PDF Content:
PDF Source:
NOB 2024 EDITORYAL NOONG NAKARAANG BUWAN, nag-isang taong anibersaryo ang nagpapatuloy na henosidyo ng mamamayang Palestino, at maging mamamayan ng mga karatig na bansa, sa kamay ng Zionistang Israel. Sa kabila ng pagkondena ng mga bansa, institusyon, at mga mamamayan ng daigdig sa ginagawa ng Israel na pagmamasaker sa mga Palestino at Lebanes, at pagwawasak at pananakop sa Palestine at Lebanon, tuloy-tuloy pa rin ang suporta at ayudang militar ng Estados Unidos (US), European Union, at iba pang imperyalistang bansa sa Israel. ► 2SIYENSIYANG HUKBO Paggawa ng pugon at alulod ► 10FASTrAC: Bagong pakulo ng rehimeng US-Marcos ► 4TOMO V BL 2 AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA SA REBOLUSYON Siyentista’t inhinyero, makibaka laban sa imperyalistang gera at krisis sa klima Ka Tony
AGHAM BAYAN TOMO V BL 2NILALAMAN EDITORYAL / Siyentista’t inhinyero, makibaka laban sa imperyalistang gera at krisis sa klima 1 FASTrAC: Bagong pakulo ng rehimeng US-Marcos 4 RECAP / Mga rebolusyonaryong siyentista, nagkasa ng Oplan Dikit 9 SIYENSIYANG HUKBO / Ang paggawa ng pugon at alulod 10Hindi rin ligtas mula sa imperyalistang gera ang mamamayan sa iba pang bahagi ng mun - do. Sa Europa, ilan taon nang nagpapatuloy ang gera sa pagitan ng Rus - sia at ng Ukraine, kung saan ginagatungan pa rin ito ng Estados Uni - dos at iba pang imper- yalistang bansa sa ilalim ng North Atlan - tic Treaty Organization (NATO) sa porma ng ayudang militar para sa Ukraine. Sa silangang bahagi ng Asya naman, pinapalala ng Estados Unidos ang tensyon sa pagitan ng mga bansa sa kanyang pakikialam sa mga isyung pan - rehiyon. Kabilang dito ang panghihimasok ng Tsina sa West Philip - pine Sea at sa relasyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan. Lahat ito ay nangyayari kasabay ng lumalalang pag- init ng ating mundo at pagbabagong-klima. Naitala ang nakaraang buwan ng Agosto bi- lang pinakamainit na Agosto sa kasaysayan ng pagtatala ng mga siyentista. Sa Pilipinas, naranasan natin nitong taon ang hagupit ng bagyong Carina, En - teng at Kristine, kung saan higit sa 200 ang nasawi habang bily - on-bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultu - ra, imprastuktura, at iba Ang Agham Bayan ay inilalathala ng Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) , na may layuning pataasin ang kamulatan ng siyentistang Pilipino ukol sa mga isyung panlipunan. Nakatuon ito sa pagpapalaganap at paggamit ng agham para sa bayan at sa masang Pilipino, sa balangkas ng pambansang demokrasya at pagpapalaya.pang sektor ng ating lipunan. Itong mga bagyo na ito ay pag - katapos ng panahon ng tagtuyot dulot ng El Niño, na nagresulta rin sa matinding pinsala sa mamamayang Pilipino, lalo na sa masang mag - sasaka at mangingisda. Ang mga im - peryalistang bansa rin ang pangunahing sala- rin sa usapin ng pag - babagong-klima. Pero sa ginaganap na Uni- ted Nations Framework Convention on Climate Change Conference of Parties 29 sa Azer - baijan ngayon, walang pananagutan ang mga ito sa mga bansang pinakaapektado ng kri - sis sa klima. Kakaram - pot ang ipinapangako na pondo ng mga ito para sa aksyong kli - ma. Nangunguna rito ang Estados Unidos, na matagal nang hi - naharangan ang pag- usad ng pondong kompensasyon para sa mga apektadong komunidad. Mas lala - la pa ang sitwasyon sa ilalim ni Trump, na hindi naniniwala sa climate change at malapit sa mga monopolyo kapi - talista sa fossil fuel. Lubhang ma- panganib at mapang - wasak ang epekto ng imperyalistang gera at ng krisis sa klima sa Pilipino at mga mama - mayan ng mundo. Ba -hagi ng tungkulin ng mga rebolusyonaryong siyentista at inhinyero ang pagkilala at pagha- rap sa mga krisis na ito dulot ng imperyalismo. Magkadikit sa bituka ang imperyalistang gera at pagbabagong- klima Sa unang tingin, tila magkahiwalay na prob - lema ang gera ng pa - nanakop at ang pag - babagong-klima. Pero isa ang ugat ng dala - wang penomena na ito: imperyalismo. Likas sa impery - alismo ang paglunsad ng mga imperyalistang bansa ng gera laban sa kanilang mga kari- bal na imperyalistang bansa, laban sa mga sosyalistang bansa, at laban sa mga rebolu- syonaryong kilusan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nakaugat ito sa pangangailangan ng imperyalismo ng mu - rang likas na rekurso, murang lakas-pagga - 2Isa ang ugat ng gera ng pananakop at ang pagbabagong- klima: imperyalismo.
