamihan sa kanila, na manggagawa at mangingisda, ay matagal nang naninirahan sa lugar. Ipinabatid ng NMFAB ang kanilang pakikiisa sa laban at panawagan ng mga residente ng Barangay Sisiman. “Ipinaabot ng aming samahan ang aming lubos na pagsuporta sa pagtutol ng taumbaryo sa naturang proyekto ng BBJVI. Hindi tayo mga hayop na kayang itaboy sa sarili nating tahanan. Ang Sisiman ang inyong tahanan, ang Sisiman ang inyong kinabukasan.” Anila, dapat na magkaisa ang lahat ng mamamayan para igiit ang kanilang karapatan sa paninirahan. Hindi dapat umano pahintulutan na - 97 -
sa ngalan ng “negosyo” at “kapital” ay gagambalain ang kanilang buhay at kinabukasan. Idiniin ng grupo na ang kaso ng Sisiman ay hindi nahihiwalay sa laban ng mamamayan ng Mariveles sa laban nito sa isang ligtas, disente at libreng paninirahan na kapwa biktima ng mga pagpapalayas dahil sa pagtatayo ng mga negosyo at makadayuhang proyekto ng pamahalaan. Nakatira sa Barangay Sisiman ang 2,700 pamilya o 6,000 katao. Isa ito sa mga barangay na apektado ng tuluy-tuloy na pagpapalayas at demolisyon sa bayan ng Mariveles dulot ng pribatisasyon at FAB Expansion Law. Marami sa kanila ang pinagbawalan nang makapagkumpuni ng mga bahay at pinagkakaitan ng maayos na serbisyo ng tubig at kuryente bilang taktika ng pagtataboy. Dedlayn sa sapilitang konsolidasyon ng PUV, muling napaatras Enero 25, 2024 Natulak ng sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor, sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at Tanggol Pasada Network ang rehimeng US-Marcos na muling iatras ang dedlayn ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) na bahagi ng bogus na PUV Modernization Program ng gubyerno. Iniusod ng rehimen ang dedlayn - 98 -
tungong Abril 30 mula sa dating Disyembre 31, 2023 na naunang napalawig tungong Enero 31. “Habang hindi nito ginagarantiya ang agarang pagbabasura ng makadayuhan at negosyong PUV modernization program, magsilbi dapat itong pampagising sa inutil na rehimeng Marcos,” pahayag ng Piston. Ganito rin ang sentimyento ng grupong Manibela. Anila, “Hindi nito agarang mapababasura ang palpak, pahirap at makadayuhan na PUV modernization program, ngunit ito ay magsisilbi natin na pang buwelo para sa pagpapaingay pa ng kampanya hanggang tuluyan ito na mabasura.” Para sa kanila, mahalagang tuluy-tuloy na kumilos ang mga tsuper at opereytor para ipagtanggol ang kanilang mga kabuhayan, ibasura ang PUVMP, at isulong ang progresibo, makabayan, at makamasang pampublikong transportasyon kung saan walang tsuper, operator, at komyuter ang maiiwan. Naganap ang anunsyo ng pag-usod ng dedlayn matapos ang ikalawang pagdinig ng komite sa transportasyon sa House of Representatives kahapong, Enero 24, na tumalakay sa kainutilan at kapalpakan ng PUVMP. Nauna nang naisiwalat noong Enero 10, unang pagdinig ng komite, na malaking bilang pa ng mga dyipni ang hindi nagkonsolida, taliwas sa pahayag ng ahensya. Marami ring mga ruta ang di pa naayos, na rekisito sa konsolidasyon. - 99 -
Sa parehong pagdinig, naging katuwang ng Piston at Manibela ang mga kinatawan ng Makabayan Bloc sa pagtatanggol ng kanilang prangkisa at kabuhayan. Inilunsad din ng mga tsuper at opereytor ang piket kasabay ng mga pagdinig. Samantala, nagprotesta rin ang dalawang grupo sa Korte Suprema sa Maynila noong Enero 23 para ipanawagan ang pagkatig sa kanila ng korte kaugnay ng kanilang inihaing petisyon para ipahinto ang sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at ang PUVMP. Itinaon nila ang protesta sa en banc session ng korte. “Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga kasama na tinatatagan ang loob at naniwalang kapag tayo ay magkakasamang lumaban, mapagtatagumpayan natin ito!” pahayag ng Manibela. Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa “terorismo,” muling iginiit na palayain Enero 25, 2024 Muling ipinanawagan ng mga grupo ng mamamahayag at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na palayain ang pinakabatang mamamahayag na nakakulong sa buong mundo, si Frenchie Mae Cumpio, noong Enero 23. Nagprotesta sila, sa pangunguna ng Altermidya Network, sa Department of Justice sa Maynila. Itinaon ang protesta sa ika-25 kaarawan ni Cumpio at sa pagbisita ng Special Rapporteur ng - 100 -
United Nations para sa kalayaan sa opiniyon at pagpapahayag na si Irene Khan sa Pilipinas. Si Cumpio ay mamamahayag ng Eastern Vista, alternatibong midya sa rehiyon ng Eastern Visayas. Inaresto siya kasama sina Marielle “Maye” Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines, Alexander Philip Abinguna, Mira Legion at Marissa Cabaljao sa isang iligal na reyd ng mga pulis noong Pebrero 7, 2020 sa isang upisina sa Tacloban City. Sinampahan sila ng mga kasong illegal possession of firearms. Noong Hulyo 2021, sinampahan ng estado ng dagdag na kasong “financing terrorism” sina Cumpio at Domequil. Pinalalabas ng estado na ang pondong nasamsam mula sa kanila ay para umano sa mga operasyon ng Bagong Hukbong Bayan na pilit nitong binabansagan bilang “teroristang organisasyon.” Nagpatunog ng maliliit na kampana ang mga nagprotesta na ginamit nilang simbolo kaugnay ng programa ni Cumpio sa radyo na ‘Lingganay Han Kamatuoran’ o ‘Bells of Truth.’ Umaasa ang mga nagprotesta na maririnig ni UNSR Irene Khan ang kanilang mga panawagan at iimbestigahan ang mga pag-atake ng mga pwersa ng estado laban sa mga mamamahayag pangkomunidad at alternatibong midya. Dapat umanong may mapanagot sa patung-patong nang mga kaso ng panggigipit, red-tagging, at paggamit sa mga batas gaya ng Anti-Terror Law at cyberlibel laban sa mga mamamahayag. Anila, - 101 -
nilalabag nito ang batayang karapatan ninuman sa malayang pagpapahayag. Iligal na pagkukwari sa Zambales, inirereklamo Enero 25, 2024 Inireklamo ng grupo ng mga tagapagtanggol ng kalikasan na Zambales Ecological Network (ZEN) ang iligal na pagkukwari sa dagat ng mga bayan ng San Narciso at San Felipe na kanilang napansin kahapon, Enero 24. Anila, dalawang aggregate carrier at isang dredger ang nasa dagat at nagkukwari ng buhangin na gagamitin sa reklamasyon sa Manila Bay. Napag-alaman ng ZEN na ang nagsasagawa ng pagkukwari ay ang mga barkong Ly 7, Yong Xin 1, at isang cargo, na pawang nakarehistro sa Sierra Leonne, bansa sa Africa. Anila, walang nakarehistrong Ore Transport Permits (OTP) at iba pang kinakailangang mga dokumento sa naturang mga barko. “Ito ay purong kasakiman ng ating mga lokal na upisyal. Ang hindi awtorisadong pagkukwari ay lubhang hindi kaugnay sa tinatawag ng gubernador at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na rehabilitasyon sa ilog,” ayon sa ZEN. Sa katunayan, anila, walang ilog ang isinasaayos sa mga operasyong ito. “Ang ating mga seabed, ang marine environment at ang ating mga sagradong fishing ground ay nawawasak at - 102 -
nasisira ngayon para lamang magtayo ng mga pook aliwan para sa mga mayayaman,” ayon sa grupo. Ang kinukwari na buhangin na gagamitin sa reklamasyon sa Manila Bay ay para sa itatayong malalaki at grandyosong casino at iba pang malalaki at nagtatayugang mga gusali at establisyementong negosyo. Isinulong at sinimulan ito sa panahon ng dating rehimeng Duterte. “Tutol sa iligal na pagkukwari ang mga may-ari ng resort, mga trabahante dito, mga nag-aari ng lupa at mga mangingisda,” ayon pa sa ZEN. Paggunita sa anibersaryo ng Partido, inilunsad sa Rizal Enero 25, 2024 Nagtipon ang mga kinatawan ng National Democratic Front of the Philippines upang sama- samang gunitain noong Enero 12 ang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kasabay nito, pinagpugayan at inalala ng PKP-Rizal ang isang taong anibersaryo ng pagpanaw ni Prof.  Jose Maria Sison (Ka Joma) at ng iba pang mga rebolusyonaryong martir ng Rizal at Baong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal. Nag-alay ng mensahe ng pakikiisa at mga pangkulturang pagtatanghal ang mga kinatawan ng rebolusyonaryong mga organisasyon bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido. Inilahad - 103 -
ng bawat isa ang pagtanggap ng hamon na patuloy na magwasto at magpanibagong lakas para sa pagpapatuloy ng rebolusyon. Ibinahagi ng National Democratic Front-Rizal ang mahabang kasaysayan ng pakikiisa sa malawak na bilang ng mamamayan sa pagtataguyod ng demokratikong rebolusyong bayan. “Hinding-hindi magagapi ang rebolusyonaryong kilusan dahil patuloy na umiigting ang krisis panlipunan na syang nag-uudyok sa mamamayan na maghimagsik,” bigkas ng kinatawan nito. Kasunod nitong nagbigay ng mensahe ang representante ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Maibaka)-Rizal upang ilahad ang mahigpit na pakikiisa ng kababaihan sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan. Anang tagapagsalita ng Makibaka- Rizal, “Lubos ang pagtanggap ng rebolusyunaryong kababaihan ng Rizal sa hamon ng Partido na iwasto ang mga pagkukulang at kahinaan nito. Makakatiyak ang hanay ng kababaihan na iigpaw pasulong ang rebolusyon hanggang sa ganap na tagumpay.” Kasunod nitong nagbigay mensahe ang Katipunan ng mga Samahang Manggagawa (Kasama-Rizal) upang ilahad ang mahalagang papel at gampanin ng mga maralita at mala-manggagawa sa pagsusulong ng rebolusyon. “Tulad ng kababaihan, lubos ding tinatanganan ng mga mala-mangagagawa ang hamon ng Partido sa pagpapanibagong lakas ng pambansa- demokratikong pakikibaka sa ating lalawigan.” - 104 -
Huling nagbigay ng mensahe ng pakikiisa ang Kabataang Makabayan (KM)-Rizal at ibinahagi ang pagiging determinado nito na tatanganan ang malaking papel at tungkulin sa pagpapanibagong sigla at pagsulong ng buong rebolusyonaryong kilusan. Banggit ng KM-Rizal, “Pinatunayan ng kasaysayan mula pa noong rebolusyon ng 1896 hanggang sa pagpapatuloy nito sa pambasa- demokratikong rebolusyon ng bagong tipo na ang kilusang kabataan ay hindi masasaid na balon ng salinlahi ng rebolusyon. Kaya mahigpit ang pagtanggap ng KM-Rizal na bakahin at iwaksi ang empirisismo, konserbatismo, indibidwalismo at iba pang mga kahinaan at kalulangan nito.” Sa huling bahagi ng programa, sama-samang nanumpa muli ang mga kasapi ng Partido upang balikan ang rebolusyonaryong mga tungkulin at prinsipyo nito para sa pagpapatuloy ng demokratikong rebolusyong bayan. Ito ay isang panata na mahigpit na tanganan ang mga prinsipyo ng Partido buhay man ang ialay upang maampat ang mga pinsala at pagpapanibagong-lakas ng pambansa- demokratikong pakikibaka tungo sa mas mataas na antas. Reporma sa pensyon ng mga sundalo at pulis, tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos Enero 25, 2024 Tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos Jr ang tangkang pagreporma sa sistema ng mga - 105 -
pensyon ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang unipormadong tauhan ng estado. Sa huling mga pahayag ng kalihim ng Department of Defense na si Gilbert Teodoro at katatalagang kalihim ng Department of Finance na si Ralph Recto, malinaw na tuluy-tuloy ipababalikat sa mamamayang Pilipino at pagbubundat sa burukrasyang militar. Kinumpirma ni Recto noong Enero 25 na hindi na itutulak ng Department of Finance (DoF) ang pagsingil ng kontribusyon para sa pensyon sa mga retirado at aktibong uniformed personnel. Taliwas ito sa pusisyon ng nauna sa kanya na kalihim ng DoF na si Benjamin Diokno. Diin noon ni Diokno, kailangang kunin sa sweldo ng mga aktibong sundalo at pulis ang kanilang pensyon at kung hindi ay magkakaroon ng “fiscal collapse” o mababangkrap ang Pilipinas. Sa General Appropriations Act o pambansang badyet sa 2024, naglaan ang rehimeng Marcos ng P129.82 bilyon para sa pensyon, pinakamalaking aytem kasunod ng pondong pambayad sa interes ng utang na awtomatikong nakalaan. Sa taya ng DoF, aabot sa $1 trilyon ang kailangang ilaan ng estado para sa pensyon ng unipormadong tauhan pagsapit 2035. Sa kabila ng bantang ito, nagpahayag ang rehimeng Marcos na ang sisingilin na lamang nito ng pensyon ay yaong papasok pa lamang sa serbisyo. Pero ayon pa rin kay Diokno, kung ang mga bagong entrants lamang ang sisingilin, aabot sa anim na dekada bago maging “sustenable” ang pensyon ng militar at pulis. - 106 -
Hindi nagtagal ay sinibak sa pwesto si Diokno. Ang pag-atras sa panukala na unang itinulak ng DoF at ipinasa sa Mababang Kapulungan ay kabilang sa mga hakbang ni Ferdinand Marcos Jr na ligawan ang mga aktibo at retiradong mga upisyal ng AFP laban sa mga maniobra ng pangkating Duterte na yanigin ang kanyang paghahari o di kaya’y tuluyan siyang patalsikin sa pamamagitan ng kudeta. Grupo sa karapatang-tao, nababahala sa mungkahing pagbabalik sa barangay intelligence network Enero 26, 2024 Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang grupong Karapatan sa mungkahi ng upisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling buhayin ang barangay intelligence network (BIN) para umano sawatahin ang iligal na droga. Nangangamba ang grupo na magdudulot ito ng pagtindi ng ekstra-hudisyal na mga pagpatay at iba pang malulubhang paglabag sa karapatang-tao sa mga barangay. Ayon sa grupo, ang mungkahing buhayin ang BIN ay karugtong ng inilabas na Executive Order No. 54 (EO 54) ng Malacañang noong Enero 19 na nag-utos ng reorganisasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Ayon sa EO 54, isinasaayos ang NICA para umangkop sa “nagbabagong mga banta sa pambansang seguridad at tiyakin ang masiglang pangangalap ng intelidyens.” - 107 -
Sa bisa nito, binuo ng rehimeng Marcos sa ilalim ng NICA ang isang upisina para magpokus sa tinawag nitong “cyber and emerging” na mga banta na may layuning balangkasin ang kilos ng rehimen laban sa banta sa cybersecurity, mga armas para sa malawakang pagwasak, at iba pang lumilitaw na banta. Giit ng Karapatan, hindi malabong ipailalim nito ang banta ng iligal na droga sa bansa sa kategoryang “lumilitaw” o “hindi tradisyunal na banta.” Anila, gagamitin itong salalayan sa pagbuhay sa BIN. Sa kasaysayan, ang BIN ay itinatag ng estado bilang instrumento sa kontra-insurhensyang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ayon sa Karapatan, sa ganitong balangkas ginamit ng estado ang BIN para tukuyin ang sinasabing mga lider at kasapi ng mga aktibistang organisasyon na itinuturing ng estado na sumusuporta sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan. “Hindi iilang mga lider masa at aktibista ang iligal na inaresto, hindi makatarungang ikinulong sa patung-patong na mga kaso at pakanang pekeng ebidensya, dinukot, dinesaparesido o naging biktima ng ekstra-hudisyal na pagpaslang dahil sa buktot na trabaho ng mga operatiba ng BIN,” ayon sa grupo. Sa ilalim ng nireorganisang NICA, ang bubuhayin na BIN ay maaaring lantarang gamitin laban sa iligal na droga, pero hindi malabong gamitin din para sa kontra-insurhensyang kampanya at - 108 -
ipaloob sa tinagurian ng gubyerno na “whole of nation approach,” paliwanag ng Karapatan. “Para bigyang katwiran ito, maaari nang tusong magbuo ng pekeng kwento ang NICA na nag- uugnay sa palitan ng iligal na droga sa insurhensya o sa progresibong kilusan, katulad nang ginawa na sa ilang mga rehiyon sa bansa,” dagdag pa nila. Binatikos din nila ang sinasabing pokus ng NICA sa “cybersecurity” na mangangahulugan ng pinatinding paniniktik sa cyberspace at pagbabantay sa mga email at social media ng target na mga indibidwal. Mga manggagawa ng CNN Philippines, dapat protektahan sa harap ng posibleng pagsasara Enero 26, 2024 Dismayado ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) dahil hindi ipinaalam o inilinaw ng pamunuan ng istasyon sa telebisyon na CNN Philippines sa mga manggagawa nito ang usapin kaugnay ng posibleng pagsasara ng kumpanya. Naiulat noong Enero 25 na nagdesisyon umano ang Nine Media Corp.  at CNN na ihinto na ang kanilang kasunduan sa pagpapatakbo nito dahil diumano sa malaking pagkalugi. Anang NUJP, “katulad ng karaniwang nangyayari sa ganitong mga sitwasyon, ang mga lumilikha ng content at kung sino pa ang pinakaapektado ng - 109 -
mga desisyon ng korporasyon ay silang huli pang nakaaalam [ng balita].” Pinatutungkulan ng NUJP ang mga manggagawa sa midya na walang kaalam-alam sa katotohanan ng pangyayari. Ayon sa ulat, ang kasunduan sa pagitan ng dalawang kumpanya ay magtatapos pa sana sa katapusan ng taon ngunit nahihirapan na umano ang Nine Media na bayaran ang lisensya, gayundin ang iba pang mga gastusin sa operasyon nito. Sa Enero 29 pa malalaman ng mga empleyado ng CNN Philippines kung ano ang mangyayari sa kumpanya matapos ang ibinalitang pulong ng pamunuan noong Enero 25. “Sa mga balita ng posibleng pagsasara, nabanggit ang severance package (o kabayaran sa mga matatanggal) para sa mga apektadong empleyado, at umaasa kaming ganito nga ang mangyayari kapag inianunsyo na ang tanggalan,” ayon pa sa NUJP. Ayon pa sa kanila, pinatitingkad ng kawalan ng paliwanag at komunikasyon sa pagitan ng pamunuan at empleyado nito kaugnay ng napipintong mga pagbabago ang pangangailangang mag-organisa sa lugar ng paggawa. “Sa minimun, titiyakin nito na nakababalita ang mga empleyado sa mga pagbabago sa loob ng korporasyon na makaapekto sa kanila,” paliwanag ng unyon. Anila, kinakailangan ng mga manggagawa sa midya ng malinaw na komunikasyon sa mga pamunuan ng newsroom at pati na rin - 110 -