LIGA NG AGHAM PARA SA BAYAN (LAB)wa, at pamilihan para tambakan ng mga so - brang kalakal at kapital. Kung kaya, hindi maii - wasan ng imperyalismo ang paglunsad ng mga gera ng pananakop, at hindi rin maiiwasan nito ang pagkawasak ng kalikasan. Bukod sa mga kasalukuyang mani- pestasyon ng imper- yalistang gera sa Kan - lurang Asya, Silangang Europa, at silangang bahagi ng Asya, na - saksihan rin ng ma- mamayan ng mundo ang marahas na kom - prontasyon ng mga imperyalistang bansa sa nagdaang dalawang Digmaang Pandaigdig; ang polisiya ng lan- tarang okupasyon sa panghihimasok ng Es - tados Unidos sa mga bansang mayaman sa langis katulad ng Iraq noong 2003; at ang tuloy-tuloy na supor - ta ng Estados Unidos at iba pang impery - alistang bansa sa mga operasyong kontra-in - surhensya sa Pilipinas at iba pang bansa. Sa gayon, hin - di rin nakakapagtaka kung bakit ang mga makinarya ng imper- yalistang gera ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Ang industri - yang militar ng Estados Unidos ang pinakama- laking kontribyutor sa pagbabagong-klima; bukod sa daan-daang base nito na nakakalat sa buong mundo, pa- ngunahing pinagkakaa - balahan ng pwersang militar ng Estados Uni - dos ang pagtiyak ng akses ng US sa rekurso at lakas-paggawa ng mga bansa sa Global South . Kabilang sa ti - nitiyak nito ay ang mga maruruming fuel kaga - ya ng karbon at langis, at maging ang mga mi - nerales na ginagamit sa renewable energy . Sosyalistang rebolu- syon ang solusyon sa krisis ng imperyalismo Mas malinaw pa sa sikat ng araw na sukang-su - ka na ang mamamayan ng mundo sa imperya- lismo, na walang gina - wa kundi wasakin ang kalikasan at pahirapan ang masang api. Bi- lang parehong nakau - gat ang walang-tigil na pagsisimuno ng gera at pagbabagong-klima sa imperyalismo, na- giging klaro rin na ang natatanging solusyon para sa mga lumilitaw na krisis na ito ay ang pagpapahina hanggang sa pagpapabagsak ng imperyalismo sa buong daigdig. Sa kanyang nagpapatuloy na pa - kikibaka laban sa im - peryalismo, pinapakita ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas ang kawastuhan ng lin - ya nito sa pagtatagu- yod ng pambansang demokrasya na may sosyalistang perspek - tiba. Nakikita natin sa programa, dokumento, at praktika ng Commu - nist Party of the Philip- pines (CPP) - New People’s Army (NPA) - National Democra- tic Front (NDF) na ang pagpapahalaga sa ka - likasan ay bahagi ng pakikibaka laban sa pandaigdigang sistema ng imperyalismo. Kini - kilala rin ng CPP-NPA- NDF ang pangangai- langan sa isang malu - sog na kalikasan bilang batayan ng isang ma - laya at progresibong lipunang Pilipino. Bukod sa mga hakbang-parusang ipi- napataw ng NPA laban sa mga malalaking mi - nahan na nagpapalala ng krisis sa klima, may kasaysayan na rin ang rebolusyonaryong ki - lusan sa kanayunan sa pagpapatupad ng mga polisiyang maka - kalikasan kagaya ng commercial logging ban at pagpapaun - lad ng mga katutu - bong pamamaraan ng pangangalaga sa ka - likasan. Malinaw rin ang paninindigan ng CPP- NPA-NDF laban sa mga imperyalistang gerang inilulunsad ng Estados Unidos — na tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan na tutulan ang mga ito para sa kapa - kanan ng mamamayan ng mundo na apektado ng digmaan. Tungkulin ng mga siyentista’t inhinyero Sa kasaysayan ng mundo, maraming pag - kakataon na malaki ang naging ambag ng mga siyentista sa anti- imperyalistang adhika - in. Sa