representasyon sa mga usaping makaaapekto sa kanilang karera at arawang buhay. Ang CNN Philippines ay may tinatayang 200-500 empleyado. Kabilang sa mga programang ipinalalabas nito sa telebisyon at iba pang plataporma ang mga lokal at inernasyunal na balita, mga talakayan sa pulitika, balitang isports, kalusugan at iba pa. Umeere ito sa maraming prubinsya sa bansa sa libreng telebisyon. Samantala, ang CNN International na kadikit nito ay napapanood sa may 200 bansa at teritoryo. Pagdinig ng petisyon kontra “teroristang” designasyon, sinuspinde ng korte sa Baguio City Enero 26, 2024 Sinuspinde ng Baguio Regional Trial Court ngayong araw, Enero 26, ang pagdinig sa petisyon ng apat na lider ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na kumukwestyon sa arbitraryong “teroristang” designasyon sa kanila ng Anti- Terrorism Council sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020. Ayon sa korte, nagpaabot ito ng upisyal na katanungan sa Korte Suprema kung dapat ba nitong ituloy ang pagdinig o ipasa ang petisyon sa Court of Appeals o sa nakatakdang korte ng ATA sa Pangasinan, kaugnay ng mga alituntuning inilabas para sa terror law. Kaugnay ng pagdinig, nagpiket sa harap ng Baguio Justice Hall, Baguio City ang mga kaanak, kaibigan at kasama ng apat na aktibista at lider ng CPA na sina Windel Bolinget, Sarah Abellon- - 111 -
Alikes, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Stephen Tauli. Muli nilang iginiit na tanggalin ang designasyon at tuluyang ibasura ang terror law. Inihain nila ang naturang kaso noon pang Nobyembre 23, 2023, na kauna-unahang ligal na aksyon laban sa gayong designasyon. Samantala, nakipagpulong din ang apat, kasama ang iba pang mga lider ng mga demokratikong organisasyon sa hilagang Pilipinas kay United Nations Special Rapporteur Irene Khan. Bumisita si Khan sa Baguio City ngayong araw para alamin ang kalagayan ng karapatan sa malayang pagpapahayag at opinyon sa Northern at Central Luzon. Sa naturang pulong, ipinabatid nila kay Khan kung paanong kinakasangkapan ng estado ang mga mapanupil na batas sa bansa para patahimikin ang mga kritiko. Inihayag din nila ang pagkundena sa National Task Force-Elcac na nangunguna sa kampanyang intimidasyon at red-tagging laban sa mga progresibo at demokratikong kilusan. Isinalaysay din ng mga lider-katutubo kung paanong nilalapastangan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga lokal na upisyal at pwersang panseguridad ng estado, ang prosesong Free, Prior and Informed Consent (FPIC) para sa kanilang karapatan sa lupang ninuno. Layon umano nitong patahimikin sila sa kanilang paglaban sa mapanirang mga proyektong dam, at malalaking mapangwasak na proyekto. - 112 -
Paglulustay ni Marcos para sa raling “Bagong Pilipinas,” binatikos Enero 27, 2024 Binatikos ng grupong Bayan Muna ang nakatakdang rali ng rehimeng Marcos para sa upisyal na paglulunsad sa kampanya nitong “Bagong Pilipinas” sa Enero 28. Ilulunsad nito ang isang malaking pagtitipon sa Qurino Grandstand sa Maynila, na pinondohan ng buwis ng taumbayan. Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, may balita silang gagamitin din ang rali bilang plataporma para isulong ng rehimen ang charter change o “chacha.” Aniya, “Sayang lang ang pera ng taumbayan dito at ginagawa pang halos mandatory ang pagdalo samantalang napakadaming dapat asikasuhin ng mga kawani ng gobyerno at maging ng mga opisyal ng baranggay.” Giit niya, sayang na sayang ang pondo para sa isang rali na wala namang katuturan. “Ayon sa ilang nakausap nating baranggay at Sangguniang Kabataan officials ay gagamitin din daw ang raling ito ng administrasyong Marcos Jr. para itulak uli ang Cha-cha at palabasin na ang mga pumunta dun ay suportado ito,” dagdag ni Colmenares. Mahalaga umanong ipabatid ng taumbayan ang pagbatikos sa naturang rali ng rehimen bilang pagrehistro rin sa pagtutol sa “chacha.” Hinimok - 113 -
niya ang kapwa Pilipino na huwag nang pumunta sa naturang rali. Unang inianunsyo ng rehimeng Marcos ang kampanyang Bagong Pilipinas noong Enero 2023. Dati na itong binatikos ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at sinabing mula pa man sa ama nitong diktador na si Marcos Sr hanggang kay Marcos Jr ay “walang makabuluhang nagbago sa lipunang pinaghaharian ng dayuhan at iilan – mga burukrata kapitalista, malaking panginoong maylupa at komprador burgesya.” Anang grupo, walang saligang pagkakaiba ang pekeng slogan na Bagong Lipunan noon sa pekeng slogan na Bagong Pilipinas ngayon. Pagtatangka lamang umano itong tabunan ang malawak na kagutuman, kawalang trabaho, mababang sahod at kahirapan ng malawak na sambayanan. Rali kontra chacha, inilunsad ng mga magsasaka sa Bacolod City Enero 27, 2024 Inilunsad ng mga magsasaka ng Negros Island ang isang martsa-protesta sa Bacolod city noong Enero 24 para kundenahin ang isinusulong na charter change o “chacha” ng rehimeng Marcos. Ang aktibidad ay bahagi ng 2-araw na kampanya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)- Negros at National Federation of Sugar Workers Negros (NFSW) para sa karapatan sa lupa at hustisya sa mga magsasakang pinaslang at biktima ng paglabag sa karapatang-tao ng estado. - 114 -
Nagmartsa ang mga grupo tungo sa Fountain of Justice sa Bacolod City kung saan sila naglunsad ng programa. Ayon sa mga magsasaka, tinututulan nila ang “chacha” dahil ibubuyangyang nito ang Pilipinas sa buu-buong dayuhang pag-aari sa mahahalagang aspeto ng ekonomya ng bansa kabilang na ang lupa. “Ang pagbukas ng ating ekonomya sa dayuhang negosyante ay magreresulta sa pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka at patuloy na pagsalalay sa importasyon ng produktong agrikultural tulad ng bigas, asukal at iba pa,” ayon sa KMP-Negros. Ibubukas din ng “chacha” ang sandaang porsyentong pag-aari sa mga mahahalagang aspeto ng lipunan kabilang ang edukasyon, masmidya, at mga yutilidad tulad ng tubig, kuryente at telekomunikasyon. Binatikos din nila ang plano ng rehimeng Marcos na pahabain ang pampulitikang termino sa poder sa pamamagitan ng “chacha.” Iginiit din nilang dapat ibasura ang programa ng reklasipikasyon ng kanilang mga lupang sakahan at ang pagpapatupad ng Support to Parcelization to Land Individula Titling (SPLIT) na anila ay ginagamit para agawin ang kanilang mga lupa. Ipinanawagan din nila ang hustisya para kay Alexander Ceballos, lider-magsasaka na pinaslang ng rehimeng Duterte noong Enero 20, 2017. Kasabay na ginunita ng KMP-Negros at NFSW ang ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre. Nasawi sa naturang masaker ang 13 magsasaka noong Enero 22, 1987 sa Mendiola, Manila. Ang 13 - 115 -
magsasaka ay kabilang sa libu-libong nagtungo noon sa Mendiola upang ipanawagan dating Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa. Samantala noong Enero 23, inilunsad nila ang piket-dayalogo sa Provincial Agrarian Reform Office I sa Bacolod City kaugnay ng 37 mga asyenda sa Negros Island. Tatlong Adivasi, pinaslang ng estado ng India sa pekeng engkwentro Enero 27, 2024 Dinampot bago pinaslang ng mga pwersa ng estado ng India ang tatlong Adivasi (katutubo sa India) sa Nendra, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 19. Ang mga biktimang sina Madkam Soni, Punem Nangi, at Karam Kosa ay papunta sana sa isang kilos-protesta nang sila ay damputin ng mga pwersa ng estado sa mabundok na bahagi ng kanilang komunidad. Kinundena ng grupong Forum Against Corporatization and Militarization (FACAM) ang pagmasaker sa mga sibilyang Adivasi. Para pagtakpan ang kanilang krimen, pinalalabas ng mga pwersa ng estado na ang tatlo ay napaslang sa isang engkwentro laban sa People’s Liberation Guerrilla Army (PLGA) ng Communist Party of India o CPI (Maoist). Hindi pa nakunento, tinangka pang sunugin ng mga pulis ang katawan ng mga biktima para walang ebidensya sa kanilang krimen. Bago pa - 116 -
man mangyari ito ay naigiit ng kanilang mga kaanak at kapwa residente at Adivasi na mabawi ang mga bangkay. Nanawagan rin ang FACAM ng isang kagyat na imbestigasyon sa naturang masaker para mabigyan ng hustisya ang mga biktima at kanilang pamilya, at sa dumaraming bilang pa ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa naturang rehiyon. Ayon sa grupo, tumindi ang paninibasib ng militar sa rehiyon nang sinimulang ipatupad noong Enero ang tinatawag nitong Operation Kagar sa Abujmarh, isang mabundok at magubat na lugar sa timog ng estado ng Chhattisgarh. Bahagi ito at pinalawak na pagpapatupad sa kontra- insurhensyang kampanya na Operation SAMADHAN-Prahar (OSP). Iniulat na kasalukuyang pinakikilos sa ilalim ng Operation Kagar ang may 3,000 pwersang paramilitar galing pa sa ibang estado ng India para ipakat sa anim na kampong paramilitar sa Abujmarh. Dagdag ito sa halos 10,000 pwersang paramilitar na nakapakat na sa lugar. Sa taya ng grupo, mayroong tantos na tatlong paramilitar sa kada pitong lokal na residente sa lugar. Sa kumpas din ng naturang operasyon isinagawa ng mga pulis at pwersa ng estado ang pagpaslang sa isang 6-buwang sanggol noong Enero 1 sa distrito ng Bijapur. “Ang pagtindi ng presensya ng mga paramilitar sa hitik sa likas na yamang mga rehiyon ng India sa tabing ng paglaban sa mga Maoista, ay nagsisilbi - 117 -
sa pagtindi ng pandarambong ng mga korporasyon sa likas na yaman ng bansa sa interes ng imperyalista at malalaking dayuhan,” ayon pa sa FACAM. Dagdag pa nito, sa nagdaang 20 araw lamang ay naitala nila ang 65 pag-aresto laban sa mga tinagurian ng estado na “simpatisador at sumusuporta sa mga Maoista sa buong Bastar.” 80 manggagawa, tatanggalin sa pagbebenta ng SkyCable sa PLDT Enero 28, 2024 Hindi bababa sa 80 manggagawa ng SkyCable Corporation ang tatanggalin sa trabaho sa darating na Pebrero 26 matapos maisapinal ng pamunuan ng kumpanya ang pagbebenta nito sa kumpanyang PLDT ni Manny V. Pangilinan. Ang SkyCable ay pag-aari ng mga Lopez. Tatanggalin ang mga manggagawa sa pagdadahilang “redundancy.” Binatikos ng SkyCable Supervisors, Profesional/Technical Employees Union (SSPTEU) ang tinawag nitong iligal na tanggalan sa mga manggagawa. Sa ulat ng unyon, mahigit 20 sa hanay ng mga superbisor, kabilang ang apat na upisyal ng unyon ang tatanggalin. Anang unyon, “walang pagsangguning ginawa ang maneydsment sa unyon sa tanggalang ito.” Binatikos ng unyon ang kumpanya dahil sa tinawag nitong malinaw na pagbalewala sa patakarang nakasaad sa pinirmahan nitong - 118 -
Collective Bargaining Agreement (CBA) ukol sa pagbabawas ng tao sa ganitong mga pagkakataon. Giit nila, tuwiran itong pagsasaisantabi sa mga karapatan ng unyon at empleyado sa katiyakan sa trabaho. “Inuna nila ang pansariling interes sa kapital kaysa sa kapakanan ng mga apektadong empleyado at mga pamilya nito,” pahayag pa nito. Liban dito, kinundena nila ang taktikang ito ng “union busting” o pagbuwag sa unyon dahil sa maramihang pagtatanggal sa mga unyonisadong manggagawa. Nauna nang ipinabatid ng kumpanya ang posibleng pagbebenta nito sa PLDT noong pang Marso 2023. Kaugnay nito, nagpulong ang 10 unyon mula sa mga sangay ng SkyCable sa Metro Manila, ibang parte ng Luzon, at Mindanao noong parehong buwan. Nagpaabot ng pakikiisa ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa laban ng unyon at mga manggagawa ng SkyCable. Giit ng grupo, dapat kunin ng PLDT ang mga manggagawa at kilalanin ang karapatan nila sa katiyakan sa trabaho. Ayon sa mga ulat, nabili ng PLDT ang SkyCable sa halagang ₱6.75 bilyon. Nagsimula ang operasyon ng kumpanay noong 1991. Inaprubahan ang bilihan ng Philippine Competition Commission (PCC). - 119 -
Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binisita ng UN Special Rapporteur Enero 28, 2024 Nagpasalamat ang mga grupo ng mamamahayag at alternatibong midya sa pagbisita ni Irene Khan, United Nations Special Rapporteur on Free Expression and Opinion, sa nakakulong na mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na sina Marielle Domequil at Alexander Abinguna sa Tacloban City Jail noong Enero 27. Ang tatlo ay nakakulong sa itinuturing ng mga grupo na gawa- gawang mga kaso kabilang ang pagdadawit sa kanila sa “terorismo.” Ayon kay Khan, “kami pa lamang ang internasyunal na mga bisita na pinahintulutan makita sila!” Binatikos ng special rapporteur ang napakabagal na pag-usap ng kaso ng tatlo. Pagtatanong niya, “gaano pa sila katagal maghihintay bago makalaya?” Ipinahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Altermidya Network ang kanilang pasasalamat sa ginawa ni Khan na pagbisita sa mga bilanggong pulitikal. Ayon sa NUJP, “hindi na dapat maghintay pa ng kahit ilang minuto bago sila palayain.” Si Cumpio ay mamamahayag ng Eastern Vista, alternatibong midya sa rehiyon ng Eastern Visayas. Inaresto siya kasama sina Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines, Abinguna, - 120 -
Mira Legion at Marissa Cabaljao sa isang iligal na reyd ng mga pulis noong Pebrero 7, 2020 sa isang upisina sa Tacloban City. Sinampahan sila ng mga kasong illegal possession of firearms. Noong Hulyo 2021, sinampahan ng estado ng dagdag na kasong “financing terrorism” sina Cumpio at Domequil. Pinalalabas ng estado na ang pondong nasamsam mula sa kanila ay para umano sa mga operasyon ng Bagong Hukbong Bayan na pilit nitong binabansagang “teroristang organisasyon.” Naniniwala ang NUJP na dapat nang ibasura ang mga gawa-gawang mga kaso laban kila Cumpio. Anila, ang ebidensya laban sa kanila ay itinanim, at ang mga testimonya ay pawang pineke. Dagdag ng grupo, ang ginawang panggigipit sa mamamahayag na si Cumpio ay katulad din ng ginawa kina Lady Ann Salem at Anne Krueger na pawang sinampahan din ng mga gawa-gawang kaso. Samantala, katulad ng inaasahan at ginawa na dati, minasama at siniraan ng National Task Force-Elcac sa pamamagitan ng pahayag ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng Regional Task Force-Elcac Region 6, ang naging pahayag ni Khan at sinabing iyon ay “direktang insulto” sa kanila. Si Gonzales ay kilalang kadikit ng mga Duterte. Sa harap ng patung-patong na pag-atake sa kalayaan sa pagpapahayag at opinyon, ipinahayag ng NUJP ang kanilang pag-asa na “magsusulong - 121 -
ang special rapporteur ng mga rekomendasyon para mawakasan ang ganitong mga paglabag.” Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binista ng UN Special Rapporteur Enero 28, 2024 Nagpasalamat ang mga grupo ng mamamahayag at alternatibong midya sa pagbisita ni Irene Khan, United Nations Special Rapporteur on Free Expression and Opinion, sa nakakulong na mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na sina Marielle Domequil at Alexander Abinguna sa Tacloban City Jail noong Enero 27. Ang tatlo ay nakakulong sa itinuturing ng mga grupo na gawa- gawang mga kaso kabilang ang pagdadawit sa kanila sa “terorismo.” Ayon kay Khan, “kami pa lamang ang internasyunal na mga bisita na pinahintulutan makita sila!” Binatikos ng special rapporteur ang napakabagal na pag-usap ng kaso ng tatlo. Pagtatanong niya, “gaano pa sila katagal maghihintay bago makalaya?” Ipinahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Altermidya Network ang kanilang pasasalamat sa ginawa ni Khan na pagbisita sa mga bilanggong pulitikal. Ayon sa NUJP, “hindi na dapat maghintay pa ng kahit ilang minuto bago sila palayain.” - 122 -
Si Cumpio ay mamamahayag ng Eastern Vista, alternatibong midya sa rehiyon ng Eastern Visayas. Inaresto siya kasama sina Domequil ng Rural Missionaries of the Philippines, Abinguna, Mira Legion at Marissa Cabaljao sa isang iligal na reyd ng mga pulis noong Pebrero 7, 2020 sa isang upisina sa Tacloban City. Sinampahan sila ng mga kasong illegal possession of firearms. Noong Hulyo 2021, sinampahan ng estado ng dagdag na kasong “financing terrorism” sina Cumpio at Domequil. Pinalalabas ng estado na ang pondong nasamsam mula sa kanila ay para umano sa mga operasyon ng Bagong Hukbong Bayan na pilit nitong binabansagang “teroristang organisasyon.” Naniniwala ang NUJP na dapat nang ibasura ang mga gawa-gawang mga kaso laban kila Cumpio. Anila, ang ebidensya laban sa kanila ay itinanim, at ang mga testimonya ay pawang pineke. Dagdag ng grupo, ang ginawang panggigipit sa mamamahayag na si Cumpio ay katulad din ng ginawa kina Lady Ann Salem at Anne Krueger na pawang sinampahan din ng mga gawa-gawang kaso. Samantala, katulad ng inaasahan at ginawa na dati, minasama at siniraan ng National Task Force-Elcac sa pamamagitan ng pahayag ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng Regional Task Force-Elcac Region 6, ang naging pahayag ni Khan at sinabing iyon ay “direktang insulto” sa kanila. Si Gonzales ay kilalang kadikit ng mga Duterte. - 123 -