Estados Unidos noong 1970s, nag-or - ganisa ang mga si - yentista sa ilalim ng Science for the Peo - ple at iba pang orga- nisasyon laban sa Viet - nam War at paggamit ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga nuclear weapon. Sa mga nagdaang taon, lumakas din ang na- ging pagkilos mula sa mga siyentista sa Es - tados Unidos at iba pang Kanlurang bansa laban sa umiiral na cli- mate change denialism o pagtanggi sa realidad Sa kasaysayan ng mundo, malaki ang naging ambag ng mga siyentista sa anti- imperyalistang adhikain. 3
AGHAM BAYAN TOMO V BL 2ng pagbabagong-kli - ma, lalo na noong unang pagkahalal ni Trump sa US. Dito naman sa Pilipinas, naging malaki ang am - bag ng mga siyentista sa kilusang rebolusyo - naryo noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni Marcos Sr., sa pag - gawa ng mga bomba at kagamitang elektro- niko. May mahala- gang papel ang mga si - yentista at inhinyero sa pagtugon sa mga krisis sa klima at sa mga im - peryalistang gera. Sa ating sari-sariling lara-ngan, kailangan mali - naw ang ating tindig na ang masang api ang dapat makinabang sa agham at teknolohiya, at hindi ang mga dam - buhalang kumpanya’t imperyalistang ban - sang nasa likod ng hi - naharap nating krisis. Maging kritikal tayo sa ating gawain bilang mga siyentista, te - knolohista, at inhinye - ro. Para kanino ba ang ating ginagawang pa - nanaliksik? Pinapala - la ba nito ang krisis sa klima, o kaya’y may ambag sa pagtakbo ng industriyang militar ng imperyalismo? Nagi- ging aktibong bahagi ba ang masang api sa pananaliksik at pagpa - paunlad ng teknolohi - ya, o napipilitan lang ba silang tanggapin ang teknolohiyang inilalako natin sa kanila? Bukod pa rito, malaki pa ang maiu - unlad natin sa paghi - hikayat sa mga kapwa- siyentista’t inhinye - ro na kumilos laban sa imperyalistang gera, at maging sa pagbaba - gong-klima. Malaking bahagi ng ating tugon sa lumalalang krisis ng imperyalismo ang pag -papalawak ng ating hanay, sa tuloy-tuloy na pag-oorganisa sa mga laboratoryo, unibersi - dad, at opisina kung saan nakakonsentra ang sektor na ito. Hamon nga-yon sa siyentista at inhinye - ro na aktibong lumahok sa pakikibaka laban sa magkaugnay na sulira- na imperyalistang gera at pagbabagong-kli - ma. Tutulan ang imper- yalistang gera, tugunan ang pagbabagong-kli - ma, lumahok ang re - bolusyong Pilipino para sa kapakanan ng ma - sang api at kalikasan! ▼ Unang nailathala itong artikulo sa website ng Liberation, ang opisyal na pahayagan ng National Democratic Front of the Philippines, noong Oktubre 2024. — MAY BAGONG PAKULO na naman ang Com - mission on Elections (COMELEC) para sa da - rating na reaksyunar- yong eleksyon sa Mayo 2025 — ang FASTrAC o Full Automation Sys - tem with Transparen - cy Audit/Count . Tiyak na isa ito sa mga pa- mamaraan ng gagami - tin ng rehimeng US- Marcos para sa panda - raya sa 2025 Pamban - sang Halalan. 4REAKSYUNARYONG ELEKSYON, DIGMANG BAYAN ANG SOLUSYON Trinidad Ramirez Ka ValidozaFASTrAC: Bagong pakulo ng rehimeng US-Marcos
LIGA NG AGHAM PARA SA BAYAN (LAB)5Ang FASTrAC ang ba - gong mukha ng Auto - mated Election System (AES) sa bansa. Ipina - sa ang Republic Act (RA) No. 8436 o “AES Law” noong 1997, at inamyendahan noong 2007. Ginamit ang AES noong Pambansang Eleksyong 2010. Ang Pilipinas ang unang bansa sa Timog-Sila- ngang Asya na guma - mit ng ganitong siste - ma ng eleksyon. Itinatakda ng AES na ang botohan sa Pilipinas ay gagawing mabilis sa pamamagi- tan ng paggamit ng elektronikong teknolo - hiya na gumagamit ng mga makina para tu - manggap, magbilang ng mga boto, at mag - padala ng resulta ng eleksyon gamit ang internet. Pinayagan ng batas ang mga priba - do at dayuhang korpo - rasyon na makialam at kontrolin ang eleksyon sa Pilipinas. Tinutulan ito ng mamamayan da - hil alam nilang mas ti- tindi pa ang pandaraya sa eleksyon sa pag - gamit ng mga teknolo- hiya at makinang kon - trolado ng dayuhan at pribadong korpora - syon. Matagal nang pangarap ng mama - mayang Pilipino ang isang malaya, malinis, mapayapa, at demokra - tikong eleksyon — para pumili ng kakatawan sa kanila at sa kanilang interes o kaya’y itakwil ang mga nakaupong opisyales na di naman nagsilbi sa kanilang mga pangangailangan. Pero dahil ang eleksyon sa isang malakolonyal at mala- pyudal na Pilipinas ay nananatiling isang la- rong kontrolado ng mga imperyalista, malala- king burgesya-kumpra - dor, panginoong may- lupa at burukrata ka - pilista, hindi mangya - yari ang kagustuhang ito ng mamamayan. AES Law, paglabag sa soberanya Sa AES Law, mas pinahigpit ng impery - alistang Estados Uni - dos (US) ang hawak nito sa reaksyunaryong eleksyon sa Pilipinas. Mula nang ipinatupad ang automation sa eleksyon, lalong tumin - di ang kontrol ng mga dayuhan at pribadong korporasyon. Ipinapau - baya sa kanila ang pag- suplay, paggamit, at pamamahala ng kina- kailangang teknolohiya at makina hanggang sa paglalabas ng resulta ng halalan. Sa ganitong disenyo, natitiyak ng imperyalistang Esta - dos Unidos na isa sa kanyang mga kabayo at tuta mula sa mga lokal na naghaharing uri ang mananalo sa pamban - sang eleksyon, isang direktang pakikialam sa soberenya ng Pilipinas. Sa darating na 2025 Pambansang Ha - lalan, ang Miru Systems Co Ltd. ang dayuhang kumpanyang napili ng Rehimeng US-Marcos Jr. na magsuplay ng gagamiting teknolohi - ya at makina. Binigyan ng COMELEC ng halos PHP 18 bilyong kon - trata ang Miru. Bukod dito nagbigay pa ito ng karagdagang PHP 1.4 bilyong kontrata sa kumpanyang i-One Resources para naman sa electronic trans - mission ng resulta ng halalan sa mga sen - tralisadong server. Pinagmamalaki ng COMELEC na ginagamit ng i-One Resources ang mga teknolohiyang katulad ng hawak ng US Central Intelligence Agency at ng mga insti - tusyong militar ng US. Ang Miru ay isang South Korean na kumpanya na kakun- tsaba ng imperyalis- tang Estados Unidos. Noong 2018, ang Miru ang pinahintulutan ng US na mamamahala sa pambasang halalan sa Iraq, na sinakop ng US noong 2003. Pumalpak ang halos 70% ng mga makina ng Miru at nag - karoon ng mga glitch at technical failure sa panahon ng eleksyon. Naging malaking kon - trobersya ito, nawalan ng tiwala ang mama - mayan ng Iraq at nagtu - lak sa kanila sa pag - gamit muli ng moda ng halalan mula AES pab - alik sa dating pen-and- paper na pamamaraan. Gayundin sangkot sa mga kaso ng korupsyon at pandaraya ang Miru sa mga halalan sa Democratic Republic of Congo at Argentina, na nagdulot ng malawa- kang kawalan ng tiwala sa Miru at sa integridad ng halalan sa mga ban - sang ito. Korapsyon kakambal ng pandaraya Bago ang kontrata ng Miru, ang Amerikanong kumpanya na Smart - matic Corp. ang unang nakakuha ng kontra -Tinututulan ng mamamayan ang AES dahil alam nilang mas titindi pa ang pandaraya sa eleksyon gamit ang mga teknolohiyang kontrolado ng dayuhan at pribadong korporasyon.