Sa harap ng patung-patong na pag-atake sa kalayaan sa pagpapahayag at opinyon, ipinahayag ng NUJP ang kanilang pag-asa na “magsusulong ang special rapporteur ng mga rekomendasyon para mawakasan ang ganitong mga paglabag.” Unyon ng manggagawa sa Nexperia, makikipagnegosasyon para sa CBA Enero 28, 2024 Nagsimula na ang panibagong negosasyon ng Nexperia Phils. Inc.  Workers Union (NPIWU) at pamunuan ng Nexperia Philippines para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa 2024 hanggang 2026. Inianunsyo ito ng unyon noong Enero 25. Magaganap ang panibagong negosasyon kasunod ng tanggalan sa mga manggagawa at ilang upisyal ng unyon noong Setyembre 2023. Dumalo sa pulong para sa CBA Ground rules ang Executive Board, Shopstewards Council at pederasyon mula sa panig ng unyon at mga upisyal ng pamunuan ng kumpanya. Inihayag ng unyon ang kanilang determinasyong ipaglaban ang interes ng mga manggagawa sa muling pagbubukas ng negosasyon para sa CBA. Ibinahagi nito ang mga naranasan sa nakaraang negosasyon para sa CBA kung saan inabutan ng pandemya noong 2020. Samantala, sa pambungad na talumpati ng pangkalahatang manedyer ng kumpanya, inilatag niya ang kalagayan ng ekonomya sa buong mundo - 124 -
na nakakaranas ng pagbagsak. Pero ipinabatid din niya ang pag-asang magkakaroon ng magandang resulta ang CBA. Para sa unyon, mahalagang magkaroon ng bagong CBA upang makakaagapay ang mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pagbaba ng halaga ng sahod ng manggagawa bunga na rin ng mataas na implasyon noong mga nakaraang buwan. Matatandaang inilunsad ng mga manggagawa ng Nexperia Philippines, sa pamumuno ng unyon, ang sunud-sunod na mga pagkilos para labanan ang tanggalan at mga atake ng maneydsment sa unyon, at ipagtanggol ang kanilang karapatan sa trabaho noong huling kwarto ng 2023. Binatikos ng unyon sa panahong ito ang paglabag ng kumpanya sa mga napagkasunduan sa CBA. Tinanggal nito ang walong manggagawa, kabilang ang tatlong upisyal ng unyon. Sa gitna ito ng “internal hiring” na nangangahulugan na may mga bakante pang pusisyon sa kumpanya. Batid ng mga manggagawa na nais lamang ng Nexperia na tanggalin ang regular na mga manggagawa para makatipid at pahinain ang kanilang unyon. Ang Nexperia Philippines ay subsidyaryo ng kumpanyang Nexperia na nakabase sa The Netherlands. Nagmamanupaktura ito ng mga semiconductor sa mga pabrika nito sa Europe, Asia at US. Noong 2022, nagtala ito ng $2.36 bilyong kabuuang rebenyu, na mas mataas nang 10.7% - 125 -
kumpara sa naunang taon. Lumaki rin nang 12% ang benta nitong mga produkto. Malaki ang inaasahan nitong paglago sa susunod na mga taon, lalupa’t nagsisilbi ang mga produkto nito sa paglawak ng pangangailangan para sa teknolohiya sa buong mundo. 35 berdugong pulis ng India, napaslang sa pag-atake ng PLGA Enero 29, 2024 Hindi bababa sa 35 elemento ng Central Armed Police Force (CAPF) ng reaksyunaryong estado ng India ang napaslang sa pag-atake ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) sa kampo nito sa Darmavaram sa erya ng Pamed, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 16. Liban dito, 40 iba pang pulis ang malubhang nasugatan. Ang yunit ng pulis at kampo ay kilala sa mga paglabag sa karapatang-tao ng mga Adivasi at pagprotekta sa mga malalaking korporasyon na nandarambong sa mga kagubatan at lupa ng mga Adivasi. Pinagpugayan ng Central Regional Bureau ng Communist Party of India (Maoist) ang naturang reyd at pagtatanggol sa mamamayang Adivasi. Ayon dito, nakapagbigay ng hustisya ang reyd dahil sa mga kaso ng panunupil ng mga pulis laban sa rebolusyonaryong mamamayan. Ang yunit ay bahagi din ng tinawag nitong “carpet security” sa erya. Tugon din ang armadong aksyon sa bagong lunsad na kampanyang Operation Kagar sa rehiyon na - 126 -
bahagi ng pagpapatupad sa kontra-insurhensyang kampanya na Operation SAMADHAN-Prahar (OSP). Pinakikilos sa ilalim ng Operation Kagar ang may 3,000 pwersang paramilitar galing sa ibang estado ng India para ipakat sa anim na kampong paramilitar sa Abujmarh, kabundukan sa Chhattisgarh. Dagdag ito sa halos 10,000 pwersang paramilitar na nakapakat na sa lugar. Sa ulat, nagsimula ang pag-atake ng alas-7:05 ng gabi. Gumamit ang PLGA ng mahigit 600 granada gamit ang grenade launcher at iba pang sariling likhang mga pampasabog. Bago ang mismong pag- atake sa kampo, kinontrol na ng mga gerilya ng PLGA ang palibot na lugar nito. Binarikadahan nila ang mga susing daanan gamit ang malalaking troso at pinakilos ang milisya para pasabugan ang rerespondeng mga yunit ng pulis. “Determinado ang kaaway na itago ang kanilang pagkatalo para panatilihing mataas ang moral ng kanilang mga pwersa,” ayon kay Kasamang Pratap, tagapagsalita ng Central Regional Bureau ng CPI (Maoist). Ikinural na umano ang buu-buong mga komunidad at hindi pinahihintulutan na makapasok kahit ang mga mamamahayag para mag-alam at mag-imbestiga para sa kanilang pagbabalita. “Ang reyd ng mga pwersa ng PLGA ay isang militanteng paglaban sa korporatisasyon- militarisasyon ng mga kagubatan na nagdudulot ng malawakang pagpapalayas sa mamamayang Adivasi mula sa kanilang lupa at malubhang pagkawasak sa kalikasan,” ayon kay Kasamang Pratap. Hindi umano ito pahihintulutan ng - 127 -
rebolusyonaryong kilusan ng India at pamalagiang gagawa ng paraan para bigyan sila ng hustisya at dinggin ang kanilang makatarungang panawagan. Samanatala, pinarangalan ng Central Regional Bureau ng CPI (Maoist) ang tatlong namartir na mga mandirigma ng PLGA sa naturang armadong aksyon. Mga grupong pambansa-demokratiko, magrarali sa embahada ng US sa anibersaryo ng gerang Pilipino- Amerikano Enero 29, 2024 Inianunsyo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang plano nitong magsagawa ng isang rali sa embahada ng US sa Maynila sa darating na Pebrero 4 bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano. Ayon sa grupo, ang digmaan ay isang “brutal na gera para sakupin ang Pilipinas sa ngalan ng mga interes ng imperyalistang US.” Tinatayang 20,000 sundalong Pilipino ang napatay, at higit 200,000 sibilyang Pilipino ang pinaslang ng mga kolonyal na sundalong Amerikano, habang mahigit isang milyon ang nasawi dahil sa gutom at sakit na idinulot ng gera. “Ang gerang Pilipino-Amerikano ay pagsusubok noon ng US sa doktrinang kontra-insurhensya nito na patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasalukuyan laban sa mga kilusang pambansang - 128 -
pagpapalaya sa buong daigdig, kabilang na ang Pilipinas,” ayon sa pahayag ng Bayan. Anang grupo, dapat patuloy na batikusin ang US, hindi lamang sa nagpapatuloy na paghingi ng hustisya, kundi dahil matapos ang higit isang siglo, patuloy ang banta ng panggegera ng US. Sinusuportahan nito sa kasalukuyan ang kampanya ng pagdurog at henosidyo laban sa mamamayang Palestino ng Zionistang Israel sa Gaza, habang nang-uupat ng gera sa East Asia sa pagpapakat ng mga tropang militar sa naturang rehiyon. “Interesado lamang ang US sa walang-tigil na mga gera para isulong ang hegemonya nito,” pagdidiin ng Bayan. Malinaw na malinaw umano na ang imperyalistang US ang pasakit sa buong mundo hanggang sa kasalukuyan. “Hindi ito kaibigan ng mamamayang Pilipino,” giit ng grupo. Dadalhin ng Bayan at mga grupong pambansa- demokratiko sa embahada ng US ang mga panawagan nito para ihinto ang mga gerang pinangungunahan ng US at henosidyo; palayasin ang tropang Amerikano at base militar nito sa Pilipinas; at hustisya para sa mamamayang Palestino. Nagpapatuloy na pag-block ng rehimeng Marcos sa mga progresibong website, binatikos Enero 29, 2024 - 129 -
Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga tagapagtanggol sa kalayaan sa pamamahayag sa harap ng upisina ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City ngayong Enero 29 para batikusin ang nagpapatuloy na pag-“block” o pagharang sa 27 website ng mga alternatibong midya, progresibo at rebolusyonaryong grupo sa bansa. Nagsimula itong i-block noong Hunyo 2022 sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ang kautusan ay inilabas ng NTC noong Hunyo 8, 2022 matapos iutos ng hepe ng National Secutiry Council na si Gen.  Hermogenes Esperon. Ginawa ito ni Esperon alinsunod sa walang-batayang designasyon ng Anti-Terror Council sa Partido Komunista ng Pilipinas bilang isang teroristang organisasyon at mga binansagan nitong “tagasuporta” o “may kaugnayan” sa Partido. Kabilang sa mga website na naka-block ang sa pahayagang Bulatlat at Pinoy Weekly, at sa mga grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, Amihan Women, at PAMALAKAYA-Pilipinas. Muling iginiit ng mga grupo sa rehimeng Marcos na tanggalin ang pagka-block ng mga website bilang pagkilala at pagrespeto sa karapatang magpahayag sa bansa. Itinaon nila ang pagkilos sa isinasagawang pagbisita at imbestigasyon ni Irene Khan, United Nations Special Rapporteur for Freedom of Opinion and Experession, sa bansa. Kabilang din ang mga kasong ito sa isinumite ng mga grupo na ulat kay Khan. - 130 -
Matapos ang pagkilos sa NTC, tumungo ang mga grupo sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na upisina ng National Task Force- Elcac para magsagawa ng isa pang protesta. Binatikos ng mga grupo ang ginagawang panunupil at kampanya ng malawakang red- tagging ng naturang ahensya. Iginiit nilang buwagin na ang NTF-Elcac. Ayon sa Bayan, inilunsad nila ang magkasunod na pagkilos para “pasinungalingan ang pahayag ng gubyerno sa pagbisita ni Khan na buhay na buhay ang kalayaan sa pagpapahayag sa bansa.” Giriang Marcos-Duterte, kinamuhian ng sambayanan Enero 30, 2024 Kinamuhian ng malawak na masa ng sambayanan ang lantad na lantad nang girian ng naghaharing mga pangkating Marcos at Duterte. Noong Enero 28, direktang sinumbatan ng mag-amang Rodrigo at Sebastian Duterte si Ferdinand Marcos Jr sa isang rali na isinagawa ng kanilang pamilya sa Davao City laban diumano sa charter change. Sa rali na ito, “isiniwalat” ng amang Duterte na sangkot sa droga si Ferdinand Marcos Jr pero hindi niya ito isiniwalat o ikinulong dahil sa kanilang “pagkakaibigan.” Noon pa man, pinasasaringan na ng matandang Duterte si Marcos Jr bilang “adik” na gumagamit ng cocaine. Direkta niya itong isiniwalat matapos “magbukas” si Marcos Jr sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang kanyang kasong - 131 -
krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng “gera kontra-droga.” Natapos na ng ICC ang imbestigasyon nito sa kaso noong nakaraang taon. Siningil naman ng nakababatang Duterte si Marcos Jr na aniya’y walang utang na loob matapos pahintulutan ng kanyang ama na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang kinamuhiang diktador na si Ferdinand Marcos Sr.  Tinawg niyang “tamad” at “walang malasakit” si Marcos Jr, at nanawagan para sa kanyang pagbaba sa pwesto. Sinagot ito ng pangkating Marcos, sa katauhan ni House Speaker Martin Romualdez, bilang “walang paggalang” sa nakaupong presidente. Pinangungunahan ni Romualdez, gamit ang Kongreso, ang pagbawi sa pondo at mga kontratang pampubliko na pinagkakakitaan ng pamilyang Duterte. “Wag na kayong magturuan, parehas lang kayong adik—adik sa kapangyarihan at yaman na dapat ay sa mamamayan!” batikos ng grupong Anakbayan. “Imbis na gumawa ng mga kongkretong hakbang para apulahin ang lumalalang krisis na dinaranas ng mamamayan, mas pinipili ng mga kampo ni Marcos Jr at mga Duterte na magbardagulan para sa sariling interes nila.” Itinapat ng mag-amang Duterte ang rali sa isinagawang “grand rally” ng pangkating Marcos sa Luneta para ilunsad and hungkag na “Bagong Pilipinas.” - 132 -
“Kahihiyan sa taumbayan ang bangayan ng mga pamilya Marcos at Duterte na nailantad nang buo sa publiko kahapon,” pahayag ng Kilusang Mayo Uno noong Enero 29. Batid nito na bahagi ang girian sa pagpppostura ng dalawang pangkatin sa susunod na eleksyon. “Sino ang collateral damage? Ang manggagawa at mamamayan. Ito ang pinagkakaabalahan ng mga naghahari habang tumitindi ang kahirapan, kagutuman at inhustisya,” ayon pa sa grupo. Napakaraming dapat harapin—ang pangangailangan ng nakabubuhay na sahod, regular na trabaho at respeto sa mga unyon ng mga manggagawa, anito. Binatikos rin ng mga grupong demokratiko ang magastos at walang katuturang “grand rally” at pakanang “Bagong Pilipinas” ng pangkating Marcos. “Sayang lang ang pera ng taumbayan dito at gagawin pang halos mandatory ang pagdalo samantalang napakaraming dapat asikasuhin ng mga kawani ng gubyerno at maging ng mga upisyal ng barangay,” ayon kay Atty. Neri Colmenares, dating kinatawan ng Bayan Muna, bago idinaos ang rali. “Sa gitna ng kahirapan at kawalan ng ayuda, gagastos na naman ang gubyerno sa isang rally na walang katuturan. Ang lalo pang masakit ay ayon sa ilang nakausap nating baranggay at Sangguniang Kabataan officials ay gagamitin din daw ang raling ito ng administrasyong Marcos Jr para itulak uli ang chacha (charter change) at - 133 -
palabasin na ang mga pumunta dun ay suportado ito,” aniya. “Dapat ginamit na lamang ang oras at pagod… para iangat ng buhay ng mga Pilipino at hindi para sa isa na namang pagtatangkang rebranding para pabanguhin ang administrasyong Marcos Jr,” pahayag ni Rep.  France Castro ng ACT Teachers Party List. “Mapabababa ba ng Bagong Pilipinas ang sumisirit na presyo ng bilihin? Magkakaroon na ba ng P20 kada kilo ng bigas bukas dahil dyan? Tataas na ba ang sahod ng mga guro at kawani dahil dyan? Malulutas na ba ang batayang problema ng sambayanang Pilipino dahil sa rebranding na ito?” aniya. Ayon naman sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), hindi matatabunan ng “Bagong Pilipinas” ni Marcos Jr, na kapareho ng “Bagong Lipunan” ng kanyang amang diktador, ang matatagal nang problema ng Pilipinas. “Mula Marcos Sr tungong Marcos Jr, nananatiling mga usapin ang kahirapan, disempleyo, gutom at matinding korapsyon,” ayon sa grupo. “Mula noon hanggang ngayon, lalupang tumindi ang abang kalagayan ng mamamayang Pilipino. Sa bahagi nito, nagbabala ang grupong Pamalakaya sa pwersahang panunumbalik ng pangkating Duterte sa poder at nanawagan sa kasapian nito na maging mapagbantay sa “desperado at posibleng marahas na pagtatangka” ng pangkatin na bumalik at monopolisahin ang - 134 -
kapangyarihan ng estado. Anito, “hina-hijack” ng pangkating Duterte ang oposisyon sa charter change ng mamamayan para sa sariling interes. “Para sa mga mangingisda, walang naniniwala sa dating Pangulong Duterte na nagmamalasakit ito sa konstitusyon, dahil siya mismo ang lantarang lumabag dito sa ilalim ng kaniyang panunungkulan. Huwag niyang gamitin ang usapin ng niraratsadang cha-cha para mag-astang oposisyon,” ayon sa grupo ng mga mangingisda. Kita ng US sa mga imperyalistang gera at agresyon, lomobo nang 16% noong 2023 Enero 30, 2024 Lumobo nang 16% ang supertubo ng industriyang militar ng US noong 2023 dulot ng inilulunsad nitong imperyalistang gera at agresyon, pangunahin sa gerang proxy nito laban sa Russia sa Ukraine. Tumabo ng $238 bilyon ang mga Amerikanong kumpanyang gumagawa ng armas noong nakaraang taon, ayon mismo sa Department of State ng US sa pahayag nito noong Enero 30. Ang $81 bilyon dito ay direktang benta ng gubyerno ng US sa Ukraine. Liban sa Ukraine, tumaas ang benta ng US sa mga alyado nito sa NATO sa Europe. Pinakamalaki ang benta nito sa Poland, na katabi lamang ng Ukraine. Kabilang sa mga ibinenta nito sa bansa ang mga helikopter ($12 bilyon) at High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS ($10 bilyon.) Nagbenta rin ito ng mga helikopter sa Germany - 135 -
($8.5 bilyon) at Norway ($1 bilyon.) Sa panahon ding ito, ang mga bansang ito ay “nagbenta” ng kanilang lumang mga armas sa Ukraine. Ang mga gamit na ito ay regular na idinidisplay ng US sa mga war games nito sa Pilipinas para paglawayan ng tutang AFP, at kabilang sa mga inilalako ng US sa Pilipinas sa mga pulong ng Security Engagement Board sa ilalim ng Mutual Defense Treaty. Pinagtibay kamakailan ni Marcos ang plano ng AFP na gumastos ng ₱1 trilyon sa susunod na sampung taon para sa “modernisasyon.” Liban sa mga nabanggit, bumili ng dagdag na armas ang mga alyado ng US sa Asia tulad ng South Korea ($5 bilyon) at Australia ($6.3 bilyon) bilang bahagi sa kanilang “pakikipag-alyansa” laban sa China. Dagdag sa luma at bagong mga armas, malaki rin ang naibenta ng US na mga pyesa, makina at serbisyo sa mga bansang ito. Pinakamalaki sa mga kumita ang Lockheed Martin na nagsusuplay ng mga Javelin anti-tank missiles, HIMARS at mga rocket nito, at samutsaring misayl; General Dynamics na nagbebenta ng mga tangke at artileri; at Northrop Grumman na tumabo sa pagbebenta mga rocket, bala at ibang gamit militar. Mahigpit na katuwang ang mga kumpanyang ito sa mga krimen sa digma at henosidyo ng US at Israel sa Palestine. - 136 -