AGHAM BAYAN TOMO V BL 26ta sa awtomatikong sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Mula 2004, maraming mga bansa ang gumamit ng mga makina at teknolohiya ng Smartmatic sa kanil - ang halalan. Sa Pilipinas, mula 2010 hanggang 2022, lagpas sa PHP 25 bilyon ang nakuha ng Smartmatic sa kabi - la nang palpak na ser - bisyo at dayaan para paboran ang mga re - himeng tumangkilik sa nasabing kumpanya. Noong 2023, idinemanda sa korte sa Estados Unidos ang matataas na opisyales ng Smartmatic at ang dating COMELEC Com - misioner Andres Bautis - ta dahil sa daan-daang milyong pisong suhol para matiyak ang kon - trata nito sa eleksyon. Kailan lamang, sumi- ngaw naman ang ale - gasyong bilyon-bilyong pisong suhulan ang naganap sa pagitan ng Miru at si George Garcia, chairperson ng COMELEC para pabo - ran ang Miru. Tumang - gap raw si Garcia ng pera na naka-deposito sa offshore accounts . Mas madayang eleksyon Sa AES, ang mga elek - tronikong makina ang tumatanggap ng boto ng mga botante at nag-lalabas ng resulta. Ang mga makinang ito din ang nagpapadala ng resulta mula sa bawat presinto papunta sa sentralisadong server gamit ang internet. Dahil pag-aari at kontrolado ng mga korporasyon ang mga teknolohiya at makina, sila lamang ang naka - kaalam elektronikong disenyo at programa nito. Walang katiyakan na ang inilalabas na bilang ng boto at ang pinapadalang resulta ng eleksyon ay tama at makatotohanan. Naging mas ta - lamak at mabilis ang dayaan sa eleksyon mula noong ipatupad ang AES. Noong Pam - bansang Halalang 2013 ipinakita ni Prof. Alex Muga ng Center for People Empowerment in Governance (CEN - PEG) ang padron na 60:30:10 sa resulta ng Senatorial election. Ibig sabihin, ang hatian ng boto para sa mga kan - didato ng administra- syon ni Aquino at opo - sisyon ay umuulit sa isang tiyak na pro - porsyon: 60% para sa mga kandidato ng ad - ministrasyon, 30% para sa oposisyon, at 10% para sa iba pang kan - didato. Napansin ang ganitong regular na padron sa resulta ng eleksyon sa maraming bahagi ng bansa.Noong 2022, naga - nap ang pinamabilis na dayaan sa eleksyon sa Pilipinas. Sa loob lamang ng isang oras nakita agad ang di kapani-paniwalang re - sulta ng pagkapanalo ni Ferdinand Marcos Jr. at pagkatalo ni Leni Robredo. Ibinunyag ng dating secretary ng Department of In - formation and Com - munication Technol - ogy (DICT) Brigadier General Eliseo Rio Jr. na malaking bilang ng boto ang “nabilang” na sa maraming lugar kahit hindi pa tapos ang boto- han sa mga presinto. Libo-libo rin ang naiulat na hindi gumaganang vote-counting machine sa mismong araw ng halalan kaya malaking bilang ng mga botante ang disenfranchised . Naghapag ng electo- ral protest ang grupo ni Gen. Rio, pero hang - gang ngayon hindi pa rin ito nireresolba ng COMELEC.Sabi ng COMELEC, ma - giging mas mabilis ang resulta ng eleksyon ngayon dahil sa FAS - TrAC — na mas moder- nong gamit ng Miru System at ng i-One Resources. Pero gaya nang pagpapatakbo ng Smartmatic sa mga na - karaan eleksyon, ganun pa rin ang disenyo at teknolohiya ng panda - raya ang gamit ng Miru at ng i-One Resources. Nananatili ang mga panganib at bulnerabi - lidad sa manipulasyon ng bilang ng boto at mga glitch sa transmi - syon ng bawat presin - to sa sentralisadong server. Mga tradisyunal na pandaraya Nananatiling sangkap sa pagpapanalo sa reaksyunaryong elek- syon ang mga dati nang pamamaraan ng pan - daraya — vote-buying , paggamit ng flying vo- ters, pagwaldas ng pon - do ng gobyerno ng mga nakaupong opisyales para sa kanilang kam - panya, at terror tactics tulad ng pananakot at paggamit ng mga ar - madong grupo, pulis at militar para kontrolin o impluwensyahan ang mga botante at resulta ng eleksyon. Karaniwang na - kalalamang sa pan - daraya ang mga nasa Nananatiling sangkap sa pagpapanalo sa reaksyunaryong eleksyon ang mga dating pamamaraan ng pandaraya.