Tuluy-tuloy na lolobo ang kita ng mga kumpanyang ito sa harap ng panunulsol ng US ng gera laban sa China, nagpapatuloy na gera sa Ukraine at pinalalawak na imperyalistang agresyon sa Middle East. Presyo ng langis, apat na beses nang tumaas sa 2024 Enero 30, 2024 Naglunsad ng protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip sa harap ng Shell Gasoline Station sa Caretta, Cebu City ngayong araw, Enero 30, para kundenahin ang muling pagtaas ng presyo ng langis. Itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina nang ₱2.80 kada litro, ₱1.30 kada litro ng diesel at ₱0.45 kada litro ng kerosin. Ang naturang pagtaas ay pang-apat na sa unang apat na linggo ng taon. Kumukonsumo ng hanggang 30 litro ang isang dyip sa isang araw na pamamasada. Sa abereyds na presyong ₱61.50/litro ng diesel, gumagastos ng ₱1,845 kada araw para sa langis ang isang drayber ng dyip, mas mataas nang ₱70 kumpara noong Disyembre 2023, kung saan nasa ₱59.15 ang abereyds na presyo ng diesel kada litro. 5-araw na piket sa Maynila, inilulunsad ng mga empleyadong tinanggal sa BACIWA Enero 31, 2024 - 137 -
Nagtungo sa Maynila ang mga tinanggal na empleyado ng Bacolod City Water District (BACIWA) upang magpiket-protesta sa pambansang tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City mula Enero 29 hanggang Pebrero 2. Giit nilang ibasura ang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Water ng mga Villar at BACIWA na dahilan ng pagkawala ng kanilang trabaho at pagpapailalim ng serbisyo ng BACIWA sa kontrol ng pribadong korporasyon. Bumiyahe sa Metro Manila ang mga manggagawa ng BACIWA Employees Union (BEU) mula sa Bacolod City, Negros Occidental para labanan ang apela ng pamunuan ng BACIWA at PrimeWater sa naging hatol ng CSC Region 6 na pabor sa tinanggal na mga manggagawa. Naipagtagumpay ng unyon ang kaso noong 2021 para ibalik sa trabaho ang mga sinisante. Nagtungo noon pang Abril 2023 ang mga manggagawa sa upisina ng CSC para iprotesta ang mabagal na pag-usad ng kaso ng kanilang reinstatement. Muli nilang ipinanawagan na aksyunan na ang apela ng BACIWA. Tinanggal ang 59 empleyado ng BACIWA noong Disyembre 2020 matapos ang pribatisasyon at pagpirma sa JVA sa pagitan ng BACIWA at ng Prime Water Incorporated na pag-aari ng pamilyang Villar noong Nobyembre 16, 2020. Inalis sila sa pwesto dahil sila diumano’y redundant na o may iba nang gumagawa ng kanilang trabaho sa BACIWA. - 138 -
Nagpaabot ng pakikiisa at suporta ang Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa piket-protesta ng mga manggagawa ng BACIWA. Giit ng grupo na tugunan na ng CSC ang kaso dahil higit tatlong taon nang walang trabaho ang mga manggagawa. Nakipagdayalogo rin ang mga kinatawan ng BEU at tinanggal na mga manggagawa sa ilang kinatawan ng Kongreso ngayong Enero 31. Idinulog nila ang kanilang panawagan para sa kagyat na pagbalik nila sa trabaho. Pagpapapirma para sa chacha, sinuspinde sa gitna ng mga anomalya Enero 31, 2024 Sinuspinde nang walang taning noong Enero 29 ng Commission on Elections ang pangangalap ng pirma para sa isang “people’s initiative” para sa charter change (chacha) o pagbabago sa konstitusyong 1987. Ayon sa komisyon, kailangang balik-aralan muna ang resolusyong namamahala sa gayong inisyatiba. Bago nito, inianunsyo ng Comelec na “tagatanggap” lamang ito ng mga pirma. Ibinalita nito kamakailan na tinanggap na nito ang pitong milyon lagda mula sa 209 distrito. Kailangan ng di bababa sa 11.4 milyong lagda o 12% sa 91.9 milyong rehistradong botante para maitulak ang isang people’s initiative. - 139 -
Napatigil ang pangangalap sa harap ng malawak na pagtutol dito ng iba’t ibang sektor. Simula pa lamang, nabunyag na ang paggamit ng pampublikong pondo para sa pangangalap ng pirma. Laganap ang balita ng pagpapapirma kapalit ng ₱100 o mas malala, ayuda mula sa iba’t ibang ahensya ng estado. Kinontra rin ng Senado at mga eksperto sa konstitusyon ang inisyatiba. Labag ito diumano sa konstitusyon, ayon sa isang retiradong mahistrado ng Korte Suprema. Aniya, tanging mga amyenda, at di rebisyon ng konstitusyon ang pinapayagang idaan sa pamamagitan ng isang people’s initiative. Sa isang pandinig sa Senado noong Enero 30, nabunyag ang pagsasabwatan ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma), ang grupong nagbayad ng patalastas para itulak ang chacha, at ni House Speaker Martin Romualdez at iba pang kongresista, para sa pangangalap ng pirma. Liban sa panunuhol kapalit ng mga pirma, nabunyag din ang paggastos ng PIRMA ng ₱55 milyon para i-ere ang patalastas na tumuya sa Pag-aalsang EDSA at nagsisi dito sa mga problema ng bansa sa konstitusyon. Samantala, napilitan na si Ferdinand Marcos Jr na pansamantalang ipatigil ang pangangalap ng mga pirma dahil masyado umano itong “mapanghati.” “Sa ngayon, patuloy pa rin ang people’s initiative, pero di ako tiyak kung opsyon pa ito para sa amin,” pahayag niya noong Enero 30. Aniya, ipinatatanong pa niya sa kanyang mga abugado, kabilang sina presidential legal counsel Juan - 140 -
Ponce Enrile, kung anu-ano pa ang mga opsyon para mabago ang konstitusyon. “Magandang balita ito at hihintayin namin ang pormal at nakasulat na desisyon na ito ng Comelec,” pahayag naman ni Rep.  France Castro ng ACT Teachers Party List noong Enero 30. “Sa totoo lang, it’s a waste of time (pagsasayang lang ito ng panahon). Dapat na mas tutukan ng Comelec ang pagpaarehistro ng mga botante para sa eleksyon sa 2025. Kasi masasayang lang ang tinatanggap nilang mga pirma kung iwiwithdraw (lang din naman).” Sa harap ng suspensyon, magpapatuloy ang kampanyang “bawi-pirma” na sinimulan ng Bayan Muna noong Enero 28. Marami nang pumirma ang nagpahayag ng kagustuhang bawiin ang kanilang pirma nang malaman nilang para pala ito sa charter change. Anila, kung hindi pagpapapirma para sa ayuda, ibang dahilan ang sinabi sa kanila kaya sila pumirma. Ayon kay Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna, patuloy na mangungulekta ang grupo ng “Affidavit and Manifestation of Withdrawal” hanggang di binibitawan ng PIRMA ang pakanang people’s initiative. “Patuloy kaming mangangalap ng mga affidavit na ‘bawi-pirma’ at maglulunsad ng mga porum sa buong bansa,” aniya. “Ayaw naming magulat sakaling biglang bawiin ng Comelec ang suspensyon.” - 141 -
Pagsisimula ng klase sa UP Manila at UP Visayas, sinalubong ng protesta Enero 31, 2024 Nagprotesta ang mga iskolar ng bayan sa University of the Philippines (UP) Manila at UP Visayas sa pagbubukas ng klase nito noong Enero 29. Karaniwang inilulunsad ng mga estudyante ng UP ang tinatawag nitong “First Day Rage” para salubungin ang pagbubukas ng klase at patampukin ang iba’t ibang isyung panlipunan. Sa UP Manila, isinagawa ng mga progresibong organisasyon at ng mga konseho ng mag-aaral sa kampus ang pagkilos sa College of Arts and Sciences (CAS) Gate at sa College of Medicine Gate. Samantala, inilunsad ng mga grupo sa pangunguna ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan-UPV, ang kanilang pagkilos sa New Administration Building, UP Visayas, Miagao, Iloilo. Itinampok ng mga grupo ang mga usapin at isyu ukol sa kawalan ng mga espasyo para sa estudyante, pagkakaltas ng badyet sa mga state universities and colleges at local universities and colleges, at pagtapak sa karapatang pang- akademiko at militarisasyon sa kampus. Ipinaabot din nila ang suporta sa mga tsuper at opereytor ng dyip para labanan ang public utility vehicle (PUV) phaseout. Nagpahayag din sila ng pagtutol sa charter change ng rehimeng US-Marcos. “Ang protestang ito ay simbolo ng ating patuloy na pakikibaka para sa karapatan, kabuhayan, at - 142 -