LIGA NG AGHAM PARA SA BAYAN (LAB)7poder dahil nagagamit nila ang pondo at in - stitusyon ng gobyerno tulad ng media, militar, pulis, korte, at mis - mong COMELEC. Sa kasalukuyan, ang re - himeng US-Marcos na nasa poder ang pan - gunahing mandaraya para manatili sa poder at kontrol sa gobyerno. Disimpormasyon, isang maruming taktika Ang pagkakalat ng dis- impormasyon sa social media ang isa sa mga bagong pamamaraan ng mga reaksyunar- yong pulitiko at kandi - dato para lokohin ang masa at ibenta ang mga kasinungalingan. Ginagamit nila ito para mga popular, ikalat ang kanilang pekeng ima - he, at paniwalain ang masa na demokratiko, pantay, at malinis ang eleksyon sa Pilipinas. Noong 2017 ma - sinsin at malaganap na noong 2022, kahina-hi - nalang kadalasang nakapako sa higit 50 - 60% ang pabor daw sa tambalang Marcos- Duterte. Eleksyon sa rebolu- syonaryong kilusan Kabaligtaran ng reak- syunaryong eleksyon ang nangyayari sa mga lugar na may mga organo ng kapangyari - hang pampulitika (OKP) na itinatayo ng ma- mamayan sa gitna ng rebolusyon. Ang OKP ay ekspresyon ng or - ganisadong lakas ng rebolusyonaryong ma- mamayan para pakilusin ang buong sambayanan at ipagtagumpay ang rebolusyon. Sa kasa - lukuyan, hakbang-hak - bang itong itinatayo sa kanayunan. Dito nag - mumula ang demokra - tikong kapangyarihan ng mamamayan para sa kanilang interes at mithiin — lupa, edu - kasyon, pang-kalu - sugan, at iba pa. Isa sa mga pan - gunahing tungkulin ng OKP ang tuloy-tuloy na pagsulong ng Demo- kratikong Rebolusyong Bayan (DRB) laban sa imperyalistang domi - nasyon ng US at lokal na naghaharing uri, ip - agtagumpay ang pam - bansa-demokratikong rebolusyon hanggang sa maitatag ang Pam -ginamit ito ng panga - kating Marcos-Dute - rte para manalo sa eleksyon. Pinalaganap nilang mahusay ang pamamahala ng pasis - tang si Rodrigo Dute - rte. Sa bahagi ng mga Marcos, ginamit nila ang social media , troll army, at influencers para baluktutin ang ka - saysayan: walang pag- abag sa karapatang pantao noong panahon ng martial law, walang korupsyon, maunlad at “golden era” ito sa kasaysayan ng Pilipi - nas, may makukuhang Tallano gold, magiging 20 pesos ang bigas, at iba pa. Ginagamit rin ang pekeng survey para lituhin at implu - wensyahan ang mga botante para ihalal sila, o kaya’y ikondisyon ang pampublikong opin - yon kung sino ang na - gunguna at posibleng manalong mga kandi - dato. Mula 2021 hang - gang bago maghalalan bansang Demokrati- kong Republika ng Pili - pinas. May iba’t-ibang porma at antas sa kasa - lukuyan ang mga OKP batay sa lakas at lawak ng rebolusyonaryong kapangyarihan. Kara - niwan itong nasa an - tas baryo (o mga KRB, komiteng rebolusyo - naryo ng baryo) tungo sa munisipyo o distrito hanggang antas pro- binsya. Ang eleksyon sa mga OKP, halimbawa sa mga KRB, tinitiyak ang patakarang “tat - long sangkatlo” o “3/3”. Ibig sabihin, sa loob ng komiteng rebolusyo - naryo ay may karam - patang representasyon ang Partido Komunista ng Pilipinas, mga ga - nap na samahang masa gaya ng Pambansang Kalipunan ng Magsa - saka (PKM), Malayang Kilusan ng Bagong Ka - babaihan (MAKIBAKA) at Kabataang Maka - Kabaligtaran ng reaksyunaryong eleksyon ang nangyayari sa mga lugar na may OKP , na itinatayo ng mamamayan sa gitna ng rebolusyon. Philstar.com
AGHAM BAYAN TOMO V BL 2CALL FOR SUBMISSIONS! Ipadala ang inyong mga tula, dibuho, at iba pang malikhaing obrang alay sa sambayanan at rebolusyon sa aming email: agbay_lab@protonmail.com .DIBUHO Silunganbayan (KM), at ang mga panggitnang pwersa. Mapayapa ang eleksyon sa erya ng OKP — walang gumag - amit ng dahas, panana - kot at panunuhol — na karaniwang kalakaran sa reaksyunaryong eleksyon. Makisangkot sa reaksyunaryong eleksyon, palakasin ang rebolusyon Gaya nang mga na - karaang reaksyunar- yong eleksyon, mali - naw na ang layunin ng eleksyon sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. ay ang para panati - lihan ang malakoloynal at malapyudal na kaa- yusan sa Pilipinas. Hindi naiiba ang 2025 Pambansang Ha - lalan sa mga nakalipas na eleksyon—na ito ay tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri para sa kapangyarihan. Sa 2025, ang pangunahing manlalaro ay ang mag - karibal na tuta ng im - peryalismong US-Mar - cos Jr. at pangkating Duterte. Sumasawsaw din dito ang mga reser - bang kabayo ng US tu - lad ng Partido Liberal at mga petiburgesyang nagpapanggap na par - tidong kaliwa tulad ng Akbayan. Malinaw namang lamang ang pangka-ting Marcos. At da - hil nasa pwesto, ga- gamitin nila ang lahat ng kasangkapang ng pandaraya, tulad ng FASTrAC/AES, at pa - nanakot para makala - mang sa isa’t-isa. Sino man ang magwagi at makaupo sa kanila, ti - yak na papanatilihin lang nito ang kalakaran ng paggamit sa gobyer - no para mangurakot, apihin at pagsamanta - lahan ang mamamayan. Gayumpaman, pagkakataon ang da - rating na eleksyon para patampukin ang programa at adhika - in ng demokratikong rebolusyong bayan, ibayong ipana- wagan at kumilos para sa mga karaingan at kahilingan ng mama - mayan, mag-organisa, magpanalo ng mga progresibong kandida- to at partido bilang am - bag sa pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusan. Dahil sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na kaayu- san, rebolusyon lang ang tangi at tunay na solusyon para makamit ang kalayaan at tunay na demokrasya. ▼ 8 Cassandra Bigwas
LIGA NG AGHAM PARA SA BAYAN (LAB)NAGKASA NG OPLAN DIKIT ang mga miyem - bro ng Liga ng Agham Para sa Bayan (LAB) - Manuel Dorotan Chap - ter sa mga lansangan ng Maynila noong Mar - so 2024 bilang pag - gunita sa ika-55 na anibersaryo ng pag - kakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Sa mga ipinaskil na sticker, tinutuligsa ng mga rebolusyonary - ong siyentista ng LAB - Manuel Dorotan ang reaksyunaryong esta-dong inianak at pinananatili ng imper- yalismo, pyudalismo, at burukrata kapital - ismo. Ipinanawagan ng balangay sa mga kabataang siyentista at sa pinakamalawak na hanay ng masang anakpawis sa kalunsu - ran na sumapi sa re - bolusyon at tumungo sa kanayunan upang tuluyan nang wakasan ang kahirapan, kagutu - man, at imperyalistang pandarambong. ▼RECAP LAB - Manuel DorotanLayag DimagapiMga rebolusyonaryong siyentista, nagkasa ng Oplan Dikit 9
AGHAM BAYAN TOMO V BL 210SIYENSIYANG HUKBO Paggawa ng pugon at alulod AAA SA MARAMING GA - WAIN ng ating mi - namahal na Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula sa pag-oorganisa ng masa hanggang sa pagbira sa pasistang sundalo at pulis ng mga kaaway sa uri, minsan hindi masyadong na - papagusapan sa mga talakayan at ED ang ka - halagaan ng gawaing kabuhayan. “Paano tayo kakain ngayong araw? Saan tayo pwe - deng kumuha ng mai - inom na tubig?” Ilan ito sa naging tanong ko noong kumilos ako kasama ang isang yunit ng BHB sa Luzon. Dito ko rin natuklasan ang malikhaing tugon ng BHB sa pang-araw- araw na hamong ito, sa paraan ng nakama -manghang feats of en - gineering at paggamit ng mga prinsipyong si - yentipiko na nagagawa pa rin sa konteksto ng makilos na digmaang gerilya — at sa gitna ng kagubatan! Paggawa ng pugon Kalimitan, sa mga kam - po at pisikal na base ng BHB, gumagamit sila ng kahoy sa pagluluto ng pagkain. Isang malak - ing konsiderasyon dito ay ang usok, lalo na kung basa ang kahoy na ginagamit — sa mga kaaway, maari itong maging indikasyon ng presensya ng isang kampo ng BHB. Ang paggawa ng pugon ang naging sag - ot ng naturang yunit, na hango sa Hoàng Cầm stove na ginamit ng mga gerilya noong Viet - nam War. Naghahanap ng pwesto ang mga kasama na may libis o slope at naghuhukay sila ng kanal dito. Sa dulo ng kanal sa ibaba, nilalagay ang bahay ng apoy na binubuo gamit ang bato. Hinuhubog ang bahay para uma - ngkop sa