kalayaan. Sa harap ng patuloy na paghihirap ng sambayanang Pilipino kinakailangan ang aktibo at militanteng paglaban ng kabataan at buong sambayanan,” pahayag ng SAMASA-UPV. Rekomendasyon ng DoJ na kasuhan ang 2 dinukot na aktibista, kinundena Enero 31, 2024 Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan at tagapagtanggol ng karapatang-tao ang rekomendasyon ng Department of Justice na kasuhan sina Jonila Castro at Jhed Tamano ng “oral defamation” dahil sa “pagpapahiya” diumano nila sa mga sundalo sa isang press conference. Matatandaang balak noon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iprisenta sa publiko ang dalawa bilang mga “surrenderee” pero sa halip na sumunod sa dikta ng mga sundalo, matapang na ibinunyag nina Castro at Tamayo na sila ay dinukot, pinagbantaan at ipinailalim sa tortyur. Ginawa ng DoJ ang rekomendasyon matapos ibasura nito ang kasong perjury o pagsisingungaling na isinampa ng 70th IB laban sa kanila. “Nakadidismaya” ang reaksyon ni Castro at Tamano sa anila’y malinaw na pagpanig ng DoJ sa tinahi-tahing kwento ng AFP at NTF-ELCAC sa kasong isinampa sa kanila ng militar. “Isinaisantabi ni Prosecutor Arnold Magpantay na kami ay dinukot ng mga (ahenteng) militar, dinala sa mga safehouse, at ipinailalim sa psychological - 143 -
torture para piliting sakyan ang kwentong binuo ng ahente ng NTF-ELCAC,” ayon sa dalawa. “Itinuring niya ang banta sa aming buhay bilang pawang “imahinasyon” lamang. Ang intensyon namin na paglalantad ng katotohanan ay pinalabas na nagmula sa isang ‘malalim na paghahangad’ na siraan at ipahiya ang AFP.” Ayon sa dalawa, pinatutunayan lamang ng desisyon na tama ang kanilang pagkwestyon sa kakayahan ng DOJ na maging patas sa imbestigasyon. “(U)na pa lang ay nagbigay na ng malisyosong pahayag si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na ang aming ginawa ay parte lang ng ‘bagong pakana ng CPP-NPA’.” “Sa halip na kilalanin ang nakagigimbal na kwento nina Jhed at Jonila kaugnay sa pagdukot, detensyon at tortyur sa kanila, pinagmukha pa ng DoJ na biktima ang mga nagdukot,” ayon naman kay Cristina Palabay ng grupong Karapatan. “Nakapanggagalit na nakapaglabas ang DOJ ng isang desisyon na naglehitimisa sa nagpapatuloy na mga pang-aatake laban sa mga tagapagtanggol ng kalikasan na sina Jhed at Jonila,” pahayag ni Jon Bonifacio, national coordinator ng Kalikasan PNE. “Sa halip na bigyan ng kaunting hustisya sina Jhed at Jonila matapos ang kahindik-hindik nilang karanasan, binigyan pa ng bala ang mga dumakip sa kanila na militar.” Ipinanawagan ng mga grupo na kagyat na tugunan ng Korte Suprema ang petisyon ng dalawang aktibista para sa writ of amparo para sa kanilang kaligtasan. - 144 -
“Malinaw para sa amin na ang mga kasong ipinataw ay harassment para siraan ang moral, manakot sa mga gustong lumaban para sa karapatan, at magpatahimik,” pagtutuloy nina Castro at Tamano. “Isa lang ito sa maraming porma ng panunupil at paglabag sa ating karapatan sa pagpapahayag ng pagtutol sa anti- mamamayang mga patakaran.” Tanggalan sa sektor ng teknolohiya, nagpapatuloy sa gitna ng pagsirit ng tubo ng mga kumpanya Enero 31, 2024 Tuluy-tuloy ang tanggalan ng mga manggagawa sa industriya ng teknolohiya sa buong mundo nitong taon. Sa unang apat na linggo pa lamang ng 2024, umabot na sa 24,584 manggagawa mula sa 93 kumpanya ang nawalan ng trabaho. Karugtong ito sa paglusaw ng mga kumpanya sa teknolohiya ng 260,000 trabaho noong 2023. Ayon sa mga pagsusuri, ang pangunahing dahilan ng malawakang tanggalan ay ang paggamit ng mga kumpanya ng artificial intelligence (AI) sa iba’t ibang bahagi at antas ng kani-kanilang mga operasyon. Noong nagdaang taon, kabilang sa mga nagsisante ang malalaking kumpanyang Amerikano tulad ng Alphabet/Google (12,000+), Microsoft (16,000+), Meta/ Facebook (10,000+), Amazon (27,000+) at Tiktok, gayundin ang iba pa tulad ng Discord, Accenture (19,000), Vodafone (11,000) at marami pang iba. Nito lamang - 145 -
nagdaang buwan, hindi bababa sa 100 kumpanya ang nag-anunsyo ng mga tanggalan ng kanilang mga manggagawa. Naganap rin ang malawakang tanggalan ng mga manggagawang sa teknolohiya sa Pilipinas. Ayon sa pinakahuling ulat ng Job Displacement Report ng Department of Labor and Employment, umabot sa 3,089 ang permanenteng nawalan ng trabaho sa sektor ng teknolohiya noong Enero 2023. Mas mataas ito nang 87% kumpara sa nawalan ng trabaho sa sektor noong Enero 2022. Sa kabila nito, buong pagsisinungaling pa rin na ipinalalaganap ng reaksyunaryong estado ang kunwa’y 200,000 “kakulangan” ng mga manggagawang sa teknolohiya sa bansa. Ang mga tanggalan ay naganap na harap ng nagtataasang kita ng nabanggit na mga kumpanya. Tumaas ang kita ng Microsoft nang 18% noong huling kwarto ng taon, dulot pangunahin ng pag-arangkada ng serbisyong AI nito mula sa pamumuhunan nito sa kumpanyang OpenAI, ang gumawa ng ChatGPT. Ang paglobo ng benta nito ay lalupang nagpasirit sa presyo ng sapi nito sa stockmarket. Sa ngayon, 70% na mas mataas ang halaga ng sapi nito kumpara sa nakaraang taon. Inilagay sa $3 trilyon ang presyo ng kumpanya sa merkado. Gayundin, tumabo ang Alphabet/Google nang $20.7 bilyong kita, pangunahin mula sa mga patalastas sa Youtube at kita sa cloud computing (pang serbisyong elektroniko sa internet). Nasa proseso ang kumpanya sa paglalabas ng sarili nitong AI model na kahalintulad sa ChatGPT. Sa - 146 -
ngayon, papalaki na ang paggamit sa AI sa mga produkto nito tulad ng Gmail at ang Google Searches. ₱2 trilyon para sa “modernisasyon” ng AFP, inaprubahan ni Marcos Jr Enero 31, 2024 Sa gitna ng di matapos-tapos na ugong ng kudeta at destabilisasyon, inaprubahan ni Ferdinand Marcos Jr ang ₱2 trilyong badyet para sa “modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Gagamitin ang pondo para sa ipambili ng mga eroplano, barko, armas, pyesa at serbisyo na nakasaad sa “Horizon 3” ng AFP Modernization Act. Layunin ng Rehorizoned Capability Enhancement and Modernization Program o ReHorizoned 3 ang pagbili ng armas mula sa US at mga alyado nito para sa “teritoryal na depensa” ng Pilipinas. Kabilang dito ang pagbili ng pinaglumaan pero mamahalin pa ring F-16 ng US at malalaking barko na gagamitin sa pakikipag-“joint patrol” nito sa South China Sea. Ang pagbili ng naturang mga sasakyan at gamit militar ay alinsunod sa itinakdang papel ng US sa AFP sa pakikipaggirian nito sa karibal na China. Para matiyak ang katapatan ng mga heneral sa kabuuan ng kanyang termino, isinaad ni Marcos na gagastusin ang pondo sa loob ng 10 taon. Una nang inaprubahan ni Marcos noong Disyembre ang pagpalaki ng badyet ng AFP tungong $285 bilyon sa 2024. Ayon sa ilang manunuri, ₱110 - 147 -
bilyon hanggang ₱115 bilyon dito ang maaaring ilalaan para sa pagbili ng bagong mga armas at pagserbisyo sa lumang mga asset na nilaspag o nasira na ng AFP. Malayong mas malaki ito sa taunang ₱25 bilyon-₱30 bilyon na inilaan noon ng rehimeng Duterte para sa programa. Nakabalangkas ang Rehorizoned 3 sa “bagong” konsepto ng depensa na tinawag ng AFP na Comprehensive Archipelagic Defense Concept. Ayon kay Gilbert Teodoro, kalihim ng Department of National Defense, ang plano sa depensa na ito, na inilarawan din bilang “strategic shift,” ay “maggagarantiya sa mga korporasyong Pilipino, at mga dayuhang pahihintulutan ng Pilipinas, na payapang makapagsagawa ng mga eksplorasyon at pagsasamantala sa lahat ng mga likas na yaman sa loob ng exclusive economic zone (ng Pilipinas) at iba pang mga lugar kung saan mayroon tayong hurisdiksyon.” Isang pinaglalawayan ng mga dayuhang kumpanya, laluna ng mga kumpanyang Amerikano, ang mayamang deposito ng natural gas at langis na matatagpuan sa West Philippine Sea at karugtong nitong South China Sea. Ipinamamarali ng rehimeng Marcos at ng AFP na ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept ay para sa depensa at interes ng Pilipinas. Pero sa aktwal, bahagi ito ng Archipelagic Defense Strategy na binalangkas ng US para kontrahin ang China sa tinatawag nitong Western Pacific Theater of Operations (WPTO). Gamit ang tuta nitong mga gubyerno at hukbo sa Asia, inilalatag ng US ang “archipelagic defense” na ang ibig sabihin ay ang pagdudugtong ng mga estratehikong isla sa - 148 -
tinawag nitong “first island chain.” Kabilang sa “chain” o tanikala na ito ang Pilipinas. Bahagi ng Archipelagic Defense Strategy ang taktikang anti-access/area denial (A2/AD) laban sa China na may layuning “inyutralisa” ang kakayahan ng “kaaway” (China), at “supilin” (suppress) o “burahin” (eliminate) ang mga abilidad nito na makapaglunsad ng “agresyon” sa rehiyon. Kabilang sa mga aktibidad nito ang walang patlang na paglulunsad ng mga freedom of navigation operations, “joint patrol” kasama ang mga inarmasan at kontrolado nitong hukbo sa rehiyon, wargames sa karagatan at kalupaan at permanenteng presensya ng mga tropa at gamit sa mga base nito sa Pilipinas, South Korea at Japan. - 149 -

Source: https://philippinerevolution.nu/2024/03/31/ang-bayan-ngayon-compilation/