sukat at laki ng mga kalderong ga- gamitin. Sa kahabaan ng kanal, naglalagay ng bato o kaya’y katawan ng puno ng saging para takpan ito. Pagkatapos nito, tinatabunan ng basang lupa ang kanal para takpan ang mga natitirang puwang. Dahil likas na umaangat ang mainit na hangin, lumalabas na tila hinihigop ng kanal ang usok mula sa apoy sa ibaba. Sa pagdaan ng usok sa mga malilit na puwang sa pagitan ng bato’t lupang pan - tapal sa kanal, naiiwan ang mga partikulo ng usok at ang lumala - bas na lang ay ang init at steam mula sa basang lupa. Nagiging kontrolado ang usok at, kung maayos ang pagkagawa ng pugon, tila hamog na lang ang sumisingaw mula sa kahabaan ng kanal! Sa kada lipat ng base, gumagawa kami ng bagong pugon, na dumadalas sa panahon ng pagmamanibra pa - layo sa operasyon ng kaaway. Iba rin yung karanasan na halos araw-araw kang mag- hahanap ng mga mala- laking bato o kaya’y maghuhukay ng kanal, pagkatapos ng maha- bang lakaran sa gitna ng kabundukan. Pero ang susi rito ay ang kolektibong pagkilos ng mga kasama para mat - apos agad ang pagga - Cassandra Bigwas
LIGA NG AGHAM PARA SA BAYAN (LAB)11malilikhaing feats of engineering na maki - kita sa gawain ng mga yunit ng BHB — sa kon - struksyon ng kubo at palikuran, sa pag-ayos at pagbuo ng mga sim - pleng electronic de - vice, at iba pa. Sa kasa - lukuyang konteksto ng makilos na digmaang gerilya, nagagamit ng mga Pulang mandi- rigma ang iba’t ibang prinsipyo ng agham atinhenyeriya para matu - gunan ang mga panga- ngailangan ng yunit. Kaya, bilang si - yentista, hindi salat sa bagong kaala - man at pag-unlad ng kasanayan ang kara - nasan sa loob ng laran - gan. Gamitin natin ang ating talino’t kasanayan bilang siyentista para sa tunay na pagliling - kod sa bayan — tara na sa kanayunan! ▼wa ng pugon — para rin makapagluto agad ng hapunan! Paggawa ng alulod Para naman makaku - ha ng malinis na tubig, palakasin ang agos ng tubig sa mga maliliit na sapa, o kaya’y dalhin ang tubig sa kusina o sa iba pang lugar, gum - agawa ng alulod o salu - lo ang mga naturang yunit ng BHB. Mula sa mga simpleng kon - struksyon hanggang sa mga mas komplikadong asembliya, kaya itong gawin gamit lamang ang mga rekursong mahahanap sa gubat. Kung ang pa - kay ay palakasin ang agos ng tubig sa sapa, sa esensya’y gumaga - wa ang mga kasama ng reservoir gamit ang bato at lupa, upang mag-ipon ng mas ma- raming tubig. Pinapa - taas nito ang lebel ng tubig kumpara sa susu - nod na bahagi ng sapa. Mula dito, pwede nang kabitan ang reservoir ng alulod, na pwe - deng hubugin mula sa kawayan, katawan ng puno ng saging, o iba pang halamang katu- lad ng mga ito. Lalo na sa mga sitwasyon na malak - as ang agos ng tubig, maaring bumuo rin ng asembliya ng mga alu- lod para magkaroon ng maraming daluyan ang tubig na pwedeng ga- mitin nang sabay-sa - bay. Pwede rin gawin ito para ibukod ang agos ng tubig, na ginagawa sa panahon na hindi pwedeng gumamit ng sabon sa sapa mismo sa dahilang pang-se - guridad (maaring in - dikasyon ang bula ng sabon sa sapa na may mga taong gumagamit nito) at/o konsider - asyon sa masa (maar - ing ginagamit ng masa ang tubig sa baba). Siyentista’t inhinyero, tara na! Mula sa mga siyentip - ikong konsepto at prin - sipyong inaral ko sa hayskul at kolehiyo, iba talaga yung paglapat ng mga ito sa kontek - sto ng armadong paki - kibaka sa kanayunan. Marami rin akong na - tutunan mula sa mga kasama ko sa yunit na labas sa teoretikal na talakayan sa loob ng klasrum. Nakakatuwa rin na kahit hindi naman alam ng ilang mga kasama ang mga pa- ngalan ng siyentipikong batas at teorya sa likod ng mga ginagawa nila, mahusay pa rin sila sa paggamit ng mga ito para sa pang-araw- raw na pangangaila- ngan ng yunit. Marami pang ibang halimbawa ng Mga litrato ng alulod sa isang pisikal na base ng naturang yunit ng BHB. Nagmula sa malakas na sapa ang tubig